Senator Bong Revilla on Hayden Kho's 'narrow-minded' comment: "Makitid talaga ang isip ko — pagdating sa tama o mali."

IMAGE 0


"Mali ang ginawa niya at nagdudusa siya ngayon, bakit ako pa ang makitid ang ulo?" says Senator Bong Revilla in a press statement on Hayden Kho's (inset) "narrow-minded" remark against him.


Tila muling umiinit ang palitan ng mga salita sa pagitan nina Senador Bong Revilla, Jr. at dating cosmetic surgeon na si Hayden Kho Jr.

Nabuhay ang sagutan ng magkabilang kampo matapos magpaalala si Senador Bong Revilla sa publiko na huwag kalimutan ang mga ginawa ni Hayden, na naging sanhi ng pagpapawalang-bisa ng kanyang lisensiya bilang doktor. (CLICK HERE to read related article).

Ito ay reaksiyon ng actor-politician sa isang artikulo na lumabas sa isang daily newspaper tungkol kay Dra. Vicki Belo at Hayden, na nag-launch ng kanyang sariling line of perfume kamakailan.

At noong nakaraang Linggo, Nobyembre 21, sumagot naman si Hayden sa pamamagitan ng pagsabi na "narrow-minded" ang senador. Ginawa ni Hayden ang pahayag sa panayam sa kanya ng Paparazzi, isang showbiz talk show sa TV5.

Sa istoryang nailathala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, Nobyembre 24, sinabi ng asawa ni Senador Bong na si Bacoor Representative Lani Mercado, na ayaw na niyang bigyan ng pansin ang patutsada ni Hayden. Ayaw na rin daw magbigay reaksiyon ng kanyang asawa tungkol dito. (CLICK HERE to read related article)

Gayunman, sa website ng Senado noong Nobyembre 23, isang press release mula sa opisina ni Senador Bong ang nailathala. Ito ang kabuuang pahayag ng actor-politician tungkol sa pasaring sa kanya ni Hayden:

"Hindi ko na problema kung may bitterness pa rin siya sa puso niya. Siya ang gumawa ng masama sa kapwa niya, at sa babae pa, kaya he deserves what happened to him.

"Magpakalalake siya at harapin ang mga kaso niya, na siya naman ang may kagagawan, in the first place. Hindi dapat siya nagtuturo at nagpapasa ng sisi sa ibang tao dahil sa pagkatanggal ng lisensya niya at sa patuloy na pagdinig ng kasong kriminal na inihain laban sa kanya.

"When I called for an investigation on the sex video scandal, I did not do this to advance my political or showbiz career. Ginawa ko ito para sa kapakanan ng mga babaeng naagrabyado niya. In fact, I gained nothing from it. Nagkaroon lang ako ng kaaway, at si Hayden Kho na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa siyang de tituladong tao at bilang isang edukadong tao, I expect some decency in him. He disappoints me, including the people around him.

"Sino ang taong nasa tamang pag-iisip ang kayang gumawa at abusuhin ang mga kababaihan, katulad ng ginawa niya? Makitid talaga ang isip ko, pagdating sa tama o mali.

"At ang kakitiran ng pag-iisip ay depende na, kung hanggang saan ang kakitiran mo. Mali ang ginawa niya at nagdudusa siya ngayon, bakit ako pa ang makitid ang ulo?"

Matapos nito, pinaalala ni Senador Bong ang sex-video scandal na kinasangkutan ni Hayden:

"Sa totoo lang, ayoko na sanang patulan pa ang isang desperadong tao. Umayos na lang siya sa pagharap sa mga kaso niya, at makunsiyensiya sa mga babaeng napatunayang inagrabiyado niya. Yun ang dapat niyang asikasuhin."

Matatandaan na noong Mayo 2009, lumabas ang sex videos ni Hayden kasama ang iba't ibang babae, kabilang na ang aktres na si Katrina Halili. Humingi ng tulong si Katrina kay Senator Bong upang imbestigahan ang kaso sa Senado.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa korte ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 (Anti-violence Against Women & Their Children Act) na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

Noong Enero 2010, nag-post ng cash bound o bail si Hayden para maipagpaliban ang warrant of arrest para sa kanya. (CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN