John Lloyd Cruz not obsessed with Box-Office King title, but won't make a "trashy movie"

IMAGE 0


"When I do movies, I don't really think about the box office kasi baka madiskaril ka, e... Basta 'yon lang ang intention, makagawa ka ng isang pelikula na hindi mo ikakahiya. Kasi, mahal na ang sine ngayon. So, ayaw mo bigyan sila ng trashy na movie," John Lloyd Cruz says on being a three-time Box Office King.


Pinangunahan ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang bagong kampanya ng kanyang ineendorsong gamot, ang public pledge na pinamagatang "Ingat Pilipinas."



Aminado ang 27-year-old actor na sa limang taon niyang pagiging endorser ng Biogesic, naging sikat na ang one-word tagline nito na "ingat."

Subalit, ayon kay John Lloyd parang nababalewala na ang kahulugan nito sa ngayon.



"We're here for a safer Philippines. Kasi nga, parang gusto naming buhayin ang totoong essence ng word ng 'ingat.'

"It all started five years ago, sa unang-una naming commercial, parang 'yon na ang tumatak sa tao. Sa dulo ng commercial, sinabi namin, 'O, paano po, ingat.'

"Pero sa panahon ngayon, based sa mga studies na na-conduct, parang 8 out of 10 ng mga aksidente talagang human error ang dahilan.

"So, kung tayo mismo [ang dahilan], ibig sabihin pwedeng masolusyunan," saad ni John Lloyd sa maikling interbyu sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang media sa paglunsad ng "Ingat Pilipinas" noong Sabado, Nobyembre 27, sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Kaya naman hinihikayat niya ang bawat Pilipino na lumahok sa public pledge na ito sa pamamagitan ng personal nilang paraan upang maiwasan ang anumang aksidente.


ANOTHER BOX OFFICE KING TITLE. Bukod sa personal na kalusugan, ingat na ingat din umano si John Lloyd sa mga nakasama niya sa kanyang bagong pelikula, ang My Amnesia Girl.

Ito ang unang proyekto na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga, at ika-anim na pelikula naman niya sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Para kay John Lloyd, isang factor ang mga nakakatrabaho para maging patok sa takilya ang pelikula. At ganito nga raw ang nangyari sa bagong pelikulang handog ng Star Cinema.

"Actually, when you work with Direk Cathy, parang may bago kang pamilya. Kasama pa namin 'yong cast na sobrang riot, sobrang gulo, pero sobra naman ang naitulong. So, lahat kami masayang-masaya na naman ngayon."


Sa tingin ba niya ay masusungkit niya sa ikaapat na pagkakataon ang Box Office King title dahil sa My Amnesia Girl?


"Hindi pa namin alam," mapagpakumbabang sagot ni John Lloyd. Sabi pa niya, "Basta ngayon, sobrang natutuwa kami at ine-enjoy namin 'yong success na dinadanas ng pelikula."


Nabanggit din ng award-winning actor na sa tuwing magtratrabaho siya, hindi niya naiisip ang mga titulong kanyang nakakamit.


Para kay John Lloyd, "When I do movies, I don't really think about the box office, kasi baka madiskaril ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, ang lagi namang intention is to be able to deliver what is effective. In terms of creativity, tiwala naman tayo sa Star Cinema about that.

"Basta 'yon lang ang intention, makagawa ka ng isang pelikula na hindi mo ikakahiya. Kasi, mahal na ang sine ngayon. So, ayaw mo bigyan sila ng trashy na movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN