Cesar Montano still considers 2010 "productive and fulfilling" despite losing his son

IMAGE 0


"When God closes one door, He opens another one. Kaya I'm very thankful to God dahil hindi Niya ako pinababayaan, pati ang pamilya ko," says Cesar Montano.


Sa kabila ng malungkot na pangyayari sa kanyang buhay ngayong taon, dulot ng pagpanaw ng kanyang 23-anyos na anak na si Christian Angelo Manhilot noong March 26, positibo pa rin ang pangkalahatang assessment ni Cesar Montano sa kanyang buhay ngayong 2010. Kasama na ang pag-asam sa mas magandang taon sa 2011.

"Very productive and fulfilling for me ang 2010. Okay lang kahit may sad part. Malungkot, pero ganun talaga, e.

"When God closes one door, He opens another one. Kaya I'm very thankful to God dahil hindi Niya ako pinababayaan, pati ang pamilya ko.

"I'm hoping na 2011 will be another productive year for me," pahayag ni Cesar nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa kanyang presscon at intimate get-together with the press noong Biyernes, December 3, sa kanyang restaurant na Bellissimo sa Tomas Morato, Quezon City.

Malaking bahagi ng pagiging "productive" ni Cesar ay ang "big leap" na naganap sa kanyang career sa paglipat niya ng network, mula sa ABS-CBN patungong GMA-7, sa kalagitnaan nitong taon.

Kaagad siyang isinabak sa top-rating telefantasyang Ilumina, kasama sina Christopher de Leon, Ara Mina, Jean Garcia, at ang young stars na sina Aljur Abrenica, Rhian Ramos, at Jackie Rice.

SUCCESSFUL ART EXHIBIT. Nang magtapos ang Ilumina noong Nobyembre, nagbakasyon sa U.S. si Cesar kasama ang asawang si Sunshine Cruz. Nagkaroon pa sila ng pagkakataon na mapanood ang laban ng kaibigan niyang si Manny Pacquiao kontra kay Antonio Margarito.

Pero ang ipinagmalaking balita ni Cesar ay ang matagumpay niyang art exhibit noong November 20 sa Marriot Courtyard, Mission Valley sa San Diego, California.

Sold out ang paintings ni Cesar at lahat ng 15 masterpieces niya ay binili ng mga kababayan nating nasa Amerika.

Kuwento niya, "Kumita kami ng more than six thousand dollars [humigit-kumulang sa P260,000]. Puro watercolor and acrylic yun.

"Yung kinita namin dun ay para sa Panaghoy Children's Foundation scholarship, para pampaaral sa mga bata sa Bohol," banggit pa ng aktor na ang tinutukoy ay ang foundation na itinatag nila ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kinita ng kanyang exhibit ay nakakuha pa ng donasyon si Cesar mula sa mga taong nakilala niya sa U.S.

Pinangakuan siya na bibigyan ng personal computers ng Loral Space System represented by Engineer Pablito Yra at ng company's vice president na si Jacob Foraker.

Ang mga estudyante sa Bohol ang unang tatanggap ng biyaya sa paunang donasyon na 300 computers. Masusundan pa raw ito ng libong computers sa susunod na taon, na plano namang ipamigay ni Cesar sa mga estudyante at barangay sa buong bansa.

Masasabi ba niyang hindi na lang basta hilig ang pagpipinta niya kundi isang career na rin ito?

"Iyan nga ang sinasabi natin sa mga kabataan. Itong pagpipinta ay puwedeng pagsimulan ng kabuhayan. Lalo na kung sa abroad ka makikilala, mas mahal.

"Sino ba ang hindi nagdi-dream na maging Amorsolo, Juan Luna, Malang? Puro Pilipino yun.

"Yung mga nagagawa nila, kaya ring gawin ng mga kabataan. Kaya kailangang i-encourage natin sila," saad ni Cesar.

REMEMBERING ANGELO THROUGH HIS PAINTINGS. Bukod sa kanyang pagiging artista, isang bagay nga na ini-enjoy gawin ni Cesar ay ang pagpipinta.

During the presscon ay nag-sample pa siya ng mga gawa niya at marami sa mga press ang pinalad na makapag-uwi ng kanyang mga obra.

Ayon kay Cesar, bata pa lang siya ay hilig na talaga niya ang pagdu-drawing at pagpipinta. Self-study lang ang ginawa niya at wala siyang formal training at all.

Ang ikinatutuwa ni Cesar ngayon ay ang pagkahilig na rin ng mga anak niya sa painting.

"Kasi naiinggit yung mga anak ko. So, sila rin, tina-try nila.

"Kahit nga hindi ko na sila i-encourage, e, pag nakikita nila, 'Daddy, we want to paint also.'

"Pag bumibili ako ng materyales ko, binibilhan ko rin sila. They paint and draw with me."

Nakagawa na ba siya ng painting na iniaalay niya para kay Angelo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, meron na, nasa room niya," sagot ni Cesar.

"Bamboos yung subject, mahilig kasi akong magpinta ng bamboos and forest."

Aminado si Cesar na kapag nagpipinta siya ay naaalala niya rin si Angelo.

"Kasi, nagpe-paint kami together," sabi niya.

"Yung huling beses kaming nag-paint, hindi ko pa rin makalimutan.

"Minsan nga, tinuturuan niya pa ako ng bagong style niya. So, nakakatuwa."

TV PROJECTS. Pagdating galing U.S., kaagad sumabak si Cesar sa sumunod niyang project sa GMA-7, ang special celebrity Christmas reality challenge series na Puso ng Pasko, na may layuning tumulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Ka-partner niya rito ang asawang si Sunshine.

"Exciting as well as touching itong Puso ng Pasko," sambit niya.

"Kami ni Shine, we're very happy to share ourselves para makatulong sa mga tao, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

"Marami kaming challenges ditong ginawa at kinaya namin ni Shine yun."

Ano pa ang aabangan sa kanya sa telebisyon sa susunod na taon?

"Sa TV, abangan n'yo po yung sitcom na gagawin namin, yung Andres De Saya, sa GMA-7.

"Wala pa akong leading lady, pero malapit ko na rin pong simulan yun. Next year, isa ito sa mga aabangan sa GMA," banggit ni Buboy, palayaw ni Cesar.

MOVIE PROJECTS. Maging sa movie scene ay magiging busy rin si Cesar next year dahil may bago siyang gagawing isang malaking pelikula.

"Meron po kaming gagawing pelikula ni Anne Curtis ngayong December under Viva Films. Ako ang sumulat at magdidirek po nito.

"Ang title po ay Sa Ngalan ng Pag-ibig. May script na ito and hopefully, makapagsimula kami by mid-December."

Pinaghalong period at contemporary raw ang setting ng pelikula. Sasamahan pa raw ni Cesar ito ng mga kundiman.

"Kasi nakita ko kung paano namatay yung kundiman songs, na dapat huwag nating bitawan.

"Ngayon, isang magandang behikulo itong pelikula para buhayin ulit 'yan o ipaalala na meron tayong kundiman," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang target playdate daw ng Sa Ngalan ng Pag-ibig ay sa March 2011.

Ibinalita rin ni Cesar na may plano sila ni Robin Padilla na gumawa ng pelikula under Viva Films.

"Nag-usap na kami ni Binoe [palayaw ni Robin], pero wala pang istorya.

"Gusto naming buhayin ang action sa pelikula.

"Sabi nila patay na ang action, pero susubukan naming buhayin."

MORE PROJECTS. Sunud-sunod na nga ang mga proyektong ginagawa ni Cesar, kabilang pa rito ang pagre-record ng album under Sony Music. Excited na siya rito dahil makikipag-collaborate siya sa mga magagaling na songwriters at producers para sa kanyang bagong album.

Ang huli niyang album na Subok Lang ay tinangkilik naman ng mga tao. Bukod sa pag-arte at pagpipinta, isa rin sa outlet ni Cesar para sa kanyang creative expression ang pagkanta at pagtugtog ng gitara.

Nadadagdagan din ang endorsements ni Cesar. Sa katunayan ay kapipirma niya lang ng dalawang panibagong endorsement deals na ayaw muna niyang sabihin dahil eere raw ang commercials ng mga ito sa first quarter pa ng susunod na taon.

Nang matanong kung ano ang pakiramdam niya sa lahat ng bigating proyekto niyang parating, 'eto lang ang sagot ni Cesar:

"Everything is a blessing from God. I am truly grateful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN