Judy Ann Santos says she does not want to miss the milestones in Baby Lucho's life

IMAGE 0


Judy Ann Santos (right) says Baby Lucho, one month and two weeks old now, looks like Ryan Agoncillo (left). "Sa akin po, si Ryan talaga ang kamukha. Yung sa lips, baba at saka pisngi, aangkinin ko yun. Kasi yung pisngi, hindi maipagkakailang bilog na bilog, e. Akin na akin po itong pisngi."


Live on the phone ay nakausap ni Joey de Leon si Judy Ann Santos sa Startalk yesterday, November 20. Ito ay matapos ma-interbyu ni Joey si Ryan Agoncillo.

Hands-on mommy talaga si Juday sa anak nila ni Ryan na si Baby Lucho. Breastfeeding din si Juday kay Lucho.

At hindi pa man nakakapanganak noon ay nagsabi na itong medyo matatagalan ang kaniyang pagbabalik nang full-time sa showbiz kahit nakapanganak na, dahil gusto muna nitong ma-witness ang lahat ng milestones sa development ng anak.

Sa kanyang matatawag na mothering mindset ngayon, di katakatakang tila vocal si Juday na gusto nitong sundan agad si Baby Lucho. Kaya unang tanong ni Joey kay Juday ay kung totoo nga bang kagustuhan nitong magsunod-sunod na ang anak nila ni Ryan?

"Napag-usapan din naman po namin yun, noong bago ako manganak. Sabi ko, sana masundan agad, kasi hindi na rin naman ako bumabata. Thirty-two [years old] na ko, baka mahirapan na ako sa second pregnancy.

"Titingnan muna namin kung kakayanin. Pero siguro, kailangan muna akong bumalik sa trabaho pansamantala, and then bakasyon ulit kung sakaling mabuntis."

Kuwento naman ni Joey de Leon, naisip daw niya dati na tanungin na ng gobyerno kung ilan ang gustong maging anak ng mga magulang. Kung tatlo, isang beses na anakan na lang para isang beses na lang din na maghirap.

Natatawang sinegundahan naman ito ni Juday ng, "Oo nga, yun din ang iniisip ko, e."

Kung sakaling puwedeng mangyari yun, ilan ang isasagot ni Juday sa gusto niyang maging baby nila ni Ryan?

"Ako, ideally, gusto ko pong talaga three to four [kids] kasi masaya naman kaming magkakapatid. Kapag kaaway ko ang isa, may kakampi akong isa.

"At saka, masaya kasi kapag halos magkakasing-edad kayo, nagiging magkaka-barkada kayo, e."

Totoo bang inuulan na ng product-endorsement offers si Baby Lucho?

"May mga inquiries, may mga gusto pong makipag-usap. Napag-usapan na rin namin ni Rye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kami po, ayaw naman naming i-subjéct ang mga bata sa maagang show business.

"Pero bahala na po. Mahirap magsalita nang tapos.

"Pero very thankful naman po kami na maraming advertisers na gustong kuhanin ang mga bata. Thankful po kami."

Dagdag ni Juday, "Pero, pinag-iisipan din po namin kung ano ang magiging kapalit no'n. Siyempre, yung privacy ng mga bata. Gusto rin namin na magkaroon [sila] ng normal na buhay kahit na papaano."

One month at two weeks old na nga raw si Baby Lucho. Since paiba-iba pa kadalasan ang mukha ng baby, sa ngayon, sino ang nakikita ni Juday na kamukha ng baby nila?

"Sa akin po, si Ryan talaga ang kamukha. Yung sa lips, baba at saka pisngi, aangkinin ko yun kasi yung pisngi, hindi maipagkakailang bilog na bilog, e. Akin na akin po itong pisngi."

LUCHO WORE DENIMS AND CHUCKS. Kuwento ng mommy ni Juday na si Mommy Carol, natutuwa raw ito noong binyag ni Lucho dahil hindi raw traditional na damit pambinyag ang suot ng apo.

So, ano ang ipinasuot nila sa anak?

Natatawang kuwento naman ni Juday, "Ever since naman kasi, hindi naman talaga kami traditional ni Rye sa mga ganyang klaseng... Ako mismo, gusto ko na relax lang at bagets yung bata.

"Naka-maong siya, tapos naka-Chucks, naka-white shirt siya sa loob na may 'boss' na nakalagay, at naka-checkered na polo. Halos pareho sila ng suot kasi naka-checkered din si Ryan, e."

Private nga ang binyag, pero umabot din daw ng 200 guests, na hindi rin nila ine-expect?

"Mga ganoon nga po, kasi come and go rin po ang mga bisita. Hindi rin po namin ine-expect na maraming gustong makasulyap kay Lucho.

"At saka, first time rin naming lumabas na mag-ina after how many months na nandito lang sa bahay. Nandito lang kami. Nakakatuwa lang isipin na ang dami po pala naming kaibigan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang may isang pangyayaring naka-upset kay Juday? Tanong ni Joey: May ilang press na kumuha raw ng pictures at hindi nirespeto ang request nilang pribado muna ang binyag? Ano ang reaction ni Juday sa bagay na yun?

"Sa totoo lang, ang hirap na rin po kasi mag-comment. Kasi bawat sinasabi namin, nabibigyan ng masamang kahulugan. Pero, nandoon na po yun. Nailabas na.

"Gaya nga po ng sinasabi namin, hindi naman po kami bumi-break ng mga promises.

"Kahit noong sinabi namin na after na lang ng binyag ipapakita. Ipapakita naman po namin, gaya noong ginawa namin nuong kasal. Hindi naman namin ipinagdadamot.

"Pero yun nga lang, sana nakapagpaalam. Pero, nandiyan na 'yan, wala na tayong magagawa."

Dugtong pa niya, "Puwede naman pong magpaalam nang maayos. Pero wala, nandiyan na 'yan, e."

BALIK-SHOWBIZ. On the other hand, kailan nga ba magbabalik-showbiz si Juday?

"Baka next year po. Ngayon kasi, medyo nakakalabas ako ng bahay to do some errands.

"Hindi ko pa rin kayang mahiwalay nang matagal kay Lucho. Parang nagkakaroon ako ng separation anxiety kapag umaalis ako ng bahay.

"Mahirap sa simula. Pero, ngayon kasi, ang daming developments sa kanya. Nakaka-aninag na siya. Napapangiti mo na siya.

"Nanghihinayang ako kapag merong moment na hindi ko makita. Parang baka pagsisihan ko.

"Siguro puwede ang mga guesting kapag nakabalik na ako sa tamang sukat ng pangangatawan, babalik din naman po ako."

Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Juday, lalo na sa kanyang fans.

Aniya, "Una po sa lahat, salamat. Sa Startalk, salamat po sa pagbibigay ng chance na makapagpaliwanag kami.

"Kasi, I'm sure, may mga iba riyan, siyempre, hindi naman lahat mae-explainan mo nang maayos.

"Siyempre, they will always take it against us na pribado na naman ang reception, lahat-lahat.

"Pero, siyempre po, salamat at naiintindihan kami ng ibang mga tao.

"Sa mga hindi po nakakaintindi, e, ganoon po talaga ang buhay, pasensiya na po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat ng naghihintay, babalik din po ako.

"Ine-enjoy ko lang po itong aming bagong baby at kailangan ko lang din po na magpa-impis ng pisngi, para sa pagbabalik ko, e, hindi naman ako magmukhang katawa-tawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN