Ogie Alcasid says his appointment as member of EDSA People Power Commission will not make him rich; it is an advocacy

IMAGE 0


OPM president Ogie Alcasid on Kuh Ledesma's proposal to regulate foreign acts: "I understand how she feels but it's a long process, we have to talk about it. We have to talk to our congressmen. Ano ba ang mas maganda? Kailangang respetuhin din natin yung ating mga consumers. They have the right to choose which shows they wanna watch."


Itinalaga kamakailan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III si Ogie Alcasid bilang miyembro ng EDSA People Power Commission at convenor of music and entertainment for the 25th anniversary celebration of the first EDSA People Power on February 25.

Dahil sa bagong appointment ni PNoy kay Ogie, nasasadlak na naman sa intriga ang singer/songwriter.

"Ah it's no secret na ako po'y tumulong sa kampanya ni PNoy pero ito pong posisyon na ibinigay nila sa akin, it's... hindi po iyan isang trabaho na kumbaga e, yayaman ako o di kaya ay isa siyang glamorous job, hindi po.

"Isa po siyang advocacy," pahayag ni Ogie sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX nuong Sabado, January 29.

Kung matatandaan, nitong nakaraang taon ay na-appoint rin si Ogie bilang Pangulo ng OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

Kamakailan lang ay nagsagawa ng general assembly ang nasabing organisasyon. Isa sa inaasahang natalakay ay ang panukala ng singer at Pop Diva na si Kuh Ledesma na magkaroon ng regulasyon para sa mga foreign artists na pumapasok sa bansa upang magtanghal.

Ayon kay Kuh, "It will be good kung magkakaroon ako ng pagkakataon to suggest yung sinasabi ko na magkaroon ng regulation. Kung isu-support yan I believe it will be good for the business of local artists."

Nataon ang isyu sa nalalapit na concerts nina Janet Jackson, Taylor Swift at Justin Bieber sa bansa na posibleng magpahina raw sa shows ng local artists na matatamaan ng performance dates dito.

"Dito po sa OPM, lilinawin po natin, hindi po kami against sa foreign musicians coming to the Philippines. Wine-welcome po namin sila with open arms. It generates tourism, hindi po ba," sabi ni Ogie.

Ayon naman kay Kuh, "I am not for banning foreign acts. I am for [the] support lang of our local industry, at para hindi mamatay o ma-discouraged ang industriya natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang reaksyon naman dito ni Ogie: "I understand how she feels but it's a long process, we have to talk about it. We have to talk to our congressmen. Ano ba ang mas maganda? Kailangang respetuhin din natin yung ating mga consumers. They have the right to choose which shows they wanna watch."

On a lighter note, hindi naman itinanggi ni Ogie na bukas sila ng kanyang misis na si Regine Velasquez na sumailalim sa artificial insemination kung ito ang sagot sa pagkakaroon nila ng anak.

"Oo naman. E aminin na natin na hindi na tayo bata, kung matulungan tayo ng siyensiya e bakit hindi, di ba?

"E sana, sana. I hope so, I hope so, let's pray, let's pray," saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN