Rocco Nacino stays fit despite his "kahit ano" diet

IMAGE 0


Rocco Nacino's secret to a pimple-free complexion? "Nilalagyan ko ng Erythromycin lotion yung tigyawat para mag-dry. Tapos post-acne solution para mag-tone yung skin color at para gumaling ang mga sugat," he says.


Sa presscon ng Koreana noong Lunes, February 21, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga leading man sa show na si Rocco Nacino.



Naitanong ng PEP kay Rocco kung mayroon din siyang espesyal na diet tulad ni Aljur Abrenica na may "Machete Diet." Nakangiting sumagot ang batang aktor.

"A, meron. 'Kahit Ano Diet,'" saad ni Rocco. "Kasi sa akin naman, mabilis akong tumaba, mabilis akong pumayat. Balance lang."



Nababawi naman daw ng exercise ang pagkain niya nang marami.



"Sakto, mahilig ako mag-exercise, mahilig ako sa sports. I do Muay Thai, Judo, Ju Jitsu, at nagba-basketball ako. Kaya, mabilis din akong pumayat. Yun lang naman.



"Ang pinaka-diet ko, I eat anything I want pero in moderation, not too much. And I work out at least twice or thrice a week. Two hours," paliwanag niya.



Tinutulungan daw siya ng kanyang gym trainer na ma-achieve ang kanyang ideal weight.



"Kasi yung trainer ko, siya yung trainer ni Kuya Dingdong [Dantes]. Tinutulungan niya ako sa pagwo-workout," saad niya.



Dagdag ni Rocco, wala raw siyang pagkaing bawal kainin.



"Kahit ano kinakain ko, basta di po ako mahilig sa gulay. Meat-eater po ako, so meat products like steak, beef, chicken, fried chicken," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN