Nina on being friends with ex-boyfriend Nyoy Volante: "No, never!"

IMAGE 0


"Siguro, give lang what's mine and baka maging okay kami. Hindi kami magiging friends, pero siguro mawawalan na siya ng pag-iisipan gabi-gabi," says Nina on how things will be settled between her and ex-boyfriend Nyoy Volante.


Isa sa mga nag-perform sa MyxMo concert kagabi, November 18, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, ay ang Soul Siren na si Nina.

Interesting din na naroon noong gabing iyon ang dalawang lalaking minsan ay naging parte ng kanyang buhay: sina Jimmy Bondoc at Nyoy Volante.

Nang tanungin si Nina ng PEP at ng ilang miyembro ng media kung nakita na niya si Nyoy, malaman ang naging tugon nito:

"I can't see him. I don't have the eyes for that. But I saw Jimmy Bondoc."

ON NYOY. Hindi naging maayos ang breakup nang idemanda ni Nina si Nyoy dahil diumano sa utang ng mga magulang ni Nyoy, na sina Oliver and Angeline Volante. Hanggang ngayon daw ay hindi pa ito nababayaran. (CLICK here to read related story.)

Mainstay sa Sunday musical-variety show na ASAP XV si Nina, samantalang madalas mag-guest dito si Nyoy. Nagbabatian ba sila kapag nagkakasalubong?

"Hindi naman kami friends, e. Bakit pa kami magbabatian?" sagot ng Soul Siren.

Dagdag niya, "Ayaw naman natin ng plastikan. Ako, ayaw ko ng plastikan, bakit pa magha-hi?"

Wala bang chance na maging magkaibigan silang dalawa?

"No, never!" mabilis niyang sagot.

THE CASE. Kinumusta rin ng PEP kay Nina ang tungkol sa kaso na isinampa niya sa mga magulang ni Nyoy.

"Four counts of estafa ang kanyang parents. So, panalo tayo," aniya.

Sa panayam ng PEP kay Nyoy noong November 4, nabanggit nito na hindi na dapat pinag-uusapan at nilalabas sa media ang mga kaso dahil nasa korte na. (CLICK here to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Nina?

"Totoo, totoo, pag walang naaagrabyado. Pero ako yung naagrabyado," mariin niyang sabi.

Dagdag pa ni Nina, napilitan daw siyang ilabas ang tungkol sa usapin ng utang dahil siya ang lumalabas na masama nang nagtapos ang kanilang relasyon.

"Kasi tingin ng tao, kaya kami naghiwalay, kasi ako yung bad girl. Nagkaroon ako ng ibang guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Fortunately, si Kris Aquino, she wanted me to spill it out kasi ang tingin din sa akin ni Kris Aquino....

"Sinabi sa akin ni Kris Aquino na, 'Ilabas mo 'yan, hindi mo dapat 'yan itinatago. Kasi ang tingin ng tao sa 'yo, ikaw yung bad girl. Kasi kahit ako tingin ko sa 'yo, ikaw yung bad girl...ikaw yung nangaliwa. Pero hindi nila alam na ikaw yung naagrabyado.'

"So, hindi 'yan dapat ilabas. Pero kung ikaw ang naagrabyado, sasabihin mo yung totoo. Tell the truth, di ba? Yun lang ang sa akin," paliwanag niya.

Nabanggit din ni Nyoy na naii-stress na siya sa mga tanong tungkol sa kanyang "utang." Ano ang masasabi ni Nina rito?

"Siguro, give lang what's mine and baka maging okay kami. Hindi kami magiging friends, pero siguro mawawalan na siya ng pag-iisipan gabi-gabi," ang naging kumento ni Nina.

Ano na ba ang status ng nasabing "utang" ni Nyoy?

"Heto na naman ako. Ayaw ko na magsalita, pero hindi pa settled.

"Kung settled na, bakit naman ako magsasalita na hindi pa settled? Ang sinungaling ko naman, di ba?

"Kung settled na, settled na. Sasabihin ko kung settled na," sabi ni Nina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN