Star Factor winner Eula Caballero will be one of TV5's big stars, says Kapatid network exec Perci Intalan

IMAGE 0


"Sa mga nagsasabi po na hindi ako deserving na mapasali sa Top 4, na hindi ako deserving manalo, I tell you honestly, ang una ko pong na-feel is parang nainis ako. Kasi I was trying my best talaga," admits Star Factor winner Eula Caballero.


Si Eula Caballero ang itinanghal na Star Factor Brightest Star sa grand finals ng naturang artista search ng TV5 na ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon, December 5.

Tinalo ng 15-year-old Cebuana ang tatlo pang finalists na sina Morisette Amon ng Cebu (2nd), Christian Samson ng Bulacan (3rd) at Ritz Alzul ng Pampanga (4th).

Wala pang isang oras matapos siyang manalo ay isang presscon na kaagad ang ibinigay ng TV5 kay Eula, kung saan kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga dumalo.

Kasama ni Eula sa presscon ang vice president for entertainment ng TV5 na si Perci Intalan para sumagot din sa mga katanungan ng press.

Kaagad pinasalamatan ni Eula ang press dahil sa tulong ng mga ito para maisulat siya at ang Star Factor.

"Salamat po sa inyong lahat for being here, for your interest to be with me.

"Thank you po ng marami sa inyo and alam ko po na sa darating pang panahon ay magkakatulungan tayo.

"Thank you po kasi from the very start pa lang, you taught me na how to answer na hindi ko kailangang maging ibang tao.

"Nasanay din po akong makipag-usap sa press kung saan isinusulat at pina-publish po ang mga statements ko," paunang pahayag ni Eula.

STAR MAKERS' CHOICE. During the grand finals, isang mixed acting and interpretative dance ang ginawa ni Eula.

Bakit sa tingin niya siya ang nanalo?

"Yung performance ko kasi, hindi ko lang siya pinerform lang to please the judges and the people. Ang pinaka-concern ko po dun ay ipalabas po yung totoo sa sarili ko.

"Although hindi siya verbal na kailangan kong sabihin na ganito ang nangyari. Pinalabas ko yung emotions ko kung ano yung nararamdaman ko na nandito ang Papa ko."

Para sa kaalaman ng lahat, si Eula ay pinili bilang winner matapos ang deliberation ng Star Makers o judges na kinabibilangan nina theater director and Talent5 Head Audie Gemora, TV and film director Joey Reyes, ace photographer Raymund Isaac, Maestro Ryan Cayabyab, at talent manager Annabelle Rama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang text voting na kinailangan sa pagpili ng winner.

Ine-expect ba ni Eula na siya ang mananalo?

"Basta ang iniisip ko po kasi ay gusto kong manalo. Kaya ginagawa ko lagi ang best ko," sagot niya.

Na-threaten din ba siya sa pumangalawa sa kanyang si Morisette?

"Magaling din po kasi talaga si Morissette," ani Eula.

"And sinasabi nga po ng mga kasamahan namin na ang ranking namin will be Eula, Morissette, Christian, Ritz.

"Saktung-sakto nga yung ranking nila kaya na-threaten din po ako kay Morisette the past days."

EULA'S PRIZES. Bilang grand winner, nakapag-uwi si Eula ng mga sumusunod na prizes: P1 million tax-free cash; P1 million management contract with Talent5 (TV's talent management and development division); three-bedroom, two-storey house and lot from Moldex Realty; at four-year college scholarship from AMA Education System.

Ano ang gagawin niya sa P1 million prize money niya?

"Yung una ko pong gagawin, yung napag-usapan po namin, yung iga-gather ko yung mga family ko and relatives.

"Siyempre, hindi naman kami mayayaman na mga family, iga-gather ko sila to come with me, mag-dinner lang and kumain together.

"Minsan lang ito kasi hindi ko pa po kilala ang lahat ng relatives namin sa side ng papa ko."

Natawa naman si Eula nang biruin ng press na mag-expect na siya na dadami ang relatives niya ngayong nalaman na siya ang nanalo.

Part daw ng winnings ni Eula ay mapupunta sa church nila sa probinsiya.

"Before kasi kami nag-live sa city ng Cebu, sa province kasi ako lumaki.

"May heritage church kami doon na may project ngayon para sa renovation niya.

"Kaya my mom told me na always remember about that."

Ngayon daw na may house and lot na rin siyang napanalunan ay malamang na sa Manila or nearby Manila na sila tumira ng family niya.

Gagamitin din daw niya ang scholarship na nakuha niya para ituloy ang pag-aaral niya na nahinto nga dahil sa pagsali niya sa Star Factor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO FACE INTRIGUES. Bukod sa pagiging handa na sa pagpasok nang tuluyan sa showbiz ay handa na rin daw si Eula na harapin ang mga intriga.

"Ready na po ako sa mga intriga kasi pinasok ko na po ito kaya dapat ihanda ko na rin ang sarili ko.

"With the love and support of my family, alam ko naman pong makakaya kong harapin ang anumang intriga," sabi niya.

Ano ang gusto niyang sabihin sa mga taong nagsasabi noon sa kanya na hindi siya deserving mapasama sa Final 4, lalo na ngayong nanalo pa siya?

"Sa mga nagsasabi po na hindi ako deserving na mapasali sa Top 4, na hindi ako deserving manalo, I tell you honestly, ang una ko pong na-feel is parang nainis ako. Kasi I was trying my best talaga.

"I know hindi ako kasing multi-talented ng iba. I just have a little of everything, pero I believe na kaya ko yung i-develop.

"At ginawa ko po, dinivelop ko, pinaghirapan ko. I tried to learn more para ma-enhance yung mga weaknesses ko and I'm trying to convert them into my strength.

"Kaya sa inyong lahat po na hindi naniniwala, salamat na rin po sa mga negative comments n'yo sa akin. Kasi those words pushed me to try harder para makamit ko yung pangarap ko."

COMING HOME. Hindi naman maiwasang maging emosyunal ni Eula nang dumako ang usapan tungkol sa kanyang ama na umuwi pa ng Pilipinas para masaksihan ang pagkapanalo niya.

Nagtatrabaho kasi sa Qatar ang kanyang papa. Pabalik-balik na raw ito sa abroad.

Nitong huli ngang umalis ito ay mahigit sa dalawa't kalahating taon na silang hindi nagkikita. Kaya itinuturing niya ring premyo ang pagdating ng ama.

Nasorpresa ba siya sa pagdating ng papa niya?

"I was surprised din kasi galing kami ng guesting namin sa Willing Willie the other day, and then, biglang sinabi sa akin ng mama ko na naka-taxi na yung papa ko, parating na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'No kidding, joke, joke?' Tapos ayun, dumating nga.

"I was surprised talaga. Ni konti hindi ko siya in-expect."

Mananatili na ba sa Pilipinas ang Papa niya ngayong nanalo siya?

"Gusto ko sanang sabihan siya na mag-stay na lang. Tapos i-continue na lang po yung business nila.

"Maggi-give na lang ako sa kanila para to start another business para dito na lang din po siya kasama namin."

Daddy's girl ba siya?

"More po ako sa mama ko. Pero sobrang na-miss ko lang kasi ang papa ko kaya ako napapaiyak," sabi niya.

TV5 PLANS FOR EULA. Tinanong naman ng press si Sir Perci kung ano ba ang plano ng TV5 para kay Eula? Ano ang first project ng Star Factor grand winner sa Kapatid network?

"Actually, there are few na hinahanda namin," sagot ng TV executive.

"Of course, right now, nothing is confirmed kasi we have to wait kung sino ang mananalo, di ba? Because tatlong girls at isang guy, e, kaya nakaabang kami.

"Pero we have already announced a lot of soaps coming, a lot of series. We have also announced a lot of comedy shows.

"And then, even before Star Factor ended, nagplano na kami ng show kung saan not just Eula, the winner, but also most of the Star Factor hopefuls will be part of para doon namin ma-showcase yung talent nila.

"Actually, by next week, iko-confirm na namin yung isang project para makapagsimula na."

Hindi ba magkakaroon ng solo project si Eula na siya mismo ang bida?

"We are eyeing for that," sagot ni Sir Perci.

"Definitely, merong level of prestige, Eula being the first Star Factor champion. Hindi naman puwedeng nasa likod lang siya basta-basta.

"Dapat yung project namin, kaya we're choosing carefully, dapat lalabas, lalo na yung acting prowess niya."

Inamin ni Sir Perci na sa auditions pa lang ay kinakitaan na niya ng malaking potensiyal si Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, when Eula auditioned pa lang sa Cebu, during the screening, ako yung nakaupo.

"So, nung pumasok pa lang siya nung first elimination, naalala ko na siya.

"But I mean, she's not the only one. Of course, nakita ko rin si Morisette, nakita ko rin the others.

"But even then, I know that this girl has something.

"Ang maganda pa, as the days progress nung auditions pa lang, talagang umiyak na siya, e. May dramatic moment na.

"E, ang parang hinahanap namin nun, kailangan natin ng dramatic actress na bata.

"So, parang sinagot yung paghahanap namin nung makita namin si Eula."

Ano ang expectations nila kay Eula?

"Ang expectation namin is that she grows with the network.

"Because after Star Factor, kumbaga, the challenges will keep on coming for her.

"And pinag-usapan na namin ni Direk Audie yun bilang maghahawak nga kay Eula.

"Ako, naniniwala ako na she will be a one of TV5's big stars in the future," sabi ni Perci Intalan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN