John Lloyd Cruz on perhaps getting his fourth Box-Office King title: "Mahirap panindigan."

IMAGE 0


"To be honest with you, noong nai-present sa akin 'to, parang hindi agad nasagot ang mga tanong na yun. But noong na-present na yung material, noong narinig ko na, talagang I'm really after the material," says John Lloyd Cruz about his latest film My Amnesia Girl.


Three years in a row nang hawak ni John Lloyd Cruz ang titulong Box-Office King—mula 2007 hanggang 2009.

This year ay makakadalawang pelikula ang Kapamilya actor. Naipalabas na ang Miss You Like Crazy nila ni Bea Alonzo noong February, at ipalalabas naman this month ang first movie niya with Toni Gonzaga, My Amnesia Girl.

Kumita sa takilya ang Miss You Like Crazy at inaasahan ding papatok sa mga manonood ang My Amnesia Girl, na ipalalabas sa November 24.

Kung saka-sakali, malaki ang posibilidad na masungkit muli ni John Lloyd ang Box-Office King title this year.

May pressure ba kay John Lloyd ang pagiging Box-Office King tuwing may bagong pelikula siyang ipinalalabas?

"Mahirap namang panindigan," paunang sagot ng aktor.

"Parang hindi naman yata mapapalagay ang utak ko kung wala akong iisipin [kundi] every year, dapat pinakamaraming manood ng pelikula ko. Medyo baka mabaliw naman ako no'n.

"Kung darating at darating ang panahon na baka may ibang pelikula na mas maraming papanoorin, mas maraming tatangkilikin, in terms of box-office, basta ang palaging intention lang—to do a movie na dekalidad at hindi pinapabayaan."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si John Lloyd sa presscon ng My Amnesia Girl kagabi, November 17, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

NEW LEADING LADY. Ano ang naging reaksiyon niya nang una niyang malaman na si Toni Gonzaga ang makakapareha niya sa bago niyang pelikula?

"Alam n'yo, wala sa plano 'to. Kasi ang next movie ko dapat, Kanto Boys," sabi ni John Lloyd. Tinutukoy niya ang pelikula nila ng mga kagrupo niya sa ASAP na sina Luis Manzano, Billy Crawford, at Vhong Navarro.

"Sobrang wala ito sa plano," ulit niya.

"Palagi ko namang tinatanong at palaging ang question ko every time na may next movie ako—material, content, is it the right time to do it? Is it the right project for me?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And to be honest with you, noong nai-present sa akin 'to, parang hindi agad nasagot ang mga tanong na yun. But noong na-present na yung material, noong narinig ko na, talagang I'm really after the material."

SAME DIRECTOR. Samantala, tuwing gagawa ng pelikula si John Lloyd with Direk Cathy Garcia Molina ay sinasabing ito na muna ang huling pagkakataon na magkakatrabaho sila.

Pero heto't sila na naman ang magkasama sa My Amnesia Girl, samantalang si Cathy rin ang nagdirek ng Miss You Like Crazy nina John Lloyd at Bea.

"Kaya nga, di ba?" natatawang sabi ng aktor.

"Naghiwalay kami sa Miss You Like Crazy. Sabi ng Star [Cinema], 'Naku, maghiwalay muna kayo!'

"Ang ginawa namin, talagang noong panahon ng Dubai, sinasabi ko na 'to—when Aga Muhlach told me, all things work out for the best, yun na ang pinaniniwalaan ko.

"Maybe, ito yung pinakamagandang nangyayari."

Bukod sa Miss You Like Crazy at My Amnesia Girl, ang iba pang mga pelikula na pinagsamahan nina John Lloyd at Direk Cathy ay ang mga sumusunod: Close To You (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love 2008), at You Changed My Life (2009).

Sa dami na nilang pinagsamahang pelikula ni Direk Cathy, ano ang binago sa kanya ng direktor dito sa My Amnesia Girl?

"Character-wise, ngayon pa lang ako gumawa ng ganito. Hindi pa ako nakakagawa ng ganitong character. It's rom-com [romantic-comedy], pero mas angat yung comedy," sabi niya.

JOHN LLOYD'S LOVE LIFE. Hindi siyempre matatapos ang usapan kung hindi natatanong si John Lloyd tungkol sa kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

"Masaya po kami. Wala po kaming problema. Medyo salungat po sa mga nababalita," nakangiting sabi ni John Lloyd, na ang tinutukoy ay ang usap-uspaan na nagkakalabuan o break na sila ng kasintahan.

Napipikon ba siya sa mga balitang break na sila ni Shaina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi ko nga, palagi naman po kaming binabato ng mga kung anu-anong akusasyon, kung anu-anong intriga. Palaging nahuhusgahan ang estado ng relasyon.

"Pero siguro, now is a good time to tell everyone, especially yung mga taong totoong nagpapakita ng concern sa relasyon, wala po kaming problema.

"We're very much together, we're very much happy," diin ni John Lloyd.

May plano na ba sila ni Shaina sa darating na Pasko?

"Mas may plano po kami ngayon for the family. Kasi, for the first time in five years, nabuo kami ulit. Kami ng kuya ko." Sa U.S. nakabase ang isa niyang kuya, kaya marahil ang ibig sabihin nito ay nakauwi ito ngayon.

"Kaya mas doon po siguro ang plano ko," pagkuwento niya. "Mas sa bahay lang siguro. Pero baka yung in between Christmas and New Year, baka yun ang maiba."

BEA ALONZO. Kung sila ni Shaina ay "masaya at walang problema," tila kabaligtaran naman ito ng nangyayari sa love life ng matagal nang ka-love team ni John Lloyd na si Bea Alonzo.

Kailan lang ay nabalita rito sa PEP na nag-break na ang young actress at ang rumored boyfriend nitong si Gerald Anderson. (CLICK HERE to read related story.)

Tinanong ng PEP si John Lloyd kung nakakapag-share ba sa kanya si Bea, at kung nagbibigay rin siya ng advice dito.

"You know, magkasama kami ni Bea... When we were in Japan, nag-uusap lang kami about personal stuff, things in general.

"But hindi ko intensiyon na bigyan siya ng advice. We don't talk about yung mga personal affairs niya, or hindi naman kami naging ganoon, e.

"I mean, matagal kaming nagkasama sa TV, pelikula, pero hindi kami yung tipong we'll sit down and talk about the relationship na meron sila, or meron siya. Wala kaming ganoon."

LIZ UY. Natanong din kay John Lloyd kung ano ang masasabi niya sa usap-usapan na posibleng ang ex-girlfriend niyang si Liz Uy ang maging First Lady ni President Noynoy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma na kasi ni PNoy na nagde-date sila ng stylist niya. (CLICK HERE to read related story.)

"What can I say? I mean, nasa kanila naman yun, personal na buhay nila 'yan," sabi ng aktor.

"Sabi ko nga noong nakaraang interview ko, I realized na, you know, I'd rather not talk about her anymore. Kasi, hindi naman tayo sigurado if she will appreciate the idea na nagsasalita pa ako, or sumasagot pa ako ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya, or personal niyang buhay.

"Mas okay nang hindi ako mag-comment about it."

May communication pa ba sila ni Liz?

"Matagal na pong wala," mabilis na sagot ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN