Pauleen Luna on renewed rift with Cristine Reyes: "I don't look at her page. Ayoko na lang. Nakaka-bad vibes."

IMAGE 0


"Okay, here's one thing—hindi kasi ako tinuruan ng mga magulang ko na magsinungaling. So, kapag tinanong ako, magsasalita talaga ako. The truth... I think, that was my only mistake—to say the truth," says Pauleen Luna (in photo) about her recent statement on Cristine Reyes.


Si Pauleen Luna ang gaganap na kontrabida sa bagong primetime series na pagbibidahan ni Heart Evangelista sa GMA-7, ang Dwarfina.

"First time kong magiging kontrabida kay Heart. So, that's something to look forward [to]," banggit ni Pauleen sa taped interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, November 13.

Unang beses nagkasama sina Pauleen at Heart sa telefantsya na Luna Mystika.

Dapat sana ay ipalalabas ang Dwarfina bago matapos ang taong ito pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal), na-move ito sa January 2011 bilang isa sa opening salvo ng Kapuso network.

Very sexy raw ang magiging costume ni Pauleen sa upcoming fantaserye ng Kapuso network.

"Oo nga, bawal kumain!" natatawa niyang sabi.

"I've been working out a lot. As much as possible, of course, you want to give justice do'n sa damit na designed sa 'yo ng designer."

WORKING WITH DENNIS TRILLO. Bukod kay Heart, muli ring makakatrabaho ni Pauleen sa Dwarfina ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo. Nagkaroon ng ugnayan ang dalawa habang ginagawa nila ang romantic-comedy series na Adik Sa 'Yo, pero pagkatapos ng serye ay natapos din ang kanilang relasyon.

Wala naman daw magiging problema kay Pauleen kung magkasama silang muli ni Dennis dahil matagal na nangyari ang pagkaka-relasyon nila.

"It's been a year and a half!" sabi niya. "So, I don't see anything wrong with that.

"At saka, kapag nagge-guest naman siya sa Eat Bulaga!, nagkakausap naman kami kahit konti. So, I'm good with that."

RIFT WITH CRISTINE REYES. Dahil sa pagsasama nina Pauleen at Dennis sa isang soap, naungkat na naman ang iringan sa pagitan ng young actress at ni Cristine Reyes. Ex-girlfriend din ni Dennis si Cristine.

May intriga kasing si Pauleen daw ang pinatatamaan ni Cristine sa mga tweets nito sa Twitter.

Pero sagot naman ni Pauleen sa isyung ito, "I don't look at her page. Ayoko na lang. Nakaka-bad vibes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm living my life na parang I don't see anything, I don't hear anything. Yun na lang."

Pero depensa naman ng mga kampi kay Cristine, ang mga tweet daw nito ay bilang sagot lang sa mga naging pahayag ni Pauleen nang mag-guest ito kamakailan sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi. (CLICK HERE to read related story.)

Nang tanungin kasi si Pauleen kung sa palagay ba niya ay ang pakikipagrelasyon niya kay Dennis ang dahilan ng galit sa kanya ni Cristine, ito ang kanyang sinabi:

"I believe that that was the reason why she got mad at me. But I still do not get her point.

"Kasi ako, if ever na may maging girlfriend si Dennis after me, I don't have any right to get mad at that person or to get mad at him. Because it's over.

"The fact na tinapos na ninyong dalawa, wala na po kayong karapatan sa isa't isa."

Ipinaliwanag naman ni Pauleen ang kanyang naging pahayag sa bagong panayam sa kanya ng Startalk.

"Okay, here's one thing—hindi kasi ako tinuruan ng mga magulang ko na magsinungaling. So, kapag tinanong ako, magsasalita talaga ako. The truth... I think, that was my only mistake—to say the truth," sabi niya.

ARA'S VIEW. Sa hiwalay na panayam, nagbigay naman ng pahayag ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina tungkol sa isyu.

"Nababasa ko lang ang mga twits ng iba. Sana huwag na lang palakihin dahil tapos na yun, e. Past is past. I mean, iba na nga ang girlfriend ni Dennis ngayon," sabi ni Ara, na ang tinutukoy ay ang bagong kasintahan ng aktor na si Jennylyn Mercado.

Nilinaw rin ni Ara na wala siyang galit kay Pauleen.

"Siyempre, hindi naman ako galit kay Pauleen. Siguro natanong lang din siya at, siyempre, may kanya-kanya silang fans. So, nag-aaway."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEING LINKED TO OTHER GUYS. Hanggang ngayon ay nali-link pa rin si Pauleen sa isa pa niyang ex-boyfriend, si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

At ang isa pang nili-link sa kanya ay ang TV and radio host na si KC Montero.

Pero tinatawanan lang ito ng 22-year-old actress.

"Nakakatawa, kasi nali-link ako sa mga taong hindi naman ako dapat ma-link! It's because I'm very much single.

"And in that sense, wala talaga akong... I'm not seeing anybody. Ano lang, me, myself and I!" natatawang sabi ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN