John Lloyd Cruz says My Amnesia Girl lucky to have Toni Gonzaga; also saysthe romance-comedy needed her comedienne's flair

IMAGE 0


Hindi raw agad naging malapit sina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz habang sinu-shoot ang My Amnesia Girl. "Hindi namin minadali. In-enjoy muna namin yung bawat araw, bawat eksena, yung samahan namin, hanggang sa dumating sa, yun nga, kung ano yung meron kami ngayon, yung pagkakaibigan," kuwento ni Toni.


Late na nang magsimula ang presscon ng My Amnesia Girl noong Martes ng gabi, Nobyembre 16, sa Annabel's restauraunt sa Quezon City.

Ang My Amnesia Girl ang pinakabagong pelikula ng Star Cinema. Tampok dito ang bagong tambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, na parehong masayang hinarap ang entertainment press sa nasabing presscon.

Kasama rin sa presscon ang mga supporting cast ng pelikula na sina Ketchup Eusebio, Carlos Agassi, Joross Gamboa, JM de Guzman, Nico Antonio, Beatriz Saw, at Cai Cortez.

Naroon din ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina.

Diretso at walang pag-aalinlangang sinagot ng cast ng pelikula ang mga tanong na ibinato sa kanila, kahit na siksikan at punong-puno ng tao ang venue ng presscon.

Bukod kasi sa mga crew ng pelikula at mga press, marami ring dumalo na mga tagahanga nina John Lloyd at Toni.

Bago magsimula ang tanungan, ipinalabas muna ang buong trailer ng pelikula. Nakakatawa ang trailer, at ilan sa mga nakakatawag-pansin na eksena nito ay: ang smack sa lips na ginawa ni John Lloyd kay Toni at ang scene na inaamoy-amoy ni Toni si John Lloyd bago halikan sa pisngi.

Si John Lloyd ay si Apollo, na sinusuyo muli ang ex niya na si Irene, na ginagampanan naman ni Toni. Umiikot ang istorya ng pelikula sa pagkakaroon ni Irene ng amnesia, kaya naman hindi niya maalala si Apollo.

Pahayag ni John Lloyd, sana raw ay hindi gawing issue ang halikan nila ni Toni sa pelikula.

"Wala namang gaanong technique pa diyan, kasi sa story medyo may pagka-mature na yung... kumbaga, yung mga halik-halik parang dinadaanan lang namin sa istorya," paliwanag ni John Lloyd.

"Hindi namin talaga binibigyan ng high note yung mga halik. Hindi siya issue sa movie na ito. And ayaw namin maging issue siya kasi sa klase ng istorya, ng love story, ng characters namin dito, hindi po issue yung halikan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Toni, hindi naman siya nailang sa mga intimate scenes niya kasama si John Lloyd.

"Siya, nailang siya. Kasi, topless siya, e. E, aamuyin ko lang naman siya, so okay lang naman," saad ng comedy actress.

Tinanong din ang dalawa kung ano ang natutunan nila sa isa't-isa habang ginagawa ang pelikula.

Sagot ni Toni, nakita niya na hindi ma-ere ang kaparehang aktor—na nanalo na ng maraming acting awards at box-office king pa tatlong taon nang sunod-sunod.

Sagot ni Toni, "Siguro with John Lloyd, nung una, nanenerbiyos ako na makatrabaho siya dahil alam ko yung capacity niya, alam ko yun husay niya bilang isang aktor."

Pagpapatuloy niya, "And to be called a box-office king, ang laki ng pressure na makakatrabaho mo ay ganung kalaking artista, 'di ba?

"So, nung nakatrabaho ko siya, kahit ganun yung title niya—hindi ko naramdaman ever yung ganung ugali sa kanya dahil napaka-aproachable niya, napakabait niya, napakamatulungin niya sa lahat ng eksenang ginagawa ko.

"Kaya I'm really really blessed na mabigyan ng opportunity na makatrabaho siya."

Sagot naman ni John Lloyd, hindi niya raw makakalimutan ang walang pag-aalinlangan ni Toni na gawin ang anumang hingin ng pelikula sa kaniya.

"I'll never forget yung willingness ni Toni na mag-contribute sa movie na ito," saad ni John Lloyd.

"Yung willingness po na ibigay yung mga hinihingi sa kanya. Sa panahon ngayon, lalong maa-appreciate mo yung... yung bang, hindi araw-araw, hindi sa lahat ng panahon, ikaw ang laging namimigay. Parang, ang sarap ding magbigay sa kahit anong panahon sa trabaho mo...

"Yun bang selflessness na ipinakita niya to make it work."

Dagdag pa ng aktor, nalaman daw niya na mas nakakatawa pala si Toni kapag hindi umaarte. "On the lighter side, parang, lagi ko siyang pinapanood, and I find her funnier off-camera," sabi ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilib si John Lloyd sa pag-arte ni Toni, at masaya raw siya na ito ang biniyayaan ng lead female role sa My Amnesia Girl.

Saad ni John Lloyd, "Masuwerte na sa kanya nag-landing yung project. Kasi, medyo isa sa mga strength ng story yung comedy, e, and kailangan nung material, someone like Toni, who can deliver... That, in itself, yun ang parang pinaka-edge niya siguro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN