Kris Bernal admits watching Machete because of Aljur Abrenica's body

IMAGE 0


"Kung marami ang nag-abang na mga bababe, bading o lalaki na mapanood yung Machete, ganun din ako. Inabangan ko talaga at doon ko nakita kung gaano kaganda ang katawan niya ngayon!" says Kris Bernal (main photo) about former screen partner Aljur Abrenica (inset).


Hindi na nagtataka ang Koreana star na si Kris Bernal sa mataas na ratings na nakukuha ng primetime series na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica, ang Machete. Dating magka-love team sina Kris at Aljur bago sila nagkaroon ng kani-kanilang solo projects sa GMA-7.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa Party Pilipinas noong Linggo, January 31, sa GMA Network Studios, sinabi niyang nagulat siya sa ganda ng katawan ni Aljur bilang Machete.

"Nagulat ako nang makita ko yung trailer ng Machete kasi sobrang ganda talaga ang katawan ni Aljur kasi topless siya dun.

"Iba kasi pag nagkikita kami sa Party Pilipinas, lagi naman siyang nakadamit, so hindi mo makikita yung talagang hubog ng katawan niya.

"Kaya nga kung marami ang nag-abang na mga bababe, bading o lalaki na mapanood yung Machete, ganun din ako. Inabangan ko talaga at doon ko nakita kung gaano kaganda ang katawan niya ngayon!" natatawang sabi ng StarStruck alumna.

Patuloy ni Kris, "Kung sabagay, si Aljur naman kasi sobrang madisiplina 'yan. Kung may gusto talaga siya, ginagawa niya para makuha niya.

"Like sa Machete, gusto siguro niya talaga makuha ang perfect body bilang Machete kaya pinaghirapan niya talaga. At 'yan yung resulta nung kanyang pagsisikap—magandang hubog ng katawan.

"Ang maganda kasi kay Aljur, masyado siyang naka-focus sa ginagawa niya, especially pag sa trabaho. Kasi mahal na mahal niya talaga ang trabaho niya.

"Every time na may bagong project 'yan, sinisigurado niya na maganda ang kanyang magiging performance. At kahit yung tamang look para sa role na kanyang gagampanan, kina-career niya talaga para swak na swak siya doon sa role.

"Kaya nga hindi na ako nagtaka kung bakit mataas ang ratings ng Machete. Kasi bukod sa maganda yung pagkakagawa nito, inabangan talaga ng lahat yung magandang hubog na katawan ni Aljur."

WORKING TOGETHER. Huling nagkatrabaho sina Kris at Aljur sa telefantasya na The Last Prince. May chance pa kayang magkatrabaho silang muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Kris.

"Siguro pag may tamang project para sa amin, at gusto ng GMA na pagsamahin kami ulit, bakit naman hindi, di ba? Hindi lang namin alam kung kailan, pero alam namin ni Aljur na magkakasama pa rin kami ulit.

"'Tsaka maganda naman kasi yung naging resulta na pinaghiwalay muna ng GMA-7 yung love team namin. Kasi, nagawa naming makipagpareha sa ibang GMA stars.

"Maganda naman yung mga naging resulta sa ratings ng mga shows namin, at tinanggap ng mga manonood. Kaya naman doon namin nalaman na kahit sino ang ipareha sa amin ng GMA-7, may mga supporters pa rin kaming susuporta sa kanya-kanya naming shows."

Pagkatapos ng The Last Prince ay ipinareha si Aljur kina Rhian Ramos at Jackie Rice sa Ilumina, at kina Ryza Cenon at Bela Padilla sa Machete.

Samantalang si Kris naman ay itinambal sa StarStruck V winners na sina Steven Silva at Rocco Nacino sa Koreana.

KOREANA. Speaking of Koreana, ano ang pakiramdam ni Kris sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang afternoon soap na umaalagwa sa taas ng ratings?

"Sobra-sobrang happy at sobra-sobrang thankful sa mga loyal viewers ng show namin, kasi hindi sila bumibitaw araw-araw sa panonood ng Koreana. Sana nga hanggang sa kahuli-hulihan ng aming show, panoorin nila.

"Habang nalalapit kasi ang pagtatapos ng Koreana, mas lalo silang maraming aabangang magagandang eksena. Kaya sana huwag sila bumitaw," pahayag ng dalaga.

After Koreana, may next project na ba siya sa GMA-7?

"Sa ngayon wala pa silang sinasabi sa akin," sabi ni Kris. "May bulung-bulungan na may kasunod daw akong project, pero ayoko namang mag-assume na meron. Dahil naniniwala ako na hangga't hindi ka nagte-taping at hindi pa naipapalabas ito, walang kasiguraduhan na tuloy na.

"Basta ako, naghihintay lang naman ng ibibigay nilang trabaho. Pero sana nga meron kasi mas gusto ko kasing laging busy sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELIFE. Kumusta naman ang love life ni Kris?

"Naku, career muna siguro, 'tsaka na love life!" tawa niya.

"Basta sa ngayon, happy ako sa trabaho ko. Dun muna ako naka-focus ngayon. Sayang naman yung magandang itinatakbo ng career ko kung itutuon ko lang yung pansin ko sa lovelife.

"Siguro may right time para dun, pero hindi ngayon yun. May mga nagpapapansin, pero no-pansin muna ako dahil mas gusto kong mag-focus sa trabaho ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN