Rayver Cruz admits going out with Cristine Reyes; denies being the cause of delay of SRR XII

IMAGE 0


Rayver Cruz and Cristine Reyes (inset) were spotted watching a movie together last week. When asked why they are together, Rayver replied, "We're just hanging out."


Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Rayver Cruz at Cristine Reyes na magkasamang nanood ng Unstoppable (starring Denzel Washington and Chris Pine) sa Shang Cineplex noong November 16, Tuesday.

Una'y nakita ng PEP na magkasama ang dalawa patungong ticket booth. Wala silang kasamang iba pa, although sabi ni Rayver, "May mga friends din kami sa loob."

"We're just hanging out," sabi ni Rayver nang tanungin namin kung bakit magkasama sila ni Cristine, na that time ay nasa loob na ng Cinema 2.

Dagdag pa ng young actor, "Talagang lumalabas na kami. Hindi naman namin dini-deny, lumalabas na kami.

"Siyempre, kailangan 'yon para yung working relationship, okay... okay kami."

Magkasama sina Rayver at Cristine sa ABS-CBN primetime series na Kristine.

Nangiti naman si Rayver nang itanong ng PEP ang isang katangian ni Cristine na nagustuhan niya.

"Mabait, e," aniya.

CAUSE OF DELAY? Sa chance meeting na 'yon ng PEP kay Rayver, hindi ang tungkol sa kanila ni Cristine ang una sana naming uusisain. Pero biglang sumulpot na magkasama ang dalawa, na siyempre ay interesting pag-ukulan ng pansin.

Inusisa rin naman ang binatang aktor tungkol sa isyung, kesyo cause of delay raw siya sa shooting ng Regal movie na Shake, Rattle & Roll XII ("Isla Engkanto" episode).

"Sino? Ako?" tila nabigla pa si Rayver nang marining ang tanong hinggil sa isyu.

Aniya, "Hindi po. Ni isang beses nga, hindi ako nahuli, e."

Natawa nang bahagya si Rayver nang sabihin namin na ayon sa usap-usapan, late na ay nagde-demand pa raw si Rayver na unahin ang mga eksena niya sa episode na idinirek ni Topel Lee.

"Hindi po totoo 'yon," tanggi uli ng young actor. "Kahit tanungin n'yo po sila [Star Magic] ngayon.

"Siyempre, lahat ng Star Magic [talents], hindi nila tinuturuan ng ganyan. Yun ang No. 1 bilin ni Mr. M [Johnny Manahan].

"So, para lang gawin ko yun, ako ang mapapasama. And, sa tinagal-tagal ko na sa showbiz, never ko pang ginawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako nga ang nahihiya pag nabibigyan ako ng cut-off... Siyempre, gusto ko ring matapos agad yung shoot.

"Kahit itanong n'yo pa po kay Mother Lily [Regal Entertainment producer] mismo!" tuluy-tuloy na sabi ni Rayver bilang depensa sa sarili.

ANDI EIGENMANN. Ayon pa kay Rayver, tapos na silang mag-shoot ng co-star niya sa Shake, Rattle & Roll XII na si Andi Eigenmann.

Kumusta naman si Andi, na balita ring naging cause of delay?

"Okey naman siya," sagot ng young actor.

Pagkatapos nito ay idinepensa rin ni Rayver ang co-star laban sa "maling impormasyon" ng pagiging tardy nila sa shooting.

"Hindi. Actually, walang perhuwisyo dun sa shoot, sa episode namin. Ilang days lang yun," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN