Iya Villania says offer to pose as sexy calendar girl came at the right time

IMAGE 0


Add TV host Iya Villania to the growing list of Tanduay Rhum's celebrity calendar girls. The MYX VJ was chosen by the liquor brand as its new endorser for the coming year.


Kakaibang Iya Villania ang makikita ng publiko sa 2011 calendar ng Tanduay Rhum 5 Years.

Sa press launching na ginawa last Friday, November 26, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, buong pagmamalaking ipinakita ng nabanggit na liquor brand ang mga larawan ni Iya na gagamitin sa kalendaryo na kanilang ipapamigay sa pagpasok ng Bagong Taon.

Marami ang tiyak na magugulat dahil for the first time in her career ay pumayag si Iya na magpa-sexy, as shown in the pictures that were flashed on the big screen during the press presentation.

Wala pa rin naman dapat ikabahala ang fans ni Iya na nasanay sa wholesome image ng kanilang idolo. Bagamat sexy ang mga poses, hindi pa rin naman ito "overly daring" as compared sa mga karaniwang nakikita natin sa mga cigarette at liquor calendars.

"Sexy enough," paglalarawan ni Iya sa kanyang mga ginawa sa photo shoot.

"I've seen sexier, but I suppose, for someone like me, sexy na rin."

Natatawang dagdag ng dalaga, "And to begin with, I guess I'm not blessed with the chest! So, I felt that it wasn't anything that made me feel uncomfortable and that I was ready."

RIGHT TIME TO GO SEXY. Hindi naman daw nag-alinlangan si Iya na tanggapin ang alok na magpa-sexy bagamat hiniling niya siyempre na malaman ang buong detalye at konsepto bago tuluyang pumayag.

"I didn't have second thoughts because when they offered it to me, there was no reason for me to say no," sabi ni Iya.

"Actually, it was great timing also. The offer came at a time when I was feeling more comfortable with myself, feeling more comfortable in my body, feeling more mature.

"And then [when I looked] at the concept, I thought there was nothing to be afraid of. I didn't need to compromise any of my moral values so I figured, maybe it is a good time to say yes to this kind of a project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento ni Iya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumportable naman siya during the photo shoot dahil madaling pakisamahaan ang kanyang mga nakatrabaho.

Mahalaga kasi na may tiwala at respeto sa pagitan ng subject at photographer pagdating sa mga sexy photo shoots para maganda ang kalabasan ng final product.

"Well, I was working with people I'm comfortable with, so that was nice, and I could also be very honest with the photographer.

"So, if ever I pose in a way that felt a little awkward, I was able to speak up naman and tell him."

Bagamat pumayag na si Iya mag-pose nang sexy ay hindi naman daw nangangahulugan na makikita na rin natin siya sa mga pahina ng men's magazine.

Pero ibang sitwasyon naman daw kung acting roles ang pag-uusapan, sabi ni Iya.

"Well, if a role calls for it and if I think it's appropriate and artistically done, who knows? It would be hard to say no right now."

SUPPORTIVE DREW. Very supportive naman ang boyfriend ni Iya of six years na si Drew Arellano sa kanyang naging desisyon na lumabas ng sexy sa kalendaryo.

"Drew has never stopped me from doing anything that I wanted to do," sabi ni Iya.

"Ang sa kanya lang, as long as I'm happy and as long I'm not being told to do anything that I'm uncomfortable with."

Dagdag ng dalaga, "I always inform him kahit anong project ko or any offer that comes my way, I always inform him, and he never ever stopped me and that's one of the great things about Drew—he's always been very supportive."

STILL A KAPAMILYA. Last November 19 ay nag-renew ng contract si Iya sa ABS-CBN matapos makatanggap ng offer sa rival station nito na GMA-7. Three-year guaranteed exclusive contract ang pinirmahan ni Iya at kalakip dito ang ilang bagong shows, bukod pa sa dati na niyang mga programa katulad ng ASAP XV at Us Girls. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman si Iya sa naging desisyon ng kanyang management team na manatili siya sa bakuran ng Kapamilya network.

"It's a complicated story. But like I said, I really have to be thankful to GMA for showing their interest in me. It was because of that that I actually felt I am still valued by ABS and that was so touching for me, even if they have so many sobrang talented artists... They gave me a reason to stay."

At dahil hindi natuloy ang kanyang paglipat ay hindi na rin mangyayari ang posibilidad na magkasama sila ni Drew sa isang programa.

Sa tingin ba niya ay nalungkot si Drew dahil sa nangyari?

"Not so much disappointed. But I suppose we were both quite excited with the idea of being able to work together, pero hindi nangyari," nakangiting pahayag ni Iya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN