Andi Eigenmann feels no pressure in being an Eigenmann

IMAGE 0


"Wala po akong pakialam, sorry. Yung pamilya ko, nandiyan, o. Sila yung may kilala sa akin, sila yung may alam kung ano ang kaya kong gawin. Sila, naniniwala sila sa akin. So, if these people, who I don't know, would question what I can do or they would tell me things that aren't true, why would I care? I don't even know them, they don't know me," Andi Eigenmann said about people who expect too much from her just because she belongs to a well-respected fa


Walang dudang naging maganda ang 2010 para kay Andi Eigenmann.

Itinuturing nga siyang isa sa mga breakout star ng nakaraang taon dahil sa malaking tagumpay ng teleserye niyang Agua Bendita.

At dahil nga sa magandang performance niya sa Agua Bendita, sinisimulan na ni Andi ang bagong teleserye niya, Minsan Lang Kita Iibigin, kasama ang dalawa pang Kapamilya stars, sina Maja Salvador at Coco Martin.

Hindi raw katakatakang unti-unti nang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa local showbiz ang 19-year-old na dalaga, sabi ng mga sumusubaybay sa kanya. Anak daw kasi ng dalawa sa pinakamahuhusay na artista ng pelikulang Pilipino si Andi. Parehong award-winning sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Isama pa rito ang kanyang pagiging Eigenmann—ang kilalang angkan ng mahuhusay na artista sa showbiz. Lola't lolo niya sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa; tiyahin niya si Cherie Gil at tiyuhin si Michael de Mesa; pinsan si Ryan Eigenman, at mga kapatid sina Sid Lucero, Maxene Eigenmann at Gabby Eigenmann.

At dahil dito, natural na inaasahan mula kay Andi ang parehong husay sa pagganap na ipinakita ng kanyang mga magulang at mga kamag-anak at pagkuha rin ng mga karangalan at pagkilalang nakuha na ng mga ito.

Tanong tuloy ng mga sumusubaybay sa kanya, may pressure ba ang kanyang pagiging Eigenmann?

"Ever since the beginning if they're asking me if it's a pressure to belong to my own family... no," sagot muna ni Andi nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Jollibee Petron Katipunan noong Biyernes, February 4. Nag-treat kasi si Andi ng ilang mga bata na galing sa mga pamilyang nakatira malapit sa Della Strada Parish Church (CLICK HERE for related article).

Bakit nga naman daw siya mape-pressure kung todo naman ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya?

"They're my family and they love me and they support me. If ever this may come from other people, why would they listen when my family's there, full on supporting me? I don't get pressured, at all."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Andi kung hindi man siya maging kasinghusay ng kanyang mga kapamilya o maging iba ang direksyon ng kanyang showbiz career, wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

"Wala po akong pakialam, sorry. Yung pamilya ko, nandiyan, o. Sila yung may kilala sa akin, sila yung may alam kung ano ang kaya kong gawin. Sila, naniniwala sila sa akin.

"So, if these people, who I don't know, would question what I can do or they would tell me things that aren't true, why would I care? I don't even know them, they don't know me," pagdidiin pa ni Andi.

BEING COMPARED TO MOM. Tanggap naman ni Andi ang direktang pagkukumpara ng mga tao sa kanya at ng kanyang ina. Hindi naman daw nakapagtataka dahil mahusay talagang aktres ang mommy niya.

"A lot of people admire my mom. My mom is such a good actress, so to be her daughter and to be able to try and make my own name, for myself...siyempre a lot of people, somehow, minsan, masyadong mataas yung ine-expect from me, kasi nga, anak ako ni Jaclyn Jose," ani Andi.

"Pero on the other hand, maganda rin siya, kasi ibig sabihin, parang alam nila na dapat talaga nila akong pagmasdan kung ano yung kaya kong gawin. Kasi anak ako ni Jaclyn Jose, e. So, malamang baka meron din akong kayang ipakita na kagaya nung naipakita't naibigay ng mommy ko sa industriya."

Kuwento pa ni Andi, sobrang laki ng impluwensiya ng kanyang inang si Jaclyn sa kanya, kahit na sinasabi na nga sa kanya nito na mas Eigenmann ang dating niya.

"My mom told me I am such an Eigenmann. She herself said that.

"But, a big part of me is also under the influence of the one who raised me, which is Jaclyn Jose... My Mommy Jane."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jane Guck ang totoong pangalan ni Jaclyn Jose. Itinuturing ni Andi na marami siyang nakuhang gawi at kilos mula sa kanyang ina.

COMING ON TOO STRONG. Dahil sa malakas nga na dating ni Andi, madalas na nagkakaroon daw sa kanya ng maling impresyon na mataray at matapang siya masyado.

"Hindi naman po. Ganito lang ako magsalita," sabi pa ni Andi.

Magaling na debater daw siya noong high school kaya dala niya ang tipo ng pagsasalita na animo'y nakikipag-debate. Tinanong tuloy siya ng PEP kung may mga pagkakataon bang natatameme o nagdadalawang-isip sa kanya ang isang potensyal na manliligaw?

"Sobra naman po kayo, nagkaka-boyfriend naman po ako. I had two boyfriends."

Isa nga roon ay ang Mara Clara star na ngayon na si Albie Casiño.

"Wala na kami ngayon, pero until now we're still friends. We had a really long relationship din. So, nothing can break our friendship," sabi pa ni Andi tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

TO DO A LOT OF THINGS. Sa ngayon nga ay loveless si Andi at sa career at maraming iba pang bagay nakatuon ang kanyang pansin.

"I wanna do a lot of things kasi. I wanna act, I wanna do something that I can be really proud of, I wanna travel, I wanna write. I can't die without publishing a book. I want to finish college with a degree that... I want to finish a course which I really like, like psych [psychology], or something to that extent.

"Marami pa po akong gustong gawin. You only live once, so okey lang na marami akong gustong gawin. You only live once and wala ka nang ibang opportunity to do lahat yun. Basta wala naman pong nagsasabing mali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN