Will Toni Gonzaga be the next Box-Office Queen after her movie with John Lloyd Cruz?

IMAGE 0


"Siyempre! Pandesal na nga lang ang hinihingi ko, binigyan ako ng hamburger with fries! Ano pa ba ang mahihiling mo, di ba?" says Toni Gonzaga about teaming up with three-time Box-Office King John Lloyd Cruz.


Bago gawin ni Toni Gonzaga ang first movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Girl, nabalitang may ibang pelikula na gagawin ng actress-TV host: ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Robin Padilla.

Pero hindi nga ito natuloy dahil sa hindi pa rin malinaw na dahilan bagamat nakapag-shoot na sila ng ilang eksena. Basta nakita na lang ng tao na si Robin ay may eksena na sa tunay na buhay kay Mariel Rodriguez, na nakatampuhan naman ni Toni sa hindi pa rin malinaw na dahilan.

Sa presscon ng My Amnesia Girl sa Annabel's restaurant kagabi, November 16, natanong si Toni kung ang pelikula nila ni John Lloyd ang naging kapalit sa hindi natuloy na pelikula with Robin.

Parehong Star Cinema ang gagawa ng mga nabalitang pelikula.

"Hindi ko alam," sagot niya. "Pero hindi ko na iniisip yun. Matagal na kasing tapos yun. Ilang months ago na.

"Basta ang importante sa akin ngayon, may pelikula ako—kasama ko si John Lloyd! And parang more than that, kesyo isipin ko nang isipin, maging grateful na lang ako na may bagong blessing."

Naniniwala naman daw kasi si Toni sa kasabihang "when a door closes, a window opens."

"E, ang palagi naman nating naiisip, na ang mga bagay-bagay kapag hindi natutuloy, ibig sabihin no'n, may magandang kapalit."

Three years in a row nang Box-Office King si John Lloyd.

Masasabi ba ni Toni na mas maganda ang proyektong naging kapalit dahil kasama niya ngayon ang mismong Box-Office King?

"Siyempre! Pandesal na nga lang ang hinihingi ko, binigyan ako ng hamburger with fries! Ano pa ba ang mahihiling mo, di ba?" nakangiti niyang pagbanggit sa kanyang linya sa pelikula.

NEXT BOX-OFFICE QUEEN? Ang leading ladies ni John Lloyd sa pelikula na sina Bea Alonzo (One More Chance) at Sarah Geronimo (A Very Special Love at You Changed My Life) ay itinanghal ding Box-Office Queens dahil sa pelikula nila kasama ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-imagine ba ni Toni na siya na ang susunod na Box-Office Queen dahil sa pagtatambal nila ni John Lloyd?

"Hindi, hindi...ayokong isipin yun!" sabi niya. "Kasi, hindi naman yun ang iniisip ko talaga noong ginawa ko itong pelikulang ito.

"Yung privilege lang na makatrabaho ko si John Lloyd, makasama ko muli si Direk Cathy Garcia-Molina, siguro enough na sa akin yun.

"Huwag na akong mag-expect pa ng sobra. Ang isipin ko na lang, sana tanggapin ng tao kung ano ang ibibigay ng pelikulang ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN