Jessy Mendiola on her launching soap, Sabel: "Para akong lumulutang!"

IMAGE 0


"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko," says Jessy Mendiola.


Isang young actress na naman ang ilulunsad ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang soap opera.

Ito ay si Jessy Mendiola na tampok sa bagong early primetime series na Sabel, na magsisimula na ngayong gabi, December 6, sa Primetime Bida.

Ayon kay Jessy, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ng launching project ng Kapamilya network.

"Para akong lumulutang!" bulalas ng 18-year-old actress sa presscon ng Sabel noong Huwebes, December 2.

LAUNCHING PROJECT. Hindi na maituturing na baguhan si Jessy sa larangan ng TV dahil marami na siyang nagawang proyekto sa ABS-CBN. Pero karamihan dito ay puro bit roles o supporting roles lang.

Ang ilan sa mga nilabasan niyang mga pograma ay ang mga sumusunod: Abt Ur Luv Ur Lyf 2, Natutulog Ba ang Diyos?, Volta, Astigs, Boystown, George and Cecil, Katorse, at May Bukas Pa.

Pero ang masasabing unang proyekto na nagpakilala sa kanya sa publiko ay ang teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo, kung saan gumanap siya bilang leading lady ni Coco Martin.

Ayon kay Jessy, "Last projects ko, support lang ako. Tapos, biglang lead na, parang yun na yun. Wow! Sobrang laki ng pasasalamat ko sa ABS.

"I didn't come from a famous family or reality show, pero I was surprised lang na someone like me would be given the chance for a lead role sa isang teleserye. So, sobrang laki ng pasasalamat ko.

"Sobrang nervous lang ako na sana magustuhan siya ng mga tao."

Para kay Jessy, isa itong malaking hamon para ipakita niya ang kanyang kakayahan.

"Kakayanin," sambit niya.

"Minsan lang kasi dumating ang ganitong opportunity kaya nga sobra-sobra ang pasasalamat ko na sa dinami-dami ng mga artista, ako ang napili na gampanan ang role na Sabel."


READY FOR CONTROVERSIES. Ngayong ilu-launch na siya ng ABS-CBN into full stardom, handa na ba si Jessy sa mga kontrobersiya na maaaring ipukol sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga controversies na akong pinagdadaanan, like, 'Ngayon ko lang nakita ang boobs niya. Nagpalaki ba 'yan?'

"Ako, magpapalaki? Hindi ko naman kaya yun! Minsan push-up lang ang katapat niyan.

"Yung mga controversies na ganyan, hindi maiiwasan 'yan, kasi showbiz nga tayo.

"And yung pagko-compare sa akin sa ibang mga leading ladies, sa mga shows nila, iba-iba ang kaya naming ibigay.

"Iba-iba kami ng beauty, iba-iba kami ng ugali.

"So, I don't think na wala akong laban sa kanila."

SABEL VS. NENE. Speaking of comparison, last year, 2009, ay inilunsad ng ABS-CBN si Erich Gonzales sa early primetime series na Katorse.

Ito ang nagsilbing tulay kay Erich para makilala at tanghalin bilang isa sa mga sought-after young actresses sa Pilipinas.

Ngayon, si Jessy naman ang ilu-launch ng ABS-CBN sa early primetime soap na Sabel. Makakatambal niya rito ang mga baguhang sina AJ Perez at Joseph Marco.

Hinuhulaan din ng marami na ang Sabel ang magsisilbing pasaporte ni Jessy into full stardom.

Ano ang masasabi ni Jessy tungkol sa posibilidad na maikumpara siya kay Erich at kung ano sa palagay niya ang lamang niya rito?

"Siguro, hihigitan in a different way, kasi magkaiba naman kami," sagot niya.

"Mayroon siyang strength and weaknesses. And ako din naman, mayroon din ako. So, hindi ko iniisip na i-compare siya sa akin.

"Kasi kung may kakumpitensiya man ako, ito yung sarili ko. Kumbaga, competition ito sa sarili ko.

"Si Erich, I look at her na mas nauna sa akin. Nirerespeto ko ang proyekto niyang Katorse at lahat ng mga projects niya.

"Siyempre, kinakabahan ako kasi hindi maiiwasan na yung Sabel mai-compare sa Katorse. Kasi same timeslot at medyo sexy ang tema.

"But sa trailer pa lang, magkaibang-magkaiba na siya"

Ano nga ba ang pagkakakiba ng Sabel sa Katorse?

"Sa Sabel, hindi siya daring, sa teaser lang siya sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa acting kami nagpo-focus, hindi sa cleavage o pagpapakita ng skin. Kasi Sabel is a very senstitive woman, inosente siya.

"Si Sabel, kumpara kay Nene [Erich's character in Katorse], hindi siya nagmamadali.

"Kunwari liligawan siya ng lalaki, natatakot siya, so lalayuan niya.

"Si Nene kasi, she wants to be with a guy, parang nagmamadali siyang magka-love life, si Sabel mas focused siya sa paghahanap ng tatay niya," paliwanag niya.

COCO MARTIN. Sinabi rin ni Jessy na gusto niya uling makapareha si Coco Martin kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

"I'd love to work with Coco again kasi ang turing ko sa kanya is my mentor, he taught me a lot of things.

"So, I'm not closing my doors sa mga dati kong naging mga naging leading men, like Lance [Christopher] or Enchong [Dee].

"Kahit sino ang ibigay sa akin, okay lang, basta patuloy lang yung mga projects."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN