LOVE STORY: Jason Francisco says, "Hindi love at first sight"; Melai Cantiveros says, "Masaya kasi ang care-care niya pala sa akin."

IMAGE 0


Jason Francisco says girlfriend Melai Cantiveros is his "energy," and Melai says her beau is her "stylist, manager, adviser, friend, organizer, and playmate."


Nasaksihan ng mga manonood kung paano nagsimula at namulaklak ang pag-iibigan ng Pinoy Big Brother (PBB) Double Up alumni na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ngayon ngang mahigit isang taon na ang kanilang relasyon, muling sinariwa ng magkasintahan ang kanilang love story sa magkahiwalay na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila kamakailan sa set ng shooting ng upcoming movie nila na Pureza.

HE SAYS. Para kay Jason, hindi "love-at-first sight" ang nangyari.

"Sa totoo lang sa Bahay ni Kuya, wala naman akong crush sa kanya. Wala talaga akong crush sa kanya noon. Magkaibigan lang kami. Talagang na-develop lang po ako sa kanya sa loob ng bahay ni Kuya," kuwento ni Jason.

Nagpatuloy si Jason, "Dun medyo nakaramdam lang din ng kakaiba, minsan hinahanap mo siya pagka nagkakahiwalay kami ng bahay, hinahanap-hanap mo, dun nagsimula yung love. Pero hindi love at first sight ang nangyari.

"Parang falling in love with your best friend, parang ganun," ang sabi ni Jason at saka humalakhak sa huli nitong sinabi.

Kailan ba niya naramdaman na nahuhulog na siya kay Melai?

"Nung malapit nang matapos yung [Pinoy] Big Brother kasi maghihiwalay na kami kasi baka hindi na kami magkita sa labas ng bahay, dun ko na naramdaman yun. Kasi baka hindi ko na siya makita.

Inilarawan pa ni Jason ang mga nararamdaman niya noon, na kung paano niya napagtanto na mahal niya nga si Melai.

"Hindi na normal, e. Pagkagising mo siya na lagi hinahanap mo.Yung bukambibig mo, puro siya na lang. May kasamahan ako sa bahay pero wala akong pakialam sa kanila. Sa kanya lang palagi. Lagi ko siya tinatanong, 'Nasaan si Isay?' mga ganun. Basta parang siya na lang palagi yung nasa isip ko," sabi ni Jason.

Ngunit kahit na alam niyang mahal na nga niya ang dalaga ay nag-alangan pa muna itong ligawan sa loob ng Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dun sa Bahay ni Kuya hindi ko naman siya talaga balak na ligawan, baka sabihin ng iba na showbiz lang. Tapos mula sa mga advice ng mga kaibigan na parang, 'Malamang, hindi na kayo magkikita niyan, sabihin mo na kung ano nararamdaman mo sa kanya.'

"Kaya nga nanligaw na ako dun, di ba? Dun na din niya ako sinagot pero semi-formal palang daw yung sagot niya," natatawang pagbabalik-tanaw ng binata.

Ito ay nangyari noong February 8, ang itinuturing nilang anniversary ngayon.

Nagpatuloy ito sa pagbabalik-tanaw at kinuwento ang mga nangyari noong Araw ng mga Puso, Febraury 14, sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Nag-swimming kami. May regalo ako sa kanya na Spongebob noong February 14. Tapos kasi February 8 kasi ako nanligaw sa kanya at dun niya ako sinagot ng 8, pero semi-formal palang. Tapos 14 kami nag-celebrate.

"Swimming tapos wine tapos binigyan ko siya ng flower. Pinabili ko pa yun kasi nasa loob pa kami ng bahay noon," masayang kuwento ni Jason sa PEP.

SHE SAYS. Katulad ng kay Jason, naging trigger na mapagtanto nito na mahal na nga niya ang binata nang maghihiwalay na sila at lalabas na sila ng Bahay ni Kuya.

"Yung paglabas na namin. Mahal na talaga namin yung isa't isa. Concerned na talaga kami sa isa't isa sa loob pa lang. Pero pinipigilan namin kasi siyempre nasa loob kami. Ano ba iisipin ng mga pamilya namin? Pero paglabas namin, narealize ko na mahal ko talaga 'to kasi nagseselos na ako, 'tsaka over-over na pagka-concern ko sa kanya," sabi ni Melai.

May nararamdaman man sila sa isa't isa ay hindi naman niya naisip na magkakaroon sila ng relasyon.

"Sinasabi naman talaga niya sa akin na mahal niya ako pero hindi ko ine-expect na liligawan niya ako," aniya.

Dagdag ni Melai, "Pero hindi pa kami nun, akala niya sinagot ko siya. Dapat sasagutin ko siya ng April 6. Pero sinabi niya sa ASAP na kami na, so naawa naman ako sa kanya. Ang guwapo pa man din niya kaya sabi ko sige na nga!" pabirong hirit ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binalak ni Melai na pormal na sagutin si Jason noong April 6, ang araw ng kanyang kaarawan.

"Akala niya kami. Ang tanga-tanga naman kasi niya!" bulalas ng dalaga at saka siya humalakhak.

Matapos niyang sabihin ito, nagpahabol siya ng, "Ang mabuti kasi sa amin, hindi na kami nahihiya sa isa't isa. Kahit na anong sabihin namin. Kahit na sabihan ko pa siyang tanga o buwang, hindi nasasaktan yon."

Paano niya nalaman na mahal nga siya ni Jason?

"Masaya kasi ang care-care niya pala sa akin. Kasi yung taong yun, minsan mo lang makitang magke-care," sagot ni Melai na nakangiti.

MATURE RELATIONSHIP. Isa sa mga ikanatutuwa ni Melai ngayon sa relasyon nila ni Jason ay ang pagiging mature nilang dalawa sa kanilang relasyon.

"Kasi yung last na relationship ko, three years yun. Parang, 'Uy! Humahabol!' Pero hindi ko na ine-expect kung anong mangyayari sa amin. Basta ngayon masaya kami. Hindi ko na iniisip kasi ayaw ko mag-worry na baka next year, hindi na kami, baka next month, hindi na kami.

"The more na isipin mo yun, the more na mangyayari yun, so ano na lang ako, kuntento ako na masaya akong magkasama pa kami ngayon. Kasi baka dumating ang time na maghiwalay kami," paliwanag ni Melai.

Open din si Melai na kahit na masaya sila ngayon ay maaring hindi sila ang magkatuluyan.

"Marami din nagsasabi sa akin na mga friends ko na hindi lang...kaya sinasabi namin sa isa't isa na enjoy lang kami sa isa't isa. Hindi kami magkasawaan kasi kung over-over ka na inlove, kaya magkakasawaan yung iba.

"Yung nagsasabi ng 'I love you' everyday nagiging gasgas na yung 'I love you.' Mabuti yung minsan mo lang sabihin para 'pag namiss mo. 'Tsaka natuto na din ako na hindi na ako laging humihingi ng time as long as andun yung concern niya, okay na ako," sabi ni 23-year-old na komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHO THEY ARE TO EACH OTHER. Tinanong din ng PEP si Jason at si Melai kung sino sila sa isa't isa, at kung ano ang mga roles na ginagampanan ng kanilang kasintahan sa buhay nila ngayon.

Mabilis ang naging tugon ni Melai, "Siya ang aking adviser, kalaro, kaibigan and organizer, stylist, lahat-lahat. Taga-gising din kasi. Siya na ang aking parang manager!"

Si Jason naman ay natigilan ng kaunti saka niya sinabi nang seryoso at malumanay, "Eto, lagi ko naman sinasabi na siya yung energy ko, lagi naman. Energy parang baterya," paglalarawan ni Jason.

Nagpahabol siya ng rason kung bakit niya nasabing "energy" niya ang kasintahan, "Kasi mataas yung energy niya palagi. Ako antukin. Siya yung inspirasyon. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung makakaya ko kung wala siya kasi sa Bahay ni Kuya, kung wala siya.

"Kasi dun malungkot ako pero nung nameet ko siya sumigla buhay ko. Kaya din ako nagtagal sa Bahay ni Kuya. Kasi araw-araw meron akong isang tao na lalapitan, meron akong isang tao na pagshe-share-an mo ng mga experiences mo sa buhay mo, ganun," sabi ni Jason.

Bilang pagtatapos, ngumiti ang binata at sinabing ang kasintahan niya'y, "Hindi lang one love, one true friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN