Kris Aquino only wants to be No. 3 at the MMFF box-office; does not expect to win Best Actress

IMAGE 0


"It's not worth it for me to have a trophy and my brother's credibility will be put on the line," says Kris Aquino.


Parehong naging blockbuster ang dalawang horror films ni Kris Aquino—Feng Shui noong 2004 at Sukob noong 2006—dahilan para bansagan siyang "Horror Queen."

Sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 ay mapapanood muli si Kris sa horror movie na Dalaw, mula sa direksiyon ng baguhang direktor na si Dondon Santos (Noy).

Sa presscon ng pelikula kagabi, December 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, sinabi ni Kris na "box-office viability" ang dahilan kung bakit horror ang napili niyang genre para sa entry niya ngayong MMFF.

"Let's be honest naman talaga kasi. Parang siguro kung ang comedy ay pagmamay-ari ni Ai-Ai [delas Alas], ang horror, pagmamay-ari ko," simula ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

"We wanted a project for the festival na... May magandang script na kasi silang nabuo.

"And when they presented it to me, late July, nasa Amerika pa ko noon, hindi pa ako nakakabalik. Sinabi ko, 'Okay, let's go for it!'

"And this is the first time I'm co-producing.

"Hindi po ako tumanggap ng single centavo at naglabas pa ako ng pera kaya ganoon kalaki ang nerbiyos at kaba.

"Kasi, namuhunan kaming dalawa ni Deo [Endrinal], together with the MGM and Star Cinema to make this movie possible."

Si Deo ang business unit head ng ABS-CBN at tumatayo ring isa sa mga manager ni Kris.

NOT EXPECTING TO WIN. Ayon kay Kris, ibinigay na niya ang lahat-lahat dito sa Dalaw.

"Ibinigay ko talaga ang lahat sa movie!" sambit niya.

"The climax, the finale has to be tuluy-tuloy para pati ang emosyon, pag-ilaw at paggawa, buong-buo ang atake.

"Ngayon, na-experience ko talaga what it's like... They wanted to see the fear, frustration, at anger nung character kaya sinagad nila talaga ako.

"Ibinigay ko naman dahil, sabi ko nga, nag-invest na ako this much, alangan naman na dito pa ako kakambiyo? So, go!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil "ibinigay" na niya ang lahat sa pelikula, nag-e-expect ba si Kris na manalong Best Actress?

"No, I don't expect to win," sagot niya.

"Because I already know, if I'll win, walang tigil na mga batikos na naman ang aabutin ng pamilya namin.

"Let's be honest. Alam naman natin na ang MMDA, the Chairman was appointed by my brother.

"Ayokong mabigyan ng kulay, although, I know, I did it my very best.

"I know na ibinigay ko lahat ng makakaya ko and I did a very credible performance.

"Because even jaded people na nagbabantay sa lahat ng mga pelikula, like si Tita Lucy na dating supervisor, or yung mga in-charge sa Star Cinema, they all said nag-level up from the previous two movies.

"But, I have no expectation. I just want to make money."

Naaapektuhan pa ba siya sa mga ganoong intriga?

"Kasi, ang kapatid ko ang maaapektuhan.

"So, it's not fair to him and it's not worth it.

"It's not worth it for me to have a trophy and my brother's credibility will be put on the line," saad ng actress-TV host.

Bagamat siya ang "Horror Queen," hindi rin umaasa si Kris na ang Dalaw ang mangunguna sa box-office ngayong MMFF. Ang target nga lang daw niya ang mag-No. 3 ang pelikula niya sa takilya.

"That's honest," sambit niya.

"I'm realistic enough to know na most likely si Bong at Vic ang magna-number one. Ai-Ai has a track record for Tanging Ina."

Sina Senator Bong Revilla at Vic Sotto ang bida sa fantasy-adventure movie na Si Agimat at Si Enteng Kabisote, samantalang si Ai-Ai delas Alas naman ay nagbabalik sa third and last installment ng comedy film na Ang Tanging Ina Mo Rin.

Ang ipinagdarasal lang daw ni Kris ay kumita ng "more than 100 million" ang pelikula niya.

May ideya naman si Kris kung bakit siya ang tinaguriang "Horror Queen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nagda-dub ako, sinabi nila na wala raw makatili at maka-sustain na kagaya ko.

"So, I think, that's why I'm the Queen—it's the scream. Nobody else raw can duplicate that scream.

"And that scream has brought more than 350 million pesos to Star Cinema, and I'm really praying with the two movies, maging 500 million."

CO-STARS. Bilang isa sa mga producer ng Dalaw, may say ba siya sa mga artistang makakasama sa cast?

"I only asked for Tita Gina [Pareño], that was my specific request," sagot ni Kris.

"Noong binasa ko yung script, I asked for the role of Olga to be lengthened and to be given the line of 'dalaw' because I wanted to work with Tita Gina.

"I feel that she brings out the best in me. Mahal siya but she's worth every centavo."

Ang bata namang gumaganap na anak niya sa movie ay si Maliksi Morales—ang nakababatang kapatid ni Makisig Morales.

Ayon kay Kris, "Yun, actually, ang totoo, nag-audition kami ng mga batang babae.

"Kasi nga, si Bimby [bunsong anak ni Kris], hangga't maaari, girl ang magiging anak [sa pelikula] para walang selos ang anak ko.

"Unfortunately, hindi nakapasa kay Direk Olive Lamasan.

"And so, binigyan ni Deo ng maraming Ben 10 na toys si Bimby para pumayag na si Maliksi na.

"Tapos naging friends na sila, so, okay na.

"Maliksi is 8 years old."

KRIS'S LEADING MAN. Ang leading man ni Kris dito sa Dalaw ay si Diether Ocampo.

Sa press conference kagabi ay naikuwento ni Kris ang naging usapan nila tungkol sa gustong maging partner sa buhay ng aktor.

"Gusto niya, shared vision and shared ethical principle.

"Meron siyang goal na kailangan daw, pareho silang gustong mag-give back sa community.

"He wants fidelity and a shared goal, a shared vision, and a desire to give back to the community, and the promise of fidelity and support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Dyusko Diet, ang dami mong sinabi! Ang gusto ko lang manood ng sine once a week and kumain sa labas every other week!'

"He's in Australia right now.

"Maganda ang working relationship namin to the point na pati ang mga anak ko, naging kumportable sa kanya.

"Kasi, noong pinanood namin ang movie ng limang beses, siyempre, mag-asawa kayo, naghalikan kayo.

"And then, I asked Bimby, sabi ko, 'Bimby, are you mad that Mama kissed Tito Diet?'

"'No, Mama, kasi it's only taping.'"

"Tapos sabi ni Josh, 'Basta Mama, nothing real life.'

Dagdag ni Kris tungkol kay Diet, "I feel that we have an excellent screen chemistry.

"His look and my looks compliment with each other and I also feel he did a great performance.

"Na-renew ang friendship namin. We're close now but, I think, he knows me too well to have a relationship with me."

SIMILARITIES OF HER HORROR FILMS. Nang tanungin kung ano kaibahan ng Dalaw sa mga nauna niyang horror films, mas nag-focus si Kris sa similarities nito.

"Similar in the sense kasi, I think, what made Feng Shui such a big hit was because it was the first of its kind. That was the time na parang ina-usher in natin ang horror genre in the Asian scene.

"Tapos ang Sukob, I think, it became a big hit because it tackled something very Pinoy.

"Yung kinakatakutan natin talaga na ikasal ang dalawa sa isang taon, and yung mga pangalawang pamilya na natatago at kapag lumitaw, there are consequences to be paid.

"Pangatlo, dito sa Dalaw, it's a story really of acceptance.

"Siguro, because I have that point of my life na tanggap ko kung sino ako. Tanggap ko kung ano ang mga pagkakamali ko.

"And siguro, at this point, pinagbabayaran ko rin ang iba kong mga pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung character ni Estela, ganoon din. Marami siyang pinagdaanan sa buhay.

"Akala niya, this is it, akala niya ito na ang happy ending. Yun pala, merong mga circumstances beyond her control.

"Na lahat ng minahal niya, at lahat ng naging malapit sa buhay niya, yung 'dalaw,' gustong agawin sa kanya."

"VISIT" FROM HER LATE MOM. Base sa titulo ng kanyang pelikula, sinabi ni Kris na pakiramdam niya ay dinalaw na siya ng kanyang namayapang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Kuwento niya, "Madalas kong mapanaginipan. Yung isa was a very happy occasion talaga.

"Kasi, isa sa pinangako ko kay Mom, ise-secure ko ang future ng dalawa [kong anak]—most especially si Josh. Kasi Josh really needs special care for the rest of his life.

"So, Mom was always telling me, ang artista, hindi raw dapat na nagnenegosyo. Kasi, hindi mo mababantayan yung negosyo.

"Pero kung maging... Like Tita Susan [Roces]—she was always like mom's example—maraming rental property.

"Mabubuhay ka kahit hindi ka na sikat. Kahit hindi ka na active.

"So, na-dream ko ang mom ko, telling me that she's moving in with us dahil nabili ko raw yung katabi naming unit.

"And then, it so happened that day, night effect ang call ko. So, nagluluto ako ng babaunin ko.

"Kasi, ayokong maging pabigat, gusto ko yung food na galing sa bahay. Minsan, ako yung nagluluto at nagluluto ako ng adobo.

"And then, I told our cook, 'Di ba, foreigner yung nakatira diyan sa tabi? Tanungin mo nga kung kailan sila magmu-move out?'

"And then, totoo talaga, their lease was up, December 31. So, sa January 1, the unit beside ours is available."

Dagdag ni Kris, "That was also the point na nagkaroon na kami ng amicable property settlement ni James.

"So, sa biyaya ng Diyos, while doing this movie, I did six commercials. So, nabili namin ang unit besides us right after I dreamt of my mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I feel it was my mom's way of saying na... Kasi, yung unit that we have now will go to Josh and the other unit will go to Bimby.

"So, dapat ang tinatrabaho ko na lang sana, makadalawa or tatlo pa within the next two years.

"Kahit hindi ko na pinapatay ang sarili ko sa trabaho, okay na ang mga anak ko.

"So, yun ang parang kalabit ni Mom."

Pero ayon kay Kris, twice pa lang niya napapanaginipan ang kanyang ina.

"The first one was before the election at pangalawa nga yung tungkol sa unit," banggit niya.

But unlike her mom, ang daddy raw niya na si former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Sr. ay never niyang napanaginipan.

"No, I think kasi, I was really so young at iba talaga ang relationship namin ng mommy ko," sabi ni Kris.

Si Ninoy ay pinaslang noong August 21, 1983 sa dating Manila International Airport. Twelve years old pa lang noon si Kris.

FIRST PREMIERE NIGHT WITHOUT CORY. "At aminado naman ako," patuloy ng actress-TV host, " I'm really a Mama's girl.

"So, I mean, any moment na kailangan... Alam nila yun, and it's emotional torture, you shouldn't do that, yung 'Dance With My Father,' it's a breakdown moment, mabilis talaga.

"Yung sa mommy ko, ano talaga... Actually, kaya yung sisters ko, ganoon na lang ang support na ibinibigay sa akin.

"Lahat nag-adjust ng schedule just to be there on the premiere night [of Dalaw]. Lahat sila, pinagsabihan si Noy, 'Noy naman, you better be there for her.'

"Kasi, Mom felt before, kapag hindi nakapanood ang Mom ng premiere night, hindi kumikita ang movie.

"So, they are saying, 'This is the first premiere na wala ang Mom, so you better make sure it does well.'"

Para sigurado nga raw na makapunta si PNoy ay in-adjust nila ang oras ng premiere ng Dalaw sa December 19 sa TriNoMa Mall. Instead na sa gabi ay ginawa nila itong 5 p.m. para makahabol ang Pangulo sa 8 p.m. appointment niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In real life, what scares her?

"Losing my Ate," pagtukoy ni Kris sa kanyang eldest sister na si Ballsy Cruz.

"Siguro yun. Kasi, sa family namin, parang siya yung poste.

"This is Ballsy. She's like our second mom.

"She's 16 years older than me.

"So, I was asking my sister to sign some papers kasi. Ang tawag do'n trust executor, for my son, in case something should happen to me.

"And then, my Ate pointed out to me, it should be her oldest son.

"Sabi niya, 'Krissy naman, I'm so much older than you. For sure, I'll go ahead with you.'

"So, parang doon ako natakot na, parang feeling ko, if we lose our ate... And I think, all of us, si Pinky, si Viel, si Noy, will say the same thing—it would be as bad as losing our mom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN