Governor Vilma Santos opens up about Alzheimer's disease that afflicts her mom

IMAGE 0


Sinabi ng actress-politician na si Vilma Santos na madalas ay hindi na siya nakikilala ng kanyang ina. "Pero minsan raw sa TV, pag nakikita niya ako, [sinasabi niya] 'si Vi, si Vi.'"


Sa isang bahagi ng taped interview ng StarTalk TX sa Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos kahapon, Sabado, November 27 sa GMA 7, ini-reveal nito na may early onset na ng Alzheimer's disease ang kanyang ina.

"Yes, yes," pag-amin ni Governor Vilma.

Sinabi rin ng actress-politician na madalas ay hindi na siya nakikilala ng kanyang ina.

"Hindi na, pero okay lang. Ang tawag nga niya sa akin minsan, nanay, minsan ate. Pero okay lang, sabi nga namin, natural lang iyon, basta aalagaan namin siya.

"Ang importante lang basta healthy pa siya. Iyon lang naman e."

Sa simula raw ay nahihirapan at nasasaktan sila sa kalagayan ng kanilang ina.

"Noong una, nasasaktan kami, na 'Ba't ganun, bakit hindi na tayo kilala?'

"Pero ngayon nasanay na rin kami, e.

"Pero minsan raw sa TV, pag nakikita niya ako, [sinasabi niya] 'si Vi, si Vi.'"

Isa nga raw ito sa mga dahilan kung bakit sa nalalapit na Pasko, sa halip na mangibang-bansa tulad ng ginagawa ng ibang mga celebrities ay dito lang sa Pilipinas magse-celebrate ng Christmas si Governor Vi kasama ang asawang si Senator Ralph Recto at mga anak na sina Ryan Christian Recto at si Luis Manzano.

"Dito lang kami kasi gusto namin with the family. Hindi rin kami aalis kasi gusto namin na kasama ang Mama ko, kasama ang mga kapatid ko," pahayag pa ni Governor Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN