Jean Garcia has no problem with her daughter Jennica's new boyfriend, Alwyn Uytingco

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga rumors na kinausap ko raw si Jennica at sinabi ko na hindi ko gusto ang boyfriend niya. Walang gano'n na nangyayari sa aming mag-ina," clarifies Jean Garcia.


Hangga't maaari ay umiiwas na si Jean Garcia sa pagsagot tungkol sa issue na hindi raw niya gusto ang young actor na si Alwyn Uytingco para sa anak niyang si Jennica Garcia.

Pakiramdam ni Jean, may ibang tao na gustong may masabi siyang hindi maganda tungkol sa current boyfriend ng kanyang anak. Nagtataka lang ang aktres na tuwing tatanungin siya about Alwyn ay may halong negative na issue.

"Sa totoo lang, wala naman akong problema with Alwyn," paglilinaw ni Jean nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa farewell/thanksgiving presscon ng Ilumina last Thursday, November 11.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga rumors na kinausap ko raw si Jennica at sinabi ko na hindi ko gusto ang boyfriend niya. Walang gano'n na nangyayari sa aming mag-ina.

"Normal lang naman na magtanong ako sa anak ko, di ba? May mga nakakarating kasi sa akin na mga tsismis. Ayoko namang palagpasin 'yon. Kaya nga tayo tinawag na ina para protektahan natin ang ating mga anak, di ba?

"'Tsaka kelan naman naging masama ang tanungin ng isang ina ang kanyang anak? Tinanong ko lang si Jen kung totoo ba ito? Kung ano ang sagot ng anak ko, yun ang paniniwalaan ko.

"I know my daughter too well," patuloy niya. "Alam ko kung kelan siya nagsisinungaling. Hindi siya marunong kasi, e. Mahahalata mo agad kung nagsasabi siya ng hindi totoo.

"Kaya kapag nag-usap kami, she always tells the truth at wala namang problema talaga with Alwyn."

GOOD BREEDING. Ayon kay Jean, nakikita naman niya si Alwyn sa bahay nila. Magalang daw ito at mababait ang mga magulang nito.

"Sinasabi ko naman kay Jen na mas gusto ko yung pinupuntahan siya sa bahay ng boyfriend niya. Gusto ko yung nakikita ko sila.

"Gano'n din sila noon ni Mart [Escudero, Jennica's ex-boyfriend]. Susunduin si Jen at ipagpapaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alwyn does the same at gusto ko 'yon. Kung lalabas sila, pinapaalam naman ni Alwyn kung saan sila pupunta ni Jen. Ang galang na bata, di ba?"

Dagdag niya, "'Tsaka mababait ang magulang ni Alwyn. Nakausap ko na sila dati at mga disenteng tao sila.

"Kaya alam ko na mabuting tao ang anak nila. Hindi ito gagawa ng kung anong kalokohan sa anak ko. Kaya nahihiya nga ako sa parents ni Alwyn kapag nai-issue ang anak nila lalo na kung may kinalaman sa akin.

"Ako na ang nagsasabi na I have no problems with Alwyn. I trust him because my daughter loves him."

PRIVACY IN LOVE LIFE. Sa sariling love life naman ni Jean, tikom na ang bibig nito. Wala na raw siyang pinagkukuwentuhan dahil ayaw niyang maudlot ang magandang pakikitungo niya sa isang non-showbiz guy.

"Naku, huwag na kayong magtanong at baka matakot! " malakas na tawa ni Jean.

"Hindi na ako bagets para pag-usapan ang love life, di ba? Tama na yung nakikita ninyo akong fresh at hindi kunsumido.

"It means na masaya ako at punung-puno ang aking buhay. Makulay na makulay!

"Bakit, ang anak ko lang ba ang may karapatan magkaroon ng love life? Ako rin naman, di ba?

"Pero secret na lang 'yon. Basta masaya ako at nakikita naman, e," sabi niya.

SHORT BREAK. Magpapahinga raw muna si Jean pagkatapos ng Ilumina, na nasa huling week na nito ngayong linggo.

Nabanggit din ng aktres na hindi na matutuloy ang balak niyang magbakasyon sa ibang bansa.

"Actually, gusto ko sana one-month vacation," sabi ni Jean.

"Sobra akong blessed sa taong ito. I did four drama shows this year—All About Eve, Ina Kasusuklaman Ba Kita?, Stairway to Heaven, Iluminaat nagulat ako sa stamina ko. Nakaya kong gawin lahat 'yan. Kaya deserve ko naman sigurong magbakasyon.

"Pero nag-decide ako na dito na lang kasi baka may pumasok na raket this Christmas, madali akong mahanap. Sayang din yun, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na kasi na-extend ang Ilumina kaya stand by na muna ako kung ano ang susunod kong gagawin sa GMA-7."

HAPPY ENOUGH WITH KAPUSO. May offers daw na natatanggap si Jean mula sa ABS-CBN at TV5, pero priority daw niya ay kung ano ang ibibigay ng GMA-7 sa kanya.

"Though wala naman akong exclusive contract with GMA-7, sila ang priority ko," sabi niya.

"May mga offers naman from the two TV stations, pero pinapaalam ko pa rin sa GMA-7 ang mga 'yon. Good thing naman na may naka-prepare na silang project for me agad.

"I can say na happy na ako sa mga nabigay at ibibigay na projects sa akin ng Kapuso, and there's no reason to accept other offers talaga."

Pero wala raw balak si Jean na magpa-exclusive sa GMA-7 dahil okey naman siya sa takbo ng kanyang career.

"Hindi ko na kailangang magpa-exclusive kasi may manager naman ako, si Direk Manny [Valera]. He's doing okay sa pag-aalaga sa akin at sa anak ko.

"'Tsaka hindi naman na ako bagets para alagaan pa ng network. Yung mga ini-exclusive naman ay yung mga baguhan kasi aalagaan nila ang mga 'yan.

"Kaming mga may edad na, e, masaya na kami sa kinalalagyan namin. Ang importante ay nandiyan ang trabaho at patuloy kang pinagkakatiwalaan ng network," pahayag ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN