April "Congratulations" Gustilo on TRO case against Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."

Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg">

Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg">

IMAGE 0


"Confident naman po kami na mananalo kami sa kaso. Kasi hindi naman po kami pababayaan ng Diyos dahil alam po namin na tama yung ginagawa namin. Alam po namin na papanigan kami ng korte... ng hustisya. Kasi, nakakatulong kami sa mga tao lalo na ngayon na maraming nangangailangan," says ww.girls member April "Congratulations" Gustilo about the TRO case against Willing Willie.


Hindi lang ang mga staff ni Willie Revillame at co-host niyang si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad ang sumuporta sa TV host sa ginanap na hearing para sa panibagong Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay ng P127-million copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN kontra sa show na Willing Willie ng TV5.

Present din ang mga dancers ng naturang TV show na kilala bilang ww.girls (Willing Willie Girls) sa hearing na ginanap kaninang umaga, November 30, sa Makati Regional Trial Court Branch 66.

Pinangunahan ni April Gustilo—o mas kilala bilang si "Congratulations o Congrats"—ang ww.girls sa pagsuporta sa laban ni Willie at ng kanilang show.

Hindi nga maiwasang magpa-picture at magpa-autograph kay April ng mga tao sa labas ng courtroom patunay lang ng unti-unti na ring pagsikat ng seksi at matangkad na dancer.

"CONGRATULATIONS" ISSUE. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si April.

Kinuha namin ang reaksiyon niya na pati ang pagsigaw niya ng "Congratulations" sa Willing Willie ay sinasabi ng ABS-CBN na kinopya raw sa dating show nila na Wowowee.

Una kasing ginamit ni April ang naturang pagbati sa Wowowee noon sa tuwing magbibigay siya ng premyo sa mga kalahok sa programa.

"Natawa lang po ako kasi hindi naman galing sa kanila yung idea na yun," sambit ni April.

"Ako naman po yung nakapag-isip nun and si Wil [tawag kay Willie] naman po ang nagbigay ng chance sa akin para sabihin yun.

"So, nagpapasalamat na lang po ako kay Wil kasi po ipinagtanggol niya po ako sa kanila [ABS-CBN] dahil nga hindi naman daw po sila ang nag-isip nun.

"At saka tinatanong ko nga rin po, 'Sino po ba si Congrats at sinasabi nilang ginagaya ko yung congratulations?' E, ako rin naman po yun talaga, di ba?"

Ano ang feeling niya na nahaharap sila ngayon sa ganitong kaso at problema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Confident naman po kami na mananalo kami sa kaso," sagot niya.

"Kasi hindi naman po kami pababayaan ng Diyos dahil alam po namin na tama yung ginagawa namin. Alam po namin na papanigan kami ng korte... ng hustisya.

"Kasi, nakakatulong kami sa mga tao lalo na ngayon na maraming nangangailangan."

Isang bagay lang ang inaalala ni April kung saka-sakaling hindi pumanig ang batas sa kanila kapag nabigyan sila ng TRO—ang mga taong natutulungan ng Willing Willie.

"May konting worries lang po, kasi siyempre may mga taong mahihirap na ngayong Pasko ay dapat na matutulungan pa namin.

"If ever man na ma-TRO kami, hindi pa rin po titigil si Wil sa pagtulong sa mga tao."

FULL SUPPORT FOR WILLIE. Todo raw ang suporta nilang mga ww.girls kay Willie, kaya ano man ang mangyari ay hindi nila iiwanan ang TV host.

Ani April, "Isa lang po ang sasabihin ko, walang iwanan. Hindi po namin iiwan si Wil kahit anuman ang mangyari.

"Kasi noong time po na nawala siya sa Wowowee, hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. So, ngayon pa na kasama na namin siya, hindi na po mangyayari 'yon ulit.

"At kung mawala man kami sa show at ibang show yung gagawin namin, tutulong pa rin kami sa mga tao."

Aminado si April na malaki ang utang na loob niya kay Willie.

"Sobrang nagpapasalamat po ako kay Wil dahil sa break na ibinigay niya sa akin, sa pag-discover niya sa akin.

"Utang na loob ko sa kanya kung sino ako ngayon. Utang na loob ko sa kanya kung saan ako ngayon.

"Utang na loob ko sa kanya kung paano ako nabuhay ng ganito kasaya sa mundo ngayon.

"Kasi, konting tao lang ang nabibigyan ng opportunity na makapag-perform, pero si Wil ang nagbigay noon sa akin.

"Ang alam ko, nakakapagpasaya ako ng mga tao, nakakatulong ako sa mga tao sa pagbibigay saya sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simpleng tao lang po ako noon, isang estudyante lang na nangangarap.

"Ngayon nabigyan ako ng chance na makilala ng buong mundo dahil kay Wil," emosyonal na sabi ni April.

APRIL'S BACKGROUND. Ang 19-year old na si "Congratulations" ay si Aprilyn Gustilo sa totoong buhay.

Nagmula siya sa Bacolod at naging isang kalahok sa Ms. Fitrum Contest ng Wowowee noon. Hindi man siya ang itinanghal na grand winner sa naturang contest ay kinuha pa rin siya ni Willie at isinama sa ASF Dancers.

Ang pagiging "kalog na Ilongga" ni April ang nagbigay sa kanya ng spot sa ASF Trio bilang tagabigay ng premyo sa mga contestants.

Nang mawala ang Wowowee sa ere at mapalitan ito ng Pilipinas, Win na Win! ay nanatili si April bilang isa sa mga dancers at attraction ng show. Pero hindi rin nagtagal dito si April at nag-resign siya sa show kasama ang iba pang dancers.

Isa si April sa sampung dancers ng Wowowee at Pilipinas, Win na Win! ng ABS-CBN na lumipat sa Willing Willie ng TV5. Sinamahan sila ng sampu pang baguhang dancers at tinawag ngang ww.girls.

Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg">


Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg"> Willing Willie: "Hindi po namin iiwan si Wil kahit ano man ang mangyari."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/24025/april-congratulations-gustilo-on-tro-case-against-willing-willie-hindi-po-namin-iiwan-si-wil-kahit-a" data-desc="The "Willing Willie" dancer also answers "congratulations" issue." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4a37507c2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN