TV5 announces big shows for 2011

IMAGE 0


During the announcement of TV5's new shows in 2011, the Kapatid network also introduced its newest star—Jasmine Curtis, the younger sister of Anne Curtis. Jasmine will be paired with JC de Vera in the TV remake of the Robin Padilla-Vina Morales movie Ang Utol Kong Hoodlum.


Inaasahang mas lalong magiging exciting ang mundo ng telebisyon sa susunod na taon dahil sa malalaking programang inihahanda ng tatlong major networks sa bansa: ABS-CBN, GMA-7, at TV5.

Kung nung mga nakaraang taon ay ang Kapamilya at Kapuso networks lang ang pukpukang naglalaban sa pagandahan ng shows at TV ratings, ngayong taon ay biglang nagparamdam ang TV5—na kilala na bilang ang Kapatid network.

Sa katunayan, may mga pagkakataong nangunguna na sa kani-kanilang timeslots ang ilang shows ng TV5.

Partikular na ang weekend primetime programs nito, gaya ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, LOL: Laugh Or Lose ni Vic Sotto, Magic? Gimik! nina Kean Cipriano at Empoy, at maging ang Willing Willie ni Willie Revillame.

Sa Christmas party ng TV5 para sa press ngayong gabi, December 2, sa Bfroadway Centrum ay ni-reveal ng head of production and creative services, Perci Intalan, ang mga bagong programang ihahain ng Kapatid network sa 2011.

Karamihan ng mga inihahandang programa ng TV5 ay remake ng mga dating TV shows at mga pelikula.

Kasama na rito ang pagbabalik sa telebisyon ng Iskul Bukol, ang sitcom nina Tito, Vic & Joey sa IBC-13 na tumagal sa ere ng 11 years—mula 1978 hanggang 1988.

Bagamat hindi sinabi ni Sir Perci, ang nagiging tawag kay Perci Intalan sa showbiz, kung sinu-sino ang mga artistang kasama sa sitcom na ito, nai-report na sa PEP Alerts na ang mga bida rito ay sina Ryan Agoncillo, Sam YG, at Kean Cipriano ng Callalily.

Ang Kapatid network din ang nakakuha ng Philipine franchise ng American reality show na Extreme Makeover Home Edition. Ayon kay Sir Perci, labindalawang pamilya ang magbabago ang buhay in "extreme" fashion. Sa U.S. edition, ginigiba nang buong-buo ang isang bahay, tinatayuan ng mas magarang bahay, at kinukumpleto pa ang mga all-new na kasangkapan dito.

TV5-VIVA COLLABORATIONS. May mga programa rin ang TV5 na iko-co-produce ng Viva Films, at lahat ng ito ay dating hit movies ng film company na pag-aari ni Boss Vic del Rosario:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagets, ang 1984 blockbuster youth-oriented movie na pinagbidahan nina Aga Muhlach, William Martinez, Raymond Lauchengco, JC Bonnin, at Herbert Bautista.

Humanap Ka Ng Panget, ang 1990 comedy film ni Andrew E;

P.S. I love You, ang 1981 romance movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion;

at Ang Utol Kong Hoodlum, ang 1991 action film na pinagbidahan nina Robin Padilla at Vina Morales.

Sa apat na proyektong ito, tanging ang Utol Kong Hoodlum pa lang ang in-announce na ang casting—si JC de Vera sa papel noon ni Robin at ang baguhang si Jasmine Curtis sa papel ni Vina.

Si Jasmine ang nakababatang kapatid ng Kapamilya at Viva artist na si Anne Curtis.

Kanina nga ay pormal nang ipinakilala sa press si Jasmine sa pamamagitan ng isang special dance number.

Inaasahan na isa sa magiging pinakamalaking star ng TV5 next year si Jasmine.

OTHER PROJECTS. Ibabalik din ng TV5 ang Babaeng Hampaslupa, pero hindi binanggit kung ito ba ay remake ng 1952 film na may ganun ding pamagat o ang 1988 movie ni Maricel Soriano.

Pero sa bagong version nito, ang gaganap sa pangunahing tauhan ay si Alex Gonzaga. Bagamat kilala bilang comedienne at host, susugalan ng TV5 ang pagiging isang drama actress ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ng ABS-CBN.

Ang Babaeng Hampaslupa rin ang magsisilbing comeback vehicle ng mahusay at magandang aktres na si Alice Dixson. Sa Florida na naninirahan ngayon si Alice, pero pumayag siyang bumalik ng Pilipinas para gawin ang proyektong ito.

Nakatakda ring gawan ng TV adapation ng TV5 ang dalawang komiks novels ni Carlo J. Caparas—Bangis at Limang Daliri ng Diyos.

Sa December 8 naman ay magsisimula na ang Star Confessions, na dramatization ng buhay ng mga artista. Hosted by Cristy Fermin, ang pilot episode nito ay tungkol sa buhay ni April "Congratulations" Gustilo.

Umaasa ang pamunuan ng TV5 na sa pamamagitan ng mga programang ito ay mas lalong lalakas ang kanilang network at makilala bilang isa pang major player sa TV industry kahanay ng ABS-CBN at GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN