Baron Geisler gets another complaint, this time from Noah co-star Cherry Pie Picache

IMAGE 0


Actor Baron Geisler gets another complaint from a co-worker because of his behavior. He allegedly took advantage of Noah co-star Cherry Pie Picache in one of their scenes. Cherry Pie's manager, Ed Instrella, has filed a formal complaint against the actor with PAMI and ABS-CBN.


Nagsampa ng reklamo si Cherry Pie Picache at ang kanyang manager na si Ed Instrella sa Philippine Artists Managers Inc. (PAMI) at sa ABS-CBN, laban sa character actor na si Baron Geisler.

Ayon sa balita, dinakma umano ni Baron ang dibdib ni Cherry Pie sa taping ng Noah, isang primetime show sa ABS-CBN, noong isang linggo.

Ang karakter ni Cherry Pie sa Noah ay si Rebecca, ang ina ng love interest ng pangunahing karakter ni Joem Bascon. Ginagampanan naman ni Baron si Caleb, isa sa mga kontrabida sa programa.

Lasing umano si Baron sa taping ng Noah nang mangyari ang insidente.

Sa simula raw ay nararamdaman lang ni Cherry Pie na iba na ang hipo ni Baron sa kanya. Ngunit hindi pa rin umano niya napigilan ang paghawak ng aktor sa kanyang dibdib bago matapos ang taping.

Dahil dito, nagalit agad si Cherry Pie at nagreklamo sa produksyon ng Noah, kaya agad namang pinatay ang karakter ni Baron sa show matapos ang insidente.

Ayon pa sa text message na ipinadala ni Ed Instrella sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, January 17, nagreklamo na nga sila sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) at management ng ABS-CBN "with the hope that similar incident will not happen again."

Nang tanungin ng PEP ang manager kung kumusta na ang kanyang talent, ito ang kanyang ipinadalang sagot: "Ayaw lang ni ms Picache lumaki pa issue so as not to affect her son."

Sinubukan din ng PEP na kuhanin ang panig ni Baron ukol sa ganitong issue ngunit wala pa kaming sagot na natatanggap mula sa kanya.

Nakakuha naman ng maikling pahayag ang PEP mula sa manager ni Baron na si Arnold Vegafria.

Sa pakikipag-usap ng PEP kay Arnold sa telepono ngayong gabi, sinabi nito na: "Makikipag-meeting pa lang ako with ABS-CBN tungkol diyan."

Ayon pa kay Arnold, hindi pa niya natatanggap ang kopya ang sulat ng manager ni Cherry Pie sa PAMI, kunsaan din siya kabilang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na bago kay Baron ang ganitong akusasyon.

Noong May 21, 2009 ay binastos na rin umano ng aktor ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa isang taping. (CLICK HERE to read related story)

Nasa arraignment stage pa hanggang ngayon ang kasong acts of lasciviousness at unjust vexation na isinampa ni Yasmien laban kay Baron noong May 25, 2009.

Si Baron Geisler ay isang dramatic actor na nakatanggap na ng ilang acting awards mula sa pagganap niya sa ilang indie films tulad ng Jay (2008) at Donor (2010).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN