Rochelle Pangilinan finally settles Boracay incident; admits "exclusively dating" Arthur Solinap

IMAGE 0


"Nagbitaw na ako ng salita kay Ate Joy na hindi ko siya iiwan. Siya pa rin ang manager ko kahit saan man kami makarating o kahit ano ang mangyari," says Rochelle Pangilinan about a rumor that she is bolting out of Joy Cancio's management.


Sobrang nagpapasalamat si Rochelle Pangilinan dahil natupad na ang panalangin niya na matapos na ang isinampang kaso sa kanya at sa mga kaibigan niya ng isang lalaki dahil sa isang insidente na nangyari sa Boracay last year.

Kung matatandaan, nakaalitan ni Rochelle at ang mga kasamahan niyang sina Aifha Medina at Michelle Villanueva ang lalaking nagngangalang Joshua Calixto Formentera sa Crystal Sands Resort sa Boracay noong April 9, 2009.

Nasa Holy Week vacation noon ang leader ng Sexbomb Girls at ibang kasamahan nang masangkot sila sa gulo. (CLICK HERE to read related story.)

Sinampahan sila ng kaso ni Formentera, at dumalo pa nga si Rochelle at ang kanyang manager na si Joy Concio sa isang hearing sa Boracay earlier this year.

Nagulat daw sila Rochelle sa isinampang kaso ng lalaki. Inakala raw kasi nilang tapos na ang gulo dahil hindi nagpakita si Formentera sa police station, kunsaan dapat ito mag-file ng pormal na complaint.

Pero pagkatapos ng ilang buwan ay biglang may dumating na sulat mula sa abugado ni Formentera.

Pero kelan lang daw ay naayos na ang gulo.

"Matagal ko nang 'pinagdasal na matapos na 'yon," sabi ng SexBomb girl.

"Last year pa siya, pero alam mo na nababagabag pa rin ang kalooban mo. Hindi mo alam kung ano talaga ang mangyayari kasi sinampahan nga kami ng kaso.

"Pero naging maayos na ang lahat. Kelan lang ay may natanggap na kaming word na maayos na. Yung isang friend namin na na-involve nga, si Mitch, siya ang nandoon para ayusin ang lahat.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos na okey na nga. Makakapag-move on na kami ni Aifha sa nangyaring iyon."

A BLESSED YEAR. Kaya tama lang daw ang pagbibigay ng thanksgiving party para sa buong cast and crew ng Ilumina last Thursday, November 11 sa Celsius Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Isinabay na ni Rochelle ang pasasalamat sa mga nangyari sa kanya sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very thankful ako na nakasama ako sa Ilumina bilang isa sa mga puting sorsera na si Elena. Una akong lumabas sa pilot episode ng Ilumina at ipinakita ang background story ng mahiwagang libro ng mga sorsera.

"Akala ko hanggang doon lang ako, pero pinalaki nila ang role at hanggang sa huli nga ay kasama ako.

"Enjoy kaming nag-work sa show kasi masaya kami sa mataas na ratings namin. Sayang lang at mabilis na natapos.

"Isa ito sa mga shows na hindi ko malilimutan talaga," pahayag ni Rochelle.

MISSES DAISY SIETE. Dumating ang magandang role para kay Rochelle sa Ilumina noong panahong nawala sa ere ang afternoon series ng SexBomb Girls na Daisy Siete.

Pitong taon namayagpag sa afternoon block ng GMA-7 ang Daisy Siete hanggang sa mamaalam ito sa pagsapit ng season 26.

Pinalitan ito ng GMA-7 management ng sarili nitong produksyon, ang dance-reality show na Danz Showdown.

Nagtagal lang ito ng isang season. Naging resident host and judge naman si Rochelle rito.

"Sobra kong nami-miss ang Daisy Siete. Hindi mo naman basta makakalimutan ang seven years na pinagsamahan ninyong lahat, di ba?" sabi ng dancer-actress.

"Kapag nagte-taping nga kami ng Daisy Siete, masaya kaming nagkikita. Kahit na late na kami natatapos, hindi kami napapagod kasi enjoy kaming lahat.

"One big family kami sa Focus E, kaya nalungkot kaming lahat sa pagkawala ng show." Ang Focus E ang management company ni Joy Cancio.

Sabi pa ni Rochelle, "Ako kasi, naisip ko yung ibang mga kasama ko sa show. Ako, may mga raket ako. E, sila? Paano na sila? Pati na yung crew ng show.

"Naging close na kasi ako sa lahat, kaya hindi ko mapigilan ang maisip sila.

"Pero in-assure naman ni Lola [Joy Cancio] na hindi sila mawawalan ng trabaho. Magkakaroon pa rin sila ng work.

"Bothered din kasi si Lola, kasi parang nanay na siya ng buong Sexbomb. Ayaw niyang may namumrublema sa mga anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT LEAVING JOY. Itinanggi rin ni Rochelle ang balitang iiwan na niya ang Focus E para magpa-manage sa iba.

"Hinding-hindi mangyayari 'yon," diin ni Rochelle.

"Nagbitaw na ako ng salita kay Ate Joy na hindi ko siya iiwan. Siya pa rin ang manager ko kahit saan man kami makarating o kahit ano ang mangyari.

"Malaki ang utang na loob ko kay Ate Joy. Kung hindi dahil sa paniniwala niya, walang SexBomb at walang makikilalang Rochelle Pangilinan.

"Kaya ano pa ang mangyari, in good times and in bad times, magkasama kami. Walang iwanan."

Yearly raw ang pag-renew ni Rochelle ng kanyang kontrata with Focus E at kapipirma lang daw niya ng bagong kontrata.

"Yun naman ang naging usapan namin. Basta hindi lang ako mabakante, okey ang lahat.

"Kaya nga nagpasalamat ako at nagkaroon ako ng Ilumina, aside sa Party Pilipinas every Sunday. Tapos, may mga raket pa rin kami ng SexBomb sa mga malls at shows sa probinsiya.

"Kaya kahit papaano ay nabibigyan pa rin kami ng trabaho kahit na wala na ang Daisy Siete. Pero, siyempre, wish pa rin namin na mga alaga ni Lola na magkaroon kami ulit ng regular na show.

"Yung tinatawag nga naming 'pangkabuhayan showcase.'"

Dagdag niya, "May awa ang Diyos at naniniwala kami na may darating na maganda para sa Focus E."

Ang next project ni Rochelle sa GMA-7 ay ang epic-serye na Maharlika, na pagbibidahan ni Marian Rivera.

DATING STAGE. Sa usapang love life naman, hindi na itinanggi ni Rochelle na nasa dating stage na sila ni Arthur Solinap. Unlike noon na panay "friends lang kami" ang sinasagot niya sa mga nagtatanong.

"Nag-level up na ako, di ba? We're exclusively dating!" malakas na tawa ni Rochelle.

"Sawa na raw kasi ang marami sa parati kong sagot na friends lang kami or close kami ni Arthur. Ngayon, masasabi ko na constant date ko siya at wala akong ibang dine-date kundi siya. Gano'n din naman si Arthur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman na maitatanggi kasi parati kaming magkasama. Tapos, sa mga special occasions ng family ko at family niya, present ako. So, okey na sigurong itaas na ang level ng friendship namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN