Ejay Falcon on Queenie Padilla: "Parang hindi ko pa nararamdaman na ligawan siya."

IMAGE 0


Ejay Falcon just returned from India where he shot a film with his idol Robin Padilla, Mariel Rodriguez, and Queenie Padilla. Ejay is being linked to Queenie, although he is not courting her yet.


May natapos gawing pelikula ang young actor na si Ejay Falcon na kinunan pa sa India. Kasama niya rito sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, at ang nali-link ngayon kay Ejay na si Queenie Padilla.

Sa kanyang mini-presscon kanina, September 23, sa Kalye Timog restaurant, ikinuwento ni Ejay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers ang naging experience niya kasama si Robin habang ginagawa nila ang pelikula.

"Nung unang araw po, naiilang ako sa kanya kasi idol ko po talaga siya. Tapos, sinabi niya, 'Ano ka ba, gawin mo kung ano yung gusto mong gawin dito sa movie. Lahat kayo may karapatan dito. Mag-suggest ka, gawin mo 'yan. Huwag kayong mahiya sa akin.'

"Tapos, ayun po, nawala na yung hiya ko sa kanya. Tapos po, nag-bonding na kami doon. Lagi ko na po siyang nakakakuwentuhan," lahad niya.

Ikinuwento rin ni Ejay kung paano siyang napili sa pelikula.

"Kasi po nagkasama kami ni Queenie sa Momay, kami po ang partner doon. Di ba po, sobrang bilis natapos yung Momay? So, sabi nila, gusto nilang sundan. Kaya ayun, ako yung kinuha rin nilang partner ni Queenie sa movie."

Ang Momay ang defunct primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Xyriel Manabat.

QUEENIE PADILLA. Speaking of Queenie, nanliligaw na ba talaga siya sa panganay na anak ni Robin?

"Hindi ko siya nililigawan. Parang hindi ko pa nararamdaman na ligawan siya," sagot ni Ejay.

Sa tingin ba niya kung sakaling liligawan niya si Queenie ay matatanggap siya ni Robin?

"Kasi ano, sa tingin ko naman, oo!" natatawang sagot ng Pinoy Big Brother Teen Edition winner.

FASHION DESIGNER. Samantala, mariing itinanggi ni Ejay ang pagli-link sa kanila ng gay fashion designer na si Avel Bacudio.

"Sa totoo lang po, hindi ko siya kilala. Hindi pa kami nag-meet," aniya.

May mga kilala raw gay fashion designers si Ejay, tulad nina Francis Libiran at Joey Samson, pero idinidiin niya na hindi niya talaga kilala si Avel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay hindi na nagbigay ng pahayag si Ejay tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN