Rhian Ramos on Mo Twister: "He's not my main priority."

IMAGE 0


"Alam ko that Mo is also very busy, but I appreciate the little things and the wonderful surprises na ginagawa niya. It's just that it's not at the top of my list and I know that Mo understands that," says Rhian Ramos about suitor Mo Twister.


Wala nang pagtanggi mula kay Rhian Ramos na nanliligaw sa kanya ang TV and radio host na si Mo Twister.

Ayon kay Rhian, four years na silang magkaibigan ni Mo kaya hindi niya inaasahan na mauuwi ang lahat sa ligawan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian sa lobby ng GMA Network Center noong Miyerkules, November 17, sinabi niyang wala siyang nakikitang masama sa panliligaw ni Mo sa kanya.

Pareho naman daw silang single, wala silang commitment kahit kanino, at wala silang ibang dine-date.

Ayon kay Rhian, "Well, mabuti na rin yung nanggaling na mismo kay Mo na nanliligaw siya. Hindi naman kasi ako puwedeng mag-confirm ng kung ano, not unless magsasalita rin siya.

"Actually, nagulat din naman ako kasi hindi ang type ni Mo ang magsasabi ng gano'n.

"I know that he's an honest person and vocal about his feelings towards a lot of things. Pero when it comes to something like this, yung tungkol sa ligawan, tahimik lang siya.

"May quiet side naman din si Mo, and that I really like about him."

NOT HER PRIORITY. Pero sinabi ni Rhian na iba ang priorities niya at hangga't maaari raw ay hindi kasama ang pakikipag-relasyon dito.

"I already talked with Mo regarding his panliligaw nga," sabi ng young Kapuso actress.

"I'm happy that he's making an effort. My friends and my family, natutuwa sila sa ipinapakitang pagiging serious ni Mo sa panliligaw.

"But I told him also na huwag siyang magalit kung maramdaman niya na he's not my main priority. Ang trabaho at ang career ang pinaka-priority ko talaga. Doon kasi ako naka-focus, e.

"Nagkataon na Mo came out with the ligawan thing.

"Mo has been a good friend. He's one of my best friends in the business kaya malaki na ang tiwala ko sa kanya."

Pahayag pa ni Rhian, "If we want to take it to the next level, kailangan may konting sakripisyo from both of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag nito, "Alam ko that Mo is also very busy, but I appreciate the little things and the wonderful surprises na ginagawa niya. It's just that it's not at the top of my list and I know that Mo understands that."

Alam din daw ni Rhian na susuportahan siya ni Mo sa anumang pasukin niya sa kanyang career. Tulad na lang ng recording ng kanyang debut album. Umeere na ang music video ni Rhian titled 'You' na siyang magiging carrier single ng kanyang album.

"Mo has always been supportive, ever since. He knows all my shows and he says na whatever career I want to pursue, he will always be there for me.

"I truly appreciate that, and gano'n din naman ako kay Mo. Maganda yung support namin for one another's career."

TWO FINISHED SHOWS. Dalawang shows ni Rhian sa GMA-7 ang nagtapos na—ang sitcom na Kaya Ng Powers at ang fantaserye na Ilumina.

Pero may mga naka-lineup nang projects for Rhian for 2011 at ito ang pinaghahandaan niya.

"Masyado kasi akong advance na mag-prepare for the jobs na ibibigay sa akin. Kaya nga sabi ko, mas priority ko talaga ang career.

"Ngayon at tapos na kami sa Ilumina, magpapahinga muna siguro ako. I might take a short vacation para lang makapag-recharge.

"After ng pahinga, balik tayo sa pag-workout. I'm into running na rin kaya baka makita nila akong tumatakbo sa mga fun-run events.

"I want to take care of my body para ready tayo for the next project," sabi niya.

Isa sa mga gagawin ni Rhian next year ay ang Valentine movie niya with Richard Gutierrez.

HAPPY FOR DINGDONG. Masaya naman si Rhian para sa leading man niya sa Stairway To Heaven na si Dingdong Dante dahil sa pagkapanalo nito as Best Actor sa 24th Star Awards for TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo si Dingdong para sa role niya bilang Cholo sa pinagsamahan nilang primetime series sa GMA-7.

Proud si Rhian dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho si Dingdong sa serye na nagbigay ng parangal dito bilang dramatic actor.

Aniya, "When we were doing Stairway To Heaven, nakita ko how Dong worked for his role as Cholo. Talagang concentrated siya sa role niya kaya there are times na hindi kami nagkakausap because he's into his character talaga.

"Kung hindi pa siya ma-recognize dahil sa effort na nilagay niya sa role niya, hindi lang ako ang manghihinayang because he was really good in the series. Mabuti naman and he's given these recognition at marami kaming masaya para sa kanya."

Nominated din si Dingdong as Best Drama Actor sa Asian TV Awards para pa rin sa role niya sa Stairway To Heaven.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN