Sam Pinto to her detractors: "They don't realize that I'm new to this and I'm still learning."

IMAGE 0


"Pangalan ko po is Samara, ako po yung leading lady ni Senator Bong. Isa po akong warrior, tapos sobra akong in love kay Agimat dahil sa kanyang katapangan at kabaitan," paglalarawan ni Sam Pinto sa kanyang role sa Ang Agimat ni Enteng.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang aktres na si Sam Pinto sa taping ng Puso ng Pasko noong Sabado, Nobyembre 20, sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Ang Puso ng Pasko ang pinakabagong Christmas reality show ng GMA-7, at kasali nga rito si Sam.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Sam sa PEP na natapos na ang shooting nila para sa pelikulang Ang Agimat ni Enteng, isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Masaya raw siya na nakagawa na siya ng dalawang pelikula kahit wala pa siyang isang taon sa showbiz.

"I know! Pretty crazy, because I can't believe, in one year I did two movies. Bago ko lang sa industry, wala pa kong one year. So, parang, sobrang overwhelming," saad niya.

Na-discover si Sam sa Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN, na nagtapos noong Pebrero 13, 2010. Mula sa pagiging Kapamilya ay lumipat si Sam sa GMA-7 noong Setyembre ng taong ito.

Ang unang pelikula ni Sam ay ang box-office hit na Petrang Kabayo ng Viva Films, kung saan nakatrabaho niya ang komedyanteng si Vice Ganda.

WORKING WITH BONG & VIC. Sa Ang Agimat ni Enteng naman ay nakatrabaho ni Sam ang senador na si Bong Revilla at ang veteran comedian na si Vic Sotto.

Kuwento pa ni Sam sa PEP, hindi niya inaasahan na mabilis ang pag-angat ng kanyang career sa showbiz.

"Never ko in-expect na magiging ganito buhay ko talaga. Feeling ko, normal lang ako, magpa-fashion design lang, yung ganun. Tapos biglang, poof, artista!" sabi niya.

Bukod dito, key roles na agad ang ibinigay sa kanya. Dito nga sa Agimat ni Enteng, siya ang leading lady ni Senator Bong.

Bilang Samara na isang warrior, mayroon din siyang fight scenes.

"Dun ko first time ever mag-fight scene with a sword," sabi ni Sam. "Yeah, as in... Actually, no preparations at all. Basta, 'Okay, ito gagawin mo.' Sabak na agad sa set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Sam na kinabahan siya dahil malaking pelikula ang kanyang nasalihan.

"It's with two of the most...best actors in the Philippines. As in, sila lagi nagba-box office na movies. Parang, 'Kaya ko ba 'to?'"

Ito ang dahilan kung kaya't talagang pinaghandaan niya ang role.

"I've been reading acting books. And then, I've been asking help from my acting coach...

"And then, of course, with the help of Phillip Salvador who's there, kasi best friend siya ni Senator Bong, di ba? Sobrang big help siya, lalo na sa mga drama scenes," saad ni Sam.

NEGATIVE ISSUES. Gayunpaman, may naglalabasan pa ring mga balita at blind item na hindi raw marunong umarte si Sam, at nakaka-ilang takes daw siya sa kanyang mga eksena.

Pinabulaanan naman ito ni Sam. Paliwanag niya, "Maybe it's not all because of me. Puwede din naman kasi technical, di ba? Puwede din sa buhok. You know, little things. It's not because of me."

Hindi rin daw maganda na sobrang daming pagpupuna na ang ipinupukol sa kanya.

"Wala pa akong one year sa business na 'to, ine-expect na nila na sobrang galing kong mag-artista, umarte. E, hello, never ko talagang naisip na magiging artista ako. Yun.

"You watch the movie. And then you judge. Kasi I feel like I really did my best in this movie. As in, na-in love talaga ako sa character ko dito. So parang, I hope I can prove them there," aniya.

May isa ring blind item na siya ang tinutukoy na nagsasabing lagi raw siyang sinusundo ng kanyang leading man bawat shooting day. Ayon sa usap-usapan, napipilitan lang daw sumakay si Sam sa sasakyan ni Senator Bong. Totoo ba ito?

Tawa lang ang isinagot ni Sam.

"A, sundo? I know... Sa ano, sa shooting, from the place we stay, to the set, I usually ride with him lang," pag-amin naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ten-minute drive lang naman daw ang layo ng tinutuluyan niya sa Tanay, Rizal, patungo sa set ng Ang Agimat ni Enteng kaya naman wala raw talagang issue dito.

"Wala talaga! Wala lang, nakikisakay lang. Ang ganda ng kotse niya [Senator Bong]!" sabi ni Sam nang may halong biro.

Tinanong din ng PEP si Sam kung bakit may mga naninira sa kanya.

Biro muli ang naging sagot niya: "Dahil maganda ako!"

"Hindi, joke lang!" bawi naman niya.

"Ewan ko, I guess... Feeling ko they expect so much from me already. They don't realize that I'm new to this and I'm still learning. Every day I'm learning, so feeling ko they expect too much."

Gusto raw ni Sam na maging mahusay na artista.

"Very willing to learn. Kasi, like I said, sobrang na-in love na ako sa craft na 'to. So, parang game ako," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN