Sunshine Dizon's husband turns himself in to police after running down elderly woman

IMAGE 0


Timothy Tan, husband of actress Sunshine Dizon, surrendered to the police after he ran down an elderly woman in Barangay Balibago in Angeles, Pampanga last night, November 29. The victim died on the spot.


Sumuko na sa pulisya si Timothy Tan, ang asawa ng aktres na si Sunshine Dizon, matapos makasagasa ng 60-taong gulang na babae kahapon ng gabi, Nobyembre 29.

Namatay sa aksidente ang biktima, na kinilalang si Johara Alignaye, isang Badjao.

Ayon sa ulat ng Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN kaninang umaga, Nobyembre 30, nangyari ang aksidente sa Barangay Balibago sa Angeles, Pampanga, sa ganap na alas-onse ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ni Alignaye na nakahiga sa kalsada.

Ayon sa mga saksi, mabilis daw ang pagmamaneho ni Timothy sa kanyang itim na kotse nang mabangga niya ang tumatawid na biktima.

"Nag-red light, e, [tapos] nag-green, tapos bigla siyang nagbilis... Open ang daan... Yung matanda, tumatawid. Tapos, hindi na siya pumreno, dire-diretso siya hanggang sa makalayo siya," saad ni Junell Magnaye, isa sa mga saksi.

Agad namang sumuko si Timothy, isang piloto, sa mga awtoridad.

Kakasuhan umano ang mister ni Sunshine ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Tumangging magpaunlak ng panayam si Timothy sa staff ng Umagang Kay Ganda.

Pinakasalan ni Timothy ang aktres na si Sunshine noong March 20, 2010 sa isang private ceremony sa Valle Verde 6 clubhouse sa Pasig City.

Wala pa silang anak, bagamat apat na buwang buntis ngayon si Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN