Aljur Abrenica is now dating freely; admits excitement over family resort going up in Batangas

IMAGE 0


"Tsaka na lang, baka maudlot. Sikreto muna. Pag sinagot na ako, pag nakapili na ako, 'tsaka ko sasabihin sa inyo," answers Aljur Abrenica when asked about the girls he is dating now.


Nilinaw ni Aljur Abrenica ang balitang nililigawan niya ang ABS-CBN star na si Kim Chiu.

"Talaga?" balik-tanong niya. "Wala kaming communication!"

Diretsa pang sinabi nito na ni hindi pa sila nagkaka-text ni Kim at ni hindi nga niya alam ang number ng young star.

Ginawa ni Aljur ang paglilinaw nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa farewell presscon/thanksgiving party ng Ilumina noong Huwebes, November 11.

Inusisa rin namin siya tungkol sa isa pang napapabalitang nililigawan niya na taga-ABS-CBN din.

"Iyan, masasagot ko 'yan," sagot ng Kapuso star.

"Ang taga-ABS na 'yan is taga-PBB," panimula ni Aljur, na ang tinutukoy ay ang Pinoy Big Brother, ang reality show ng Kapamilya channel, "na hindi ako, hindi ko siya dine-date."

Pagpapatuloy niya, "Nataon lang na nakasama ko siya kasi tropa siya ng kapatid ko.

"Ang laging lumalabas—yung babaeng 'yon, kapatid ko, at yung isang tropa namin. Lagi silang lumalabas."

Ang tinutukoy ni Aljur na babae na taga-PBB ay si April Sioson Sun, isang Koreana.

Hindi rin daw nililigawan ng kapatid ni Aljur si April, na nagkakilala naman sa isang gimikan sa Tomas Morato.

"Tropa lang talaga," paliwanag ng young actor.

Dalawang beses na raw nakasama si Aljur sa paglabas-labas ang mga ito, pero grupo lang sila parati.

DATING STAGE. Kailan siya huling nakipag-date?

"Last week," pag-amin niya.

"Non-showbiz, non-showbiz. Huwag na lang nating sabihin ang pangalan. Non-showbiz, taga sa amin."

Nililigawan na ba niya ang non-showbiz girl?

Pagtatapat niya, "Nasa dating [stage] ako, parang, alam mo yun? Hindi ako nag-aano sa isa lang."

Marami raw siyang kinikilala ngayon at marami siyang dine-date, tutal daw ay single siya ngayon.

Ilan ang dine-date niya?

"Hindi ko masasabi, kasi may dumarating, may mawawala. Parang single lang, bachelor lang," nakangiti niyang description sa sarili.

Alam ng PEP na magkahalong non-showbiz at taga-showbiz ang mga dine-date ngayon ni Aljur, pero wala siyang ipinagtapat na pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap nito, "'Tsaka na lang, baka maudlot. Sikreto muna. Pag sinagot na ako, pag nakapili na ako, 'tsaka ko sasabihin sa inyo."

RICH ASUNCION. Kumusta na sila ng rumored ex-girlfriend niyang si Rich Asuncion, na ka-batch niya sa StarStruck 4?

"Magkaibigan naman talaga kami," sagot ni Aljur.

Totoo bang nag-dinner sila pagkatapos ng Cosmo Bash last August?

(Ang Cosmopolitan Philippines ay may event featuring bachelors on the runway taon-taon. Madalas makasama rito ang mga artista at mga modelo na tinitilian ng predominantly female audience. Nitong taon, si Aljur ang dramatic opening number ng Cosmo Bash.)

"Oo, niyaya ko siya. Pero marami kami, alam ng mga tao 'yan."

Ngayong wala na ang love team nila ni Kris Bernal, sa tingin ba ni Aljur ay puwede na niyang ilantad sa publiko kung may girlfriend siya? O halimbawang maging espesyal uli ang relasyon nila ni Rich?

"Ako naman kasi," sagot ng aktor, "kung magkaka-girlfriend talaga ako ngayon, ipapaalam ko sa lahat, kasi ako rin yung mahihirapan, e."

Ulit niya, "Kung magkaka-girlfriend ako ngayon, sasabihin ko sa lahat, aamin ako na may girlfriend ako."

Sabay dagdag ng, "Pero ngayon, wala, e. Wala talaga akong girlfriend ngayon, single po ako ngayon."

Dati ba ay nahirapan siyang magtago, tulad noong na-link siya kay Bianca King?

"Wala naman talaga yun," ngiti niya.

Ang sinasabi ba niyang nahirapan siyang itago ay yung sa kanila ni Rich noon?

"Ang sabi ko, mahihirapan ako, mahirap kasing, ano, magtago!" sagot ni Aljur na natatawa sa tinutungtong ng tanong.

But this time?

"Wala, wala na akong itinatago ngayon!" deklara niya.

Hindi na nila itinatago dahil lately ay nagdi-date na sila ni Rich?

"Yung sa amin ni Rich, wala naman talaga," sabi niya, na kung nakukulitan na sa PEP ay hindi nagpapahalata.

Pag-uulit niya, "Hindi, kasi pag lumalabas kami, marami kaming kasama. Hindi ko masasabing date talaga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESORT IN BATANGAS. Naikuwento naman ni Aljur sa PEP ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong resort sa Batangas.

Dito raw niya gustong magbakasyon kahit isang linggo matapos ang napaka-hectic nilang taping para sa magtatapos na fantaserye ng GMA-7.

"Sa Batangas, may resort na kami doon. May swimming pool na doon!" excited na pagbabalita ni Aljur.

Gaano kalaki ang resort nila?

"Sobrang laki!" bulalas niya.

"Yung bar namin [Ichiban] mismo, di ba? Tapos sa side nun, malaki pa yung lupa namin. 'Tapos, sa pinakadulo, may swimming pool na. Tapos, may cottages na," excited pang kuwento ni Aljur.

Ang lupa, aniya, ay dati nang pagmamay-ari ng kaniyang ama. Matagal na sa kanilang pamilya iyon.

Ngayon naman ay naghati silang mag-ama sa pag-develop nito bilang resort.

Nang tanungin namin kung nasa milyon na ang nailalabas niya para sa resort, tila nahihiya pang sinabi ni Aljur, "Almost almost one million na."

Hindi pa raw open sa public ang resort.

"Hindi pa siya open sa public kasi yung mga cottages, hindi pa gawa talaga lahat. Pero, puwede na talagang pag-stay-an.

"Yung mga facilities na lang ang tinatapos. Yung pool, oo, puwede na," banggit ng 20-year-old actor.

Pinag-iisipan pa raw niya kung ano ang pangalan ng resort, at may nag-suggest na Ilumina ang gamitin niya.

"Puwede, di ba? Bunga ng Ilumina, e," pagsang-ayon naman ng masipag na young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN