Frencheska Farr gets ready to launch debut album; comments on the controversy surrounding her music video

IMAGE 0


Kapuso singer Frencheska Farr will officially launch her 10-track debut disc, Inside My Heart, this Sunday, December 12 at Party Pilipinas

.


Malaki ang tiwala ng GMA Records sa singer na si Frencheska Farr kaya naman isang taon matapos niyang manalo sa singing contest na Are You The Next Big Star? ay binigyan na siya ng kanyang sariling album.

Kanina, December 8, sa press launch na ginanap sa Hard Rock Café sa Makati City ay pinangunahan pa mismo ni GMA Artist Center head Ida Henares ang mga bisita sa pag-congratulate kay Frencheska sa bago nitong achievement.

Hindi naman napahiya ang record label dahil ipinarinig ng Kapuso singer ang kanyang magandang tinig sa pamamagitan ng mga kantang nakapaloob sa kanyang debut album: "Everytime," "Suddenly It's Magic," "Sa Pangarap Ko," "Inside My Heart," at ang carrier single na "Today I'll See The Sun."

The album will be officially launched this coming Sunday, December 12, sa Party Pilipinas.

Mixed emotions daw ang nararamdaman ngayon ni Frencheska: "Pressured, kinakabahan, masaya, excited—all in one na kumbaga. Una po, pressure sa akin dahil kailangan kong ma-surpass 'yong expectations ng marami.

"Pero mas nangingibabaw po 'yong excitement and 'yong saya, and 'yong pagiging thankful sa mga taong tumutulong sa akin.

"At siyempre kay Lord dahil alam ko naman po na in-appoint Niya lang itong mga taong 'to para tumulong sa akin.

"At very thankful po ako dun dahil 'yong mga taong binigay po Niya sa akin ay very supportive at gusto po nilang tumulong.

"Nararamdaman ko po 'yon sa GMA Network kaya talagang maraming salamat po."

BASED ON EXPERIENCE. Halos lahat daw ng tracks na kasama sa album niya ay paborito ni Frencheska.

Some of the songs included in her debut album titled Inside My Heart, include a remake of "Ang Pag-ibig Kong Ito," Vehnee Saturno's "Isama Mo Ako," U2's "I Still Haven't Found What I'm Looking For," Rebel Magdangasan's "Everytime," and a cover of Donna Cruz's "Hulog ng Langit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mostly love songs ang mga awitin na kabilang sa album at marami ang nakapansin na damang-dama ni Frencheska ang pag-awit kanina habang nasa stage.

"Actually, wala po," nakangiting sagot ng 17-year-old singer nang tanungin kung meron ba siyang inspirasyon sa kasalukuyan.

"'Yong mga pinaghuhugutan ko po is based from my experiences, and ano ba? Siguro kasi naisip ko na 'yong 'Suddenly It's Magic,' parang bigla na lang pong dumating sa career ko 'yong ganito.

"Parang newcomer ako, tapos ako po 'yong nabibigyan ng ganitong break. Tapos nakikita ko po na binibigyan po talaga ako ng importansiya, napi-feel ko po na 'yong mga tao sa paligid ko po, they're working very hard for this album."

Bagamat walang boyfriend ay inamin naman niya na meron siyang mga crush sa showbiz, katulad nina Jake Cuenca, Gerald Anderson, at Richard Gutierrez.

Dahil nabanggit na rin ay tinanong si Frencheska kung may katotohanan ang lumabas na isyu na nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ni Bianca King at ang ina ni Richard na si Annabelle Rama.

Si Bianca kasi ang nagdirek ng music video ni Frencheska na "Today I'll See The Sun."

Diumano, hindi raw naipaalam nang maayos kay Annabelle na kabilang pala si Richard sa music video. Si Annabelle din kasi ang tumatayong manager ni Richard pagdating sa kanyang showbiz projects.

"Actually, naging aware na lang po ako kasi tinatanong na po ako ng mga tao. So, after po nung music video, parang lahat po sila, 'Uy, totoo ba? May nangyari ba talagang ganun?'

"Ako naman po, personally, wala po akong narinig talaga na alitan or nag-confront po si Tita Annabelle kay Ate Bianca.

"Wala po akong nakita talaga, so hindi ko rin po masabi.

"Pero I think nagkaroon lang po sila ng konting misunderstanding, pero naayos din naman po yata agad."

Unang mapapanood ang music video ng "Today I'll See The Sun" sa Party Pilipinas sa December 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A BUSY 2011. Next year ay magiging very visible si Frencheska dahil plano ng GMA Records na magkaroon ng mall shows para makatulong sa promo ng kanyang album.

May mga acting projects na rin na inihahanda para sa singer bagamat ayaw muna niyang magbigay ng confirmation dahil hindi pa naman daw sigurado ang mga ito.

Hindi naman iba kay Frencheska ang pag-arte sa harap ng kamera dahil last May lang ay napanood siya sa Filipino musical film na Emir, na sa kasalukuyan ay lumalaban sa isang film festival sa Egypt.

"Ngayon po, nasa Cairo sila Direk [Chito Roño], e. Actually, dapat nga sasama po ako, kaya lang maglu-launch nga po ng album e, sayang!

"Sana nga po, sabi ko sa kanya, pag-uwi niya sana may uwi siyang award," nakangiting sabi ni Frenchenska, na nanalo bilang Most Promising Female Singer sa 41st Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Entertainment Awards noong Hunyo ng taong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN