Carla Abellana's mom, Rea Reyes, reacts to ex-husband Rey "PJ" Abellana's intrusion into their daughter's affairs

IMAGE 0


"Nakakatawa... Kasi out of the blue, PJ has been talking to the media about Carla's relationship with Geoff. Puwede naman niyang makausap si Carla nang personal, e. Bakit kailangan na sabihin pa niya 'yan sa TV?" says former commercial model-actress Rea Reyes about ex-husband Rey "PJ" Abellana's comments on their daughter's career and love life.


Sa kasalukuyang pagsasalita ng aktor na si Rey "PJ" Abellana tungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak na si Carla Abellana kay Geoff Eigenmann, naging tahimik lang ang ina ng young actress—ang dating commercial model at TV actress na si Rea Reyes.

Pero nagpaunlak ng interview si Rea sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 24, para malaman ng publiko ang kanyang saloobin sa nangyayari ngayon kay Carla at sa ama nito.

Matagal nang hiwalay sina Rea at PJ.

Nagugulat na lang daw si Rea sa mga lumalabas na mga interview ni PJ tungkol sa career at pati na ang lovelife ni Carla. Nabibigyan tuloy ng hindi magagandang reaction ang pakikialam nito sa mga desisyon ng kanilang anak.

"Hindi ko pa naman napanood yung interview niya sa TV. May nagsabi lang sa akin about it," simula ni Rea nang makausap siya ng PEP sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XII, kunsaan kasama sa cast si Carla, sa Imperial Palace Suites.

Patuloy niya, "Lumalabas kasi na he [PJ] wants to be consulted when it comes to Carla's decision. Lalo raw ngayon that Carla is in showbiz. He just wants to protect her, kaya sana raw alam niya ang mga nangyayari.

"Ako naman kasi, bilang ina ni Carla, nandoon din ang concern ko sa kanya. I also want to protect her and know what her decisions are.

"But being the parent who really saw her grow up, alam ko when my child is doing the right thing or when she's doing something wrong.

"I raised my kids na puno sila ng mga pangaral sa buhay.

"Alam ko that Carla will always make the right decision for herself.

"I may [question] her on some things, but I will not make the final decision for her.

"Carla is already 24 years old and she's responsible enough for her decisions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Buhay na 'yan ng anak ko. She can do what she wants.

"Alam ko that she will make the right decisions. Ganyan ako magtiwala sa mga anak ko."

TWO MONTHS. Si Rea na rin mismo ang nagsabi sa PEP na "two months" pa lang ang relasyon nina Carla at Geoff.

Unang nagkasama sina Carla at Geoff sa Pinoy remake ng Mexicanovela na Rosalinda. Nasundan pa ito ng ibang projects gaya ng Carenderia Queen, The Last Prince, at Basahang Ginto.

Ayon pa kay Rea, maganda naman ang pagsasama ng dalawa at gustung-gusto niya ang ugali ni Geoff.

"Geoff is a very nice boy. Napakadisente at very respectful.

"Kapag magkasama sila ni Carla, he makes sure that she's taken care of.

"Kapag nasa bahay namin siya, nandoon ang respeto niya sa akin at sa lola ni Carla."

Ang lola ni Carla ay ang dating LVN star na si Delia Razon.

Dagdag niya, "Wala naman akong pangamba when Carla is with Geoff. I trust him because my daughter trusts him.

"Kung sino ang mahal ng anak ko, mahal na rin ng pamilya namin.

"Tayo namang mga magulang, ang happiness ng mga anak ang gusto natin."

"IT'S CARLA'S LIFE." Nagtataka lang daw si Rea kung bakit masyadong nagre-react si PJ sa relasyon ni Carla kay Geoff, samantalang hindi naman daw ito nakialam sa five-year relationship ng anak sa basketball player na si JC Intal.

"That's what bothers a lot of people close to Carla," sabi ng ina ng Kapuso young actress.

"Bakit nga ba biglang nakikialam na ang daddy niya sa two-month relationship with Geoff, e, nagkaroon nga siya ng boyfriend for five years?

"And PJ never reacted to that. So, why react and be concerned now, di ba?

"Nakakatawa... kasi out of the blue, PJ has been talking to the media about Carla's relationship with Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede naman niyang makausap si Carla nang personal, e. Bakit kailangan na sabihin pa niya 'yan sa TV?

"So, imbes na tahimik na lang ito, it's being overblown. Kung tutuusin, wala namang problema talaga.

"It's Carla's personal life na. What she does with it, it's her decision alone.

"She's of the right age and I can only give her advice as a parent.

"I cannot choose or dictate kung ano ang dapat sa anak ko."

CARLA'S HOUSE. Ayon pa kay Rea, pati raw bahay na binili ni Carla ay pinakialaman din ni PJ. Ayon sa aktor, masyado raw mahal ang nabiling bahay ni Carla at sana raw ay kinonsulta muna siya.

"With regards to the house, hindi lang naman si Carla ang nagdesisyon diyan. Kasama ako diyan because naipon na pera namin ng anak ko ang pinambili ng bahay na 'yon.

"Before naman namin kinuha ang house, tiningnan namin talaga kung worth ang presyo. And it is because it has four bedrooms, maganda ang location, and we got it for a very reasonable price.

"Bago kami nagpakawala ni Carla ng pera namin, ipinagdasal pa namin 'yon kung tama ba ang magiging decision namin to purchase it.

"So I don't get PJ's reaction towards the house," sabi ni Rea. "Wala naman siyang perang inilabas for that house.

"And sa amin naman 'yon ni Carla. Pinag-ipunan naming mag-ina 'yan kaya kami ang nag-desisyon tungkol diyan."

NOT ON SPEAKING TERMS. Nang tanungin kung nagkausap na ba sila ni PJ tungkol sa mga pinagsasabi nito sa media, sabi ni Rea ay hindi pa dahil matagal na silang hindi nag-uusap nito.

Aniya, "I know that it will sound weird to a lot[of people] , pero since naghiwalay kami ni PJ when Carla was just two years old, hindi na kami nagkausap nang maayos.

"Many thought na since our relationship didn't work out, we ended up as friends for the sake of our two kids. But even as friends, hindi naging gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe it was meant na maging gano'n na. We may be civil to one another but I cannot say na we're friends.

"Kaya sa mga nagtatanong kung nag-uusap kami ni PJ, I can honestly say na hindi, because wala talaga kaming communication.

"We eventually moved on after our relationship.

"Ako naman, I focused my life sa pagpapalaki sa mga anak ko.

"Masaya naman ako that Carla and her Ate Erika grew up to be good children. Hindi sila naging problema sa akin at sa lola nila."

SINGLE PARENT. Kaya kung sino man dapat ang makialam sa mga desisyon ni Carla ngayon, si Rea daw 'yon dahil naging single parent siya sa pagpapalaki sa young actress at sa kapatid nito.

"Hindi madali ang maging single parent," sabi ni Rea. "Like what I said, Carla was only two years old noong maghiwalay kami ni PJ.

"We stayed at my mom's house and doon ko ni-rebuild ang buhay naming mag-iina. My mom has been very supportive from the start and even up to now, she's here for us.

"Kaya it's so funny to hear all these concerns from PJ with regards to Carla.

"Sa totoo lang, mabibilang ko sa mga daliri ko ang times na he was there for our kids... Be it birthday, Christmas, New Year or any special occasion, he was not around that much for our kids.

"But I never bad-mouthed him sa mga bata. Hindi ko sila pinagdamot sa kanya.

"When he wants to visit them or take them out—which rarely happened—okey lang sa akin.

"Ang pinaka-communication lang namin ay kapag tinatanong ko kung anong oras niya susunduin at ihahatid ang mga bata.

"Hanggang doon lang ang pag-uusap namin talaga," saad ng ina ni Carla.

CARRYING HER FATHER'S NAME. Ikinatutuwa raw ni Rea na kahit hindi madalas makita ni Carla ang kanyang ama ay nanatili ang respeto niya rito. Dinala pa rin nito ang apelyidong Abellana noong magdesisyon siyang mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One thing naman na hindi ko inalis sa kanila ay ang pangalan ng kanilang ama," sabi ni Rea.

"No matter how much pain I endured noong maghiwalay kami ni PJ, hindi ko inalis ang karapatan niya sa mga bata.

"Kaya lumaki ang mga bata respecting him and always acknowledging him as their father. That's one thing I cannot take away from my kids."

Ang mensahe ni Rea for PJ ay sana'y irespeto na lang niya ang mga nagiging desisyon ni Carla dahil nasa tamang edad na ito.

Mas maganda raw na silang mag-ama ang mag-usap kesa ang media pa ang unang nakakaalam.

WHO IS REA REYES? For a brief background, nagsimula si Rea Reyes bilang commercial model noong mid-'80s. Dahil kilalang commercial model noon, inalok siya na maging artista.

Una silang nagkakilala ni Rey "PJ" Abellana sa GMA-7 soap drama na Anna Liza, na pinagbidahan ng yumaong teenage star na si Julie Vega.

Nang matapos ang Anna Liza sa GMA-7, inalok si Rea na lumabas sa isang afternoon soap drama na Talinghaga sa City 2 (na ngayon ay ABS-CBN 2 na). Si PJ ang naging katambal niya rito.

Doon na sila nagkaroon ng relasyon hanggang sa biglang mabuntis si Rea sa panganay nila ni PJ na si Erika.

Nang mawala si Rea sa Talinghaga, pinalitan siya ng aktres na si Opalyn Forster.

Since then ay tinalikuran na ni Rea ang showbiz at naging maybahay na ni PJ.

Hanggang sa mauwi ang lahat sa hiwalayan.

(Bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ni PJ tungkol sa mga sinabi ni Rea.)

CARLA JOINS SHOWBIZ. Pero ngayon ay natutuwa si Rea dahil sa pagpasok ni Carla sa showbiz. Ito ay sa kabila na hindi niya inakala na mag-aartista si Carla. Mas expected niya na ang panganay niyang si Erika ang magsu-showbiz.

"I always thought that Erika would be the one na mag-artista," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Carla kasi, napakatahimik at more on sa school 'yan. Si Erika, siya yung matsika talaga at very outgoing.

"Nagulat na lang ako when she entered showbiz.

"Hindi ko naman mapigilan 'yan kasi natupad naman niya ang mga hiling ko at ng lola niya.

"She finished college, with honors pa, kaya kung ano ang gusto niyang gawin, nasa kanya na iyon.

"Well, everyone expected din naman na magiging artista siya because her lola is an artista. Ang daddy niya artista rin. Ako, nag-artista for a short time lang.

"Kaya it's in her blood. Lalabas at lalabas din iyong pagiging artista."

Nagpapasalamat din si Rea sa mga nagtitiwala sa kanyang anak, lalo na ang GMA-7 na nagbigay ng series na Rosalinda at Basahang Ginto na pinagbidahan ni Carla, at sa Regal Entertainment kunsaan isa si Carla sa bida ng Shake, Rattle & Roll XII.

"All these blessings for Carla are truly deserving," sambit ni Rea.

"Masipag 'yan at kahit na sobrang puyat 'yan sa trabaho, she makes it a point na she spends some time with us.

"She's a very responsible daughter kaya naman nagtitiwala ako sa kanya.

"Even if we seldom see each other sa bahay, because I have my own work din, we always communicate. At 'yon ang importante sa aming pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN