Empress feels the need to lose weight as she gets closer to being a debutante

IMAGE 0


"Siyempre po, magdadalaga na ako, hindi na puwedeng chubby-chubby. Siyempre, gusto ko rin mag-improve ang sarili ko," says Empress, who lost 10 pounds in one month by visiting the gym regularly and following a strict diet.


Kapansin-pansin ang pagbawas ng timbang ni Empress nang humarap siya sa media noong Martes, Pebrero 8, para sa birthday press conference na inihanda para sa kanya ng Star Magic.

Ayon sa dalagang aktres, na magdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawang ngayong buwan, personal na desisyon niya ang magpapayat nang bahagya matapos ang teleseryeng kanyang pinagbidahan, ang Rosalka.

"After Rosalka, parang binigyan po ako ng one month para gawin 'yong gusto kong gawin, kung gusto kong magbakasyon or kung ano ang gusto kong gawin. Ayun po, napili ko magpapayat."

Katulad ng ibang celebrities, sumailalim din si Empress sa strict diet at regular din siyang pumupunta ng gym para mag-exercise.

"Nagdyi-gym ako everyday. Minsan hinahaluan ko pa ng swimming. Full straight diet po talaga ako, as in walang rice, walang pork, walang oil. Talagang lahat mga pinatuyo lang, binabad lang."

Aminado ang dalaga na sa umpisa mahirap, lalo na ang pagiging strikto sa mga kakainin. Subalit kinalaunan tila nasanay na ang dalaga.

Ngayon, hindi na raw siya masyadong mahigpit sa mga puwedeng kainin. Kahit ano, puwede nang kainin ni Empress, na nabawasan ng 10 pounds in one month, ngunit in moderation.

"Kung anong meron diyan, kakainin ko po. Dati kasi kung ano ang ibigay mo sa akin, hindi ko kakainin kasi mayroon akong sarili. Ngayon po medyo okay na," nakangising sinabi ni Empress.

Bukod sa paghahanda sa mga susunod niyang proyekto, sabi ni Empress, ang pagbabawas niya ng timbang ay parte rin ng kanyang pagtuntong bilang ganap na dalaga.

Sabi pa niya, "Siyempre po, magdadalaga na ako, hindi na pwedeng chubby-chubby. Siyempre, gusto ko rin mag-improve ang sarili ko.

"Gusto ko rin na may mabago sa sarili ko, ayun nga po, medyo chubby ako dati, medyo hindi naman siya maganda. So, nag-decide ako na ibahin na po talaga."

Nang tanungin kung nakamit na niya ang kanyang ideal weight, natawa si Empress at sinagot, "Medyo konti pa po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN