Jackie Rice still refuses to reveal identity of non-showbiz boyfriend; defends co-star Sam Pinto

IMAGE 0


Jackie Rice on her separated parents: "Kinausap ko silang pareho. Iniiyakan ko na pareho yung dalawa kasi para akong bata nung naghiwalay sila. Tapos hanggang ngayon, para pa rin akong bata na wala sila, e. Nasanay akong magkasama sila buong buhay ko."


Next week ay matatapos na ang GMA-7 fantaserye na Ilumina, na tinatampukan nina Rhian Ramos, Aljur Abrenica, at Jackie Rice. Ito ang biggest break sa TV para sa StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie.

Sa farewell/thanksgiving presscon ng Ilumina noong Thursday, November 11, sa Celsius Bar, sa bandang Tomas Morato sa Quezon City, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang pinakamami-miss niya sa pagtatapos ng kanilang fantaserye.

"Lahat actually, lahat!" sagot ng young actress. "Yung show, yung mga kasama ko siyempre. Kasama ko sila sa puyatan, e, 'yang mga 'yan, di ba?

"Lahat 'yan mami-miss ko. Mami-miss ko yung trabaho kasi patapos na rin."

Sino ang pinaka-close niya sa show?

"Sa tent siyempre, kung sino yung kasama ko. Sina Rox Montealegre, si Ella Cruz, yung bata... Yung mga puting sorsera," banggit ni Jackie, na ang tinutukoy ay mga roles nila sa Ilumina.

Of course, mami-miss din daw niyang katrabaho ang lead stars na sina Rhian at Aljur.

Kuwento ni Jackie tungkol sa mga eksena nila ng female lead: "Si Rhian, pag may eksena kami, before mag-take, magso-sorry na ako pag may sakitan."

At tungkol naman sa male lead: "Si Aljur, pag halimbawang may eksena kami, nakaka-bonding ko siya. Siyempre, kailangan mo ng something, na may alam kami sa isa't isa para hindi kami nahihirapang magka-eksena. Mahirap yung wala kaming alam sa isa't isa, e."

Matapos ng Ilumina, hindi pa alam ni Jackie ang next project niya.

"Wala pang sinasabi, pero I'm sure meron 'yan. Sana meron, di ba?" sabay tawa ni Jackie, na maganda naman ang relasyon sa mga boss ng GMA-7.

SAM PINTO. Kasama ni Jackie ang baguhang si Sam Pinto sa Ilumina at Bubble Gang, kaya itinanong namin kung totoo bang nakakailang takes ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate sa mga eksena nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po!" tanggi ni Jackie.

"Nakikita ko, okay si Sam. Actually close ko si Sam.

"Nakikita ko siya na she's trying her best. Ano siya, Ingglesera siya, e, pero marunong siyang mag-Tagalog.

"E, meron, like sa script, na malalalim [na Tagalog], pero hindi naman yung marami na takes. Puwede namang magkamali kasi taped naman 'yon, e. Puwede mo namang ulitin.

"Marami kaming eksena sa Bubble Gang, hindi naman kami maraming takes.

"Kagabi, kaeksena ko siya sa Ilumina, naka-take one lang kami!" pagtatanggol pa niya kay Sam.

Wala bang insecurity si Jackie sa magagandang mga baguhan sa GMA-7 tulad nga nina Sam at Gwen Zamora?

"No, walang ganun," simpleng sagot niya. "Happy ako kasi wala akong kapatid na babae. So, ito, mga nakakasama ko—mga magaganda, di ba?"

SILA PA RIN. Kinumusta naman ng PEP ang lovelife ni Jackie.

"Okay naman, siya pa rin, yeah!" natatawa niyang sabi.

Nang itanong namin ang pangalan ng kanyang boyfriend, as usual, ang sagot ni Jackie ay: "Secret!"

Dagdag niya, "Ano e, parang... Basta meron po akong lovelife."

Pero hindi raw regular mag-date si Jackie at ang non-showbiz boyfriend niya.

"Bilang ang Ilumina po, e, four times a week ang taping namin at puyatan, umaga na natatapos. So, papaano mo pa maisisingit?

"Bata pa naman ako, may work rin naman siya, e," paliwanag ng 20-year-old actress.

So, once a week na lang sila magkita?

"Minsan nga wala na, e, hindi na. Pero halimbawa, like 'yan, patapos na yung show... E, kasi busy rin naman siya."

Paano nila name-maintain ang relasyon nila kung bihira silang magkita?

"Maintindihin naman kasi siya, e. Naiintindihan niya yung trabaho ko. Iyon ang maganda kasi," sagot ni Jackie.

Biro namin sa kanya, baka naman may iba nang idine-date ang boyfriend niya?

"Huwag naman, huwag naman, magiging itim na sorsera ako! Ipapakita ko yung powers ko pag meron siyang ibang dine-date!" tawa ni Jackie bilang pagsakay sa biro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumapasyal naman daw sa taping ng Ilumina ang boyfriend niya, at naipakilala na niya sa mga cast members.

"Kakilala na siya ng lahat. Yung... kumpara sa co-stars ko at mga staff, mas ka-close pa niya kaysa sa akin, katsikahan niya," sabi niya.

Sabi namin, ang press na lang ang hindi kilala ang boyfriend niya.

"Mahiyain kasi siya, e. Baka raw pagpiyestahan siya, ayaw niya naman. Hindi pa siya sanay."

Almost nine months na raw ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

GUSTONG MAGKABALIKAN. Inusisa rin ng PEP kay Jackie kung maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila ng kanyang American father, na hiwalay sa kanyang Pinay na ina.

"Matagal na po kaming okay.

"Happy siya na marami akong trabaho. Pag ano, sinasabi niya sa akin, pag wala na raw akong work, mag-apply na raw ako sa mga fastfood chains.

"Pero joke niya lang 'yon," natatawang kuwento ni Jackie.

Hindi pa rin nagkakabalikan ang parents niya, na ayon kay Jackie ay tila parehong ayaw nang magbalikan. Pero pareho pa rin daw walang ibang pamilya ang ama at ina niya.

"Sana may chance pa, siyempre gusto ko silang magkabalikan," asam ni Jackie.

"Kinausap ko silang pareho. Iniiyakan ko na pareho yung dalawa kasi para akong bata nung naghiwalay sila.

"Tapos hanggang ngayon, para pa rin akong bata na wala sila, e. Nasanay akong magkasama sila buong buhay ko."

Sa bahay nina Jackie sa Maynila nakatira ang ama niya at ang ina naman niya ay nakatira sa Olongapo.

Naghiwalay ang mag-asawa matapos nang pagsali ni Jackie sa StartStruck.

"Mga 2007-2008... hindi ko na alam.

"That time, ang mama ko nasa Olongapo, e, ang daddy ko nasa Manila. So, gusto ng daddy ko umuwi mama ko dito sa Manila. Kaso may mga dapat din siyang asikasuhin sa Olongapo.

"So, nagtatampo yung daddy ko hanggang sa ang tampo napunta sa hiwalayan," kuwento ni Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN