Joseph Marco jumps from Kapuso to Kapamilya

IMAGE 0


"Eventually, I want to finish my studies. Right now, I'm just grabbing the opportunity. Ang hirap naman, nandiyan na yung opportunity tapos sasabayan ko pa ng studies. When everything is okay na, that's the time I want to go back to school again. I want to take culinary arts," says Joseph Marco about his career.


Ipinapakilala si Joseph Marco sa kanyang first starring role via the television drama Sabel, na nagsimula kahapon, December 6, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Jospeh was a former contract star of GMA Artist Center. Ipinakilala siya noong September 2007 as one of the new discoveries of the Kapuso network.

Ang isa sa project ni Marco noon sa GMA-7 ay ang horror-drama series na La Vendetta.

Nineteen years old lang si Joseph nang una siyang sumabak sa acting sa TV.

Pero ang itinuturing na biggest break ni Joseph ay ang shampoo commercial niya kasama si Angel Locsin.

He was only 17 then at kagaga-graduate lang ng high school sa Faith Christian School sa Cainta, Rizal.

From his first commercial, Joseph went on to busy himself with modeling.

"Nagsunud-sunod na... Yung iba, sa magazine spreads," banggit ni Marco nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sabel last Thursday, December 2. (CLICK HERE to read more about this TV show)

GROWING UP IN "LA." Hiwalay na ang parents ni Joseph. Nag-asawa muli ang kanyang ina, who's a housewife. Pangatlo siya sa limang magkakapatid sa side ng kanyang ina.

Ang kanya namang stepfather ay isang businessman involved in electronics.

Joseph traces his foreign roots to his paternal grandmother who has a mix of Spanish-German-Filipino lineage.

"Actually, LA or Lower Antipolo!" pagbibiro niya kung saan siya lumaki at naninirahan.

"Doon talaga ako lumaki."

Before joining showbiz, Joseph was setting his sights on becoming a basketball player.

"I used to be a basketball player. I love playing basketball.

"Parang I wanted to try out in basketball teams sa mga colleges," sabi ni Joseph, who stands almost 6-feet tall.

"Actually, kahit saang university, dahil sa sobra kong hilig mag-basketball.

"Kung sino ang tumanggap na college sa akin, maglalaro talaga ako," sabi ng young actor, who plays the guard position.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But modeling proved to be the most fruitful path for him.

He has also proven himself on the ramp by modeling some of the top clothing brands of the country.

"Doon ko naranasan na may konting topless din for summer wear.

"Pero hanggang top lang ako. I don't do bikinis or like that."

Dagdag pa niya, "Sa fashion show kasi, mas prestige siya.

"Feeling ko talaga, na model talaga ako.

"Pero after a while, I didn't feel I would go anywhere else pa.

TURNING SERIOUS. Naisipan daw niyang seryosohin ang showbiz last year.

He's under the co-management of Star Magic and Keren Pascual, Enchong Dee's manager.

"I'm so lucky to be a talent under him," sabi ni Joseph about his co-manager.

"Parati niya akong gina-guide. Iba kasi na may nag-guide sa iyo.

"Sobrang thankful ako at napunta ako kay Tito Keren."

And now, Joseph has the biggest break where he is introduced as one of Jessy Mendiola's leading men in Sabel.

And he's turning his back on modeling for the meantime.

"I wanna grow now as an actor. Nagiging passion ko na ang acting," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN