Bela Padilla admits rift with Marian Rivera somehow helped her career, but wants to be known for who she is

IMAGE 0


"In real life, I've never experienced being a kontrabida. So, it's easier for me to do 'good girl' roles," says Bela Padilla.


Sobrang excited si Bela Padilla na makagawa ulit ng malaking TV series. Huli siyang napanood sa primetime drama series na Endless Love, kunsaan gumanap siya bilang Yumi.

Umaasa ang 19-year-old actress na mapapasali siya sa cast ng Captain Barbell, na muling pagbibidahan ni Richard Gutierrez, sa pagbabalik nito sa ere early next year sa bakuran pa rin ng GMA-7.

"Ang alam ko po, for next year, I might be in Captain Barbell. I think, that's like 80-percent sure.

"Yes, siyempre I'm very excited sakaling mapasali nga ako, super excited. Dapat nga po ay mag-i-start na kami end of this year. Pero na-move, so I think by February," banggit ni Bela.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bela kahapon, November 24, sa opening at inauguration ng ika-apat na branch ng Dental Focus sa SM South Mall Las Piñas, na pag-aari ni Dr. Nina Rodil de Luna.

Excited ba siya dahil makakasama niya rito si Richard?

"Dahil po makaka-work ulit ako sa teleserye, isang major show na mapapanood ka every day sa primetime.

"Siyempre, big honor ito for me dahil nandoon si Richard. And makakatrabaho ko ang mga bigating artista," sabi niya.

BIDA O KONTRABIDA? Kontrabida ba ang role niya sa Captain Barbell, gaya ng role niya noon sa Endless Love?

"Actually, dalawa po ang in-audition-an ko, isang kontrabida at isang leading lady. So, hindi ko pa po alam kung alin ako doon.

"Pero kahit ano po. Actually sa ngayon, anything ay okay lang sa akin. Kasi, I'm still trying kung saan ako mas babagay. So, tinitingnan ko pa," sabi niya.

Pero ano ang mas gusto niyang karakter—mabait o kontrabida?

"In real life, I've never experienced being a kontrabida. So, it's easier for me to act in 'good girl' roles.

"Although, naniniwala ako na very challenging ang maging kontrabida. Kailangan very energetic ka. Mabigat dalhin din siguro, kasi masama yung karakter mo. So, hanggang sa pag-uwi mo, parang iniisip mo pa rin e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung papipiliin siya, sino ang kanyang dream leading man?

"Dream leading man?" inulit niya sa amin ang tanong.

"Well, since I'm gonna be in Captain Barbell, and since GMA-7 ang flag bearer namin, si Richard Gutierrez. Siyempre siya na yung dream leading man naming lahat.

"So, yun, siya po, si Richard," nakangiting sagot ni Bela.

Hindi kaya mag-react ang fans ni Dingdong Dantes sa sinabi niyang si Richard ang "flag bearer" ng GMA-7?

"Hindi naman po, marami naman silang flag bearer at hindi lang isa. Pero ang ibig kong sabihin, isa siya doon sa mga main ng GMA-7.

"Kung mangangarap ka na rin lang, sila na. Richard pa rin. Kasi, lagi namang maganda yung mga soaps na ginagawa nila, e," paliwanag ni Bela.

Bukod sa paghahanda sa Captain Barbell, abala ngayon si Bela sa mga programang I Laugh Sabado sa QTV 11 at Party Pilipinas sa GMA-7.

ROBIN'S ADVICE. Sa mga hindi nakakaalam, si Bela ay pamangkin ng action superstar na si Robin Padilla sa side ng ina nito na si Eva Cariño Padilla.

Close daw ang GMA Artist Center talent sa tiyuhin niya at puro positive naman daw ang mga ipinayo sa kanya ng action star, pati na sa mga intriga sa showbiz.

"Yung mga payo niya, puro sa mga positive side, na i-enjoy ko lang yung work, tapos parang kung saan ka man daw mapunta... Like if you wanna be a doctor, or you wanna be a lawyer, or you wanna be an artista, parang... Don't just give what they want you to give, give everything you've got.

"Parang ganoon yung lagi niyang advice sa amin, e. Talagang love your work, don't just do it kasi you're earning money or ganyan, talagang love your work daw," lahad ni Bela.

Ano ang sabi sa kanya ni Robin tungkol sa mga kinasangkutan niyang intriga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon po, sinabi niya sa akin na ganoon talaga, na talagang kasama 'yan, part 'yan ng pagiging artista. Pero he didn't tell me to do anything, like to fight back or whatever... Wala po siyang sinabing ganoon," sagot niya.

Naapektuhan din ba si Robin sa intrigang kinaharap niya sa co-star niya sa Endless Love na si Marian Rivera?

"I think so, kasi siyempre, relative," sagot ni Bela sa tanong. "Pero in whatever way, he told me to just continue doing my work properly and not to let it affect me."

PAST ISSUE WITH MARIAN. Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa akusasyon ng kampo ni Bela kay Marian ng "pambu-bully" at "pagkukulong sa CR."

Ayon pa sa kampo ni Bela, ang ugat daw nito ay dahil sa pagseselos diumano ni Marian kay Bela, na gumanap bilang girlfriend ni Dingdong Dantes (as Johnny) sa Endless Love. Sa totoong buhay, si Marian ang girlfriend ni Dingdong. (CLICK HERE to read related story.)

Noong kasagsagan ng alitan nina Bela at Marian ay maraming batikos na natanggap ang magkabilang kampo, lalo na kay Bela mula sa maraming fans ni Marian. Ngayon ba ay may instance pa rin na naiirita siya dahil sa mga birada ng fans ni Marian?

"Siyempre, nakaka-drain po yun," pag-amin ng dalaga. "Kasi, unang-una, especially sa Twitter, they don't know who you are, tapos they write it online, it's very damaging.

"And it's really unfair, especially to the person they're bashing. Kasi, hindi naman nila kilala, tapos nagsusulat sila ng ganyan. So, it's not nice.

"If they have younger sisters, if they have daughters... would they like their daughters or sisters to feel the same way I feel?"

CLOSED-DOOR MEETING. Natapos ang alitan sa pagitan nina Bela at Marian nang pinagbati sila sa opisina ng SVP for Entertainment ng Kapuso network. Pero walang lumabas na detalye kung ano ang nangyari sa meeting na iyon. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Bela kung posible bang lumabas balang-araw ang totoong nangyari sa loob ng kuwartong yun?

"It was a closed-door meeting, so... There were just a few of us inside, and I think we all agreed to keep quiet naman about it," marahang esplika niya na tila sinisigurong hindi magkakamali sa bibitawang salita.

Marami kasi ang nakapansin na magkaiba ng reaksiyon sina Bela at Marian paglabas nila sa meeting na iyon. Habang abot-tenga ang ngiti ni Bela ay halos wala namang reaksiyon si Marian.

"Because I was really at peace. I learned to accept and forgive and do many things," sagot ni Bela nang tanungin tungkol dito.

"Kaya paglabas ko doon, ang sabi ko, 'After this closed-door meeting, everything is finished na.' It was really finished na for me."

So, masaya siya sa nangyari at hindi siya parang nang-aasar?

"Hindi po, bakit naman ako mang-aasar?" nakangiting sabi niya.

"Nakita niyo naman po yung smile ko, totoong-totoo. Kasi, I really felt nothing is inside me anymore, sobrang nalinis na ako...

"Hindi pala nalinis ang right term, parang relieved na. Kasi someone took over for me. Kasi ang hirap na I'm so young and I have to carry all this weight."

Ipinaliwanag naman ng kampo ni Marian na kaya ganoon ang reaksiyon ng aktres ay dahil nag-aalala ito sa kalagayan ni Dingdong, na noong panahong yun ay naka-confine sa ospital. Nagmamadaling umalis si Marian dahil didiretso nga siya sa ospital para bisitahin ang kasintahan.

Pero aminado ba siya na dahil sa nangyari sa kanila ni Marian ay mas nakilala siya ng publiko?

"Of course, yes," sabi ni Bela. "Kasi, people were talking about me every day.

"Pero mas gugustuhin kong... I don't know how to say it, pero... If I were to do it all over again, I wish it weren't like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi it was negative, e. Yung lumalabas sa akin ay negative. Gusto ko makilala ako ng mga tao for who I am.

"So, now, at least I get interviews like this and sa mga newspapers. At least, people get to know me a bit more now. So, yun sana po 'yong gusto ko."

After ng insidenteng iyon ay naging maayos na ba sila ni Marian? Friends na ba sila?

"We haven't seen each other ever since, so I can't really say.

"To be someone's friend, you have to spend time with each other and we don't... We've never had the chance to do that. So, hindi ko pa siya nakikita ever since."

Pero, puwede kaya silang maging magkaibigan in the future?

"Let's see. Time will reveal all things, as they say," nakangiti niyang sabi.

BELA'S MOM VS JANA. Kamakailan ay may lumabas na report na minura raw ng ina ni Bela na si Meg Sullivan ng "prostitute" si Jana Dominguez, ang co-star ng young actress sa Endless Love at I Laugh Sabado.

Ayon pa sa report, ginawa ito ng ina ni Bela dahil may sinabi raw na hindi maganda si Jana tungkol kay Bela.

Nangyari raw ang insidente sa pagitan ni Jana at ng ina ni Bela sa taping ng I Laugh Sabado. Si Jana ay malapit na kaibigan ni Marian.

Ano ang masasabi ni Bela rito?

"A, I wasn't there when it happened," sabi niya.

"Pero my mom is not the type who would do stuff like that!

"My mom is educated like all of us in the family. We're not the type to stoop down to that level.

"So, I don't know, let the people be the judge na lang," saad ni Bela.

Pero ano nga ba ang kuwento tungkol sa insidenteng 'yon?

"I don't know, but I just heard na she [Janna] passed right in front of my mom and then said something. Pero I didn't hear it kasi, so I don't want to...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe nagparinig. But I wasn't there nga po kasi, kaya ayaw kong mag-comment."

Sinubukan din ng PEP na kapanayamin si Mrs. Sullivan, subalit pinigil ito ni Bela dahil utos daw ng GMA Artist Center na huwag na raw palakihin ang issue.

"As much as possible, ayaw po naming... Kasi pinapalaki lang, e, parang... If she [Janna] wants a gimmick, e, di... Hindi ba?" bitin na tugon niya.

Sa tingin kaya niya ay ginagamit sila ni Janna?

"Hindi po, hindi sa ganoon. Wala namang ginagamit," kambiyo ni Bela.

"Kaya lang, kung gagawa ng ganoon, if you do something bad, gusto mo pa bang malaman ng mga tao?

"So, kung may murahan pong nangyari, si Janna na lang ang tanungin natin. Ayaw kong manggaling sa amin, pangit po tingnan."

Sa mga intrigang hinarap niya, hindi ba siya nagsisisi kung bakit pumasok pa siya sa showbiz?

"A, no, of course not," sagot ni Bela. "I love what I'm doing, I enjoy acting.

"I think everyone in our family is very artistic and this is the best way to show your creative side. This is like an outlet for all of us, kaya nag-e-enjoy po kami rito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN