ABS-CBN Foundation launches Run for the Pasig River 11.20.2011

IMAGE 0


Ayon kay Ms. Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation, taunan na raw na gagawin ang running event para sa Ilog Pasig. "Every year, tatakbo ang tao. Pero every year, ipapakita natin kung ano ang nangyayari sa Pasig River," she says.


Opisyal nang inilunsad ng ABS-CBN Foundation ang Run for the Pasig River 11.20.2011 sa isang presscon na ginanap noong January 28 sa ABS-CBN.

Ito ang follow-up sa matagumpay na 10.10.10 Run for the Pasig River noong isang taon.

Ang layunin ng programa ay ang paglinis sa Ilog Pasig at iba pang mga ilog at estero sa Maynila, na matagal nang kilala dahil sa karumihan at polusyon ng mga ito.

Matagumpay ngang idinaos ng ABS-CBN Foundation ang 10.10.10 Run noong October 10, 2010. Sa bilang ng foundation, umabot sa 116,086 katao ang sumali sa programa, at natalo nito ang 1998 "Bay to Breakers" run sa San Francisco, USA.

Sapat na ang numero ng mga sumali sa 10.10.10 Run para magkamit ng parangal mula sa Guinness World Records sa kategoryang "most participants in a racing event."

Para kay Ms. Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation, nakamit nila ang karangalang ito dahil na rin sa pagsuporta ng mga Pilipino sa kanilang magandang hangarin.

"Because it's the cause, e. And you know, I mean, everyone worked together," saad ni Ms. Gina sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Dahil sa tagumpay ng programang ito ay nakalikom ang foundation ng P10 million, na ginamit upang malinis ang 2.9 kilometers na Estero de Paco. Na-relocate sa Calauan, Laguna ang 1,216 na pamilyang nakatira sa tabi ng esterong ito, at nakapag-train din ng 200 river warriors na magbabantay para mapanatili ang kalinisan nito.

Ngayong taon, hangad ng ABS-CBN Foundation na makalikom ng mahigit P10 million para naman malinis ang mga estero sa likod ng MalacaƱang Palace.

Sa November 20, 2011 gagawin ang susunod na running event. Ang date na ito ay isinusulat din bilang 11.20.2011, na ayon kay Ms. Gina ay "mukhang salamin."

"Yung theme song natin sa Pasig ngayon, "Salamin ng Ating Langit." So, parang ang number din ng next marathon, salamin din. 11.20.2011. Lahat kayo, kailangang tumakbo, ha?" paghihikayat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nais din ng foundation na makapagtala ng bagong world record sa dami ng participants ngayong taon.

"This one, we'll make it more fun," pahayag ni Ms. Gina.

"And then, what we wanna do is every year, [we will raise money and] we will show kung anong ginawa namin sa pera. So this year, I wanna raise more than 10, no, I wanna raise 30, 40 million pesos. Kasi gusto nating linisin yung lahat ng estero behind MalacaƱang.

"So every year tatakbo ang tao. Pero every year, ipapakita natin sa tao kung anong nangyayari sa Pasig River."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN