Jay-R thinks he's at the right age for marriage, but wants girlfriend Krista Kleiner to get the chance to fulfill her dreams

IMAGE 0


Jay-R describes the positive qualities of his girlfriend, Krista Kleiner: "Yung gusto ko sa kanya, mas matalino siya sa akin, e. Andami kong natutunan. I have more experience, yes. In the business, in my career, in music, yes. Pero in terms of her brain, the way it works, the way she sees things, iba talaga, e. Nakikita mo talaga na talagang matalino. And I love that."


Abot-tenga ang ngiti ng R&B singer na si Jay-R nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Nobyembre 22, sa Cravings Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito niya pinirmahan ang endorsement deal niya para sa Kaspersky, isang Internet security at anti-virus software.

Masaya si Jay-R, 29, dahil sa bago niyang endorsement, at dahil na rin sa tagumpay ng kasintahan niyang si Krista Kleiner, 21, sa Miss International pageant na ginanap sa China.

Nakapasok si Krista sa Top 15 at nanalo ng special awards na Miss Expressive at Miss Talent.

Agad ding dinepensehan ni Jay-R ang kanyang kasintahan sa patuloy na mga paninira rito. May mga nagsasabi kasi na hindi bagay maging beauty queen at mukha raw "bold star" ang baguhang artista at singer.

Ayon kay Jay-R, "obvious" naman na beauty-queen material ang kanyang girlfriend.

"Kung ganun yung sinasabi nila, it's not true kasi she is a beauty queen. She got the Miss International sa Binibini [Binibing Pilipinas]. She got into the Top 15 sa Miss International mismo.

"So, hindi naman totoo siguro yung sinasabi nila. Pang-ano lang yun, pang-haters lang siguro," sagot ng singer.

Dagdag pa niya, hindi na raw masyadong nasasaktan si Krista sa ganitong mga paninira.

"Dati, nung bago siya. Pero ngayon, medyo sanay na siya, e. Ang daming... Tulad ng sinabi mo, pag may magandang nangyayari sa isang artist, maraming nega na lumalabas.

"Pero she's used to it now. So, dinededma niya na lang.

"Pero, you know, I explain to her, 'Gano'n talaga ang show business, may lumalabas na ganito, so don't feel bad.' And she understands that now," saad ni Jay-R.

MISS INTERNATIONAL. Nauna nang nabasa rito sa PEP ang kuwento ni Krista tungkol sa hindi magandang karanasan niya pagkatapos ng Miss International pageant sa China.

Kuwento ni Krista, may ipinapa-endorse daw sa kanilang isang produkto na labag umano sa kanyang paniniwala. Tumanggi raw si Krista na gawin ito. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento na ni Krista kay Jay-R ang pangyayaring ito, at todo-suporta naman ang singer sa naging desisyon ng girlfriend.

"I support her because she knows what's right and wrong," sabi ni Jay-R.

"And, siyempre, she doesn't want to represent the Philippines holding an alcoholic bottle, di ba? Parang, it's not right.

"So, she expressed her feelings to the organization, and I guess, sa kanila, pera-pera lang, e.

"So, they want her to keep doing it. E, she doesn't want to do that. It's against her beliefs, as well as the [belief of the] other girls. Parang siya ang naging spokesperson ng ibang babae.

"So, with her being strong, and knowing what she wants, parang she doesn't want to be there promoting that, so she'll just leave also."

WEDDING BELLS? Sa mga pahayag ng singer sa kanyang kasintahan, halatang mahal na mahal niya ito. May balak na ba silang magpakasal?

"You know, sa akin, it would be nice, you know. I think I'm at the right age now," sagot ni Jay-R.

"Pero right now, I really want Krista to focus on herself muna. Gusto ko, yung mga dreams niya din, mangyari muna bago anything serious like making a drastic change in her life."

Twenty-nine years old na si Jay-R at 21 years old naman si Krista.

Kahit mahigit na isang taon na silang magkasintahan, gusto raw muna ng singer na magtagumpay muna si Krista sa kanyang career.

"Gusto ko, she focuses on her career, focuses on saving money muna, di ba? Siyempre, if anything happens, before the next level, dapat we're both secure, dapat we're both...

"In terms of career, in terms of self-growth. In terms of just people, di ba? Dapat secure kaming dalawa before the next level. But I would love for that to happen," paliwanag pa nito.

Ano ba ang nagustuhan niya kay Krista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko yung open-mindedness niya, e," sagot ni Jay-R. "And yung gusto ko sa kanya, mas matalino siya sa akin, e. Andami kong natutunan.

"I have more experience, yes. In the business, in my career, in music, yes. Pero in terms of her brain, the way it works, the way she sees things, iba talaga, e. Nakikita mo talaga na talagang matalino. And I love that.

"Gusto ko yung laging naggo-grow, e. And with her, parang I feel like lagi akong naggo-grow.

"Kahit na maliit na bagay lang, parang may natuturo siya sa akin, e. So I think that's what's really attracted me to her."

Nagkakasundo naman din daw ang kanilang mga pamilya.

"Last Christmas, we went home together—and I met her family, she met my family. And everyone got along very well. Everyone's happy that we're happy!" kuwento ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN