Bong Quintana dismisses issues surrounding his appointment as AVP for entertainment in Pagcor

IMAGE 0


Bong Quintana, the current assistant vice-president of Pagcor for entertainment, says they are cooking up a lot of projects for 2011. He stressed that they will tap OPM, and promote Philippine arts and culture.


Last November, lumabas ang reports na si Bong Quintana—ang longtime partner ng TV host at talent manager na si Boy Abunda—ay nagtatrabaho na bilang assistant vice president for entertainment sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) mula pa noong July 2010.

Nagkaroon tuloy ng isyu na ang kanyang appointment ay bunga ng pagiging malapit ni Boy sa pamilya Aquino, partikular na sa bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino na si Kris.

Bukod pa rito ang posibleng conflict of interest dahil siya ang tumatayong vice president at special events manager ng Backroom Inc., ang talent management na pagmamay-ari ni Boy.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Bong noong Miyerkules, Disyembre 8, sa paglulunsad ng "Pamaskong Handog ng PAGCOR" sa Parañaque City.

"Nangangapa pa rin. Pero kung ang intensiyon mo ay totoo, tunay at taos, you have nothing to worry," ang naging tugon ni Bong nang kumustahin ang kanyang trabaho sa Pagcor.

Ayon pa kay Bong, may kapasidad siya at karapat-dapat siya sa nasabing posisyon.

"May konting puhunan naman tayo in terms of knowledge, because we are in the business.

"Dito sa Pagcor, I started with Wonders back in...two or three years ago, and then I got AVP for Entertainment," kuwento niya.

Bago pa man umupo si PNoy sa Malacañang ay parte na si Bong ng Pagcor bilang stage director sa mga stage show na Wonder at Flow.

KEEPING IT A SECRET. Nilinaw rin ni Bong na hindi niya intensiyon na itago sa publiko ang kanyang appointment.

"No, why should I? Na alam ko na? E, di pagsisigawan ko. But then again, we have to go through the process. You have to divest first, kasi you'll be accused of conflict of interest. But I'm okay now," aniya.

Ang tinutukoy ni Bong ay ang pag-alis niya bilang vice president ng Backroom, bago niya tanggapin ang nasabing posisiyon sa Pagcor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang mga katrabaho niya sa Pagcor?

"The people I worked with in my department are not new to me. Like I said, I've been with Pagcor since about two or three years ago at Wonders. So, meron na kaming initial relationship. So when I got in, hindi na nangangapa, hindi na naiilang. As a director, they talk to me, and then I give directives to the production, the crew and the staff," saad niya.

CONFLICT OF INTEREST.Isa pa sa mga isyu na ibinabato sa appointment ni Bong ay ang posibleng paggamit at pagprayoridad niya ng artists mula sa Backroom, ang talent agency na pinanggalingan niya.

"Ginagamit ko ang Pagcor to benefit my artists, that's not true," paglilinaw ni Bong.

Dagdag pa niya, "Lugi pa nga po mga artista, e. Pero ganyan talaga ang buhay.

"Pero like I've said, I'm done with that emotions, wala na."

Biro ng press, hindi ba sila maghihiwalay ni Boy dahil sa pag-alis niya sa Backroom?

"Hindi kami maghihiwalay ni Boy," ang paninigurado ni Bong

"As a matter of fact, sumusuporta naman siya. 'Pag sinabi mong, 'Boy, bigyan mo naman ako ng konsepto.' Ayan! Pag may mga pagkakataon, nagkakakwentuhan naman kami."

WHAT TO EXPECT. Ano ba ang aabangan ng mga tao sa mula Pagcor sa 2011?

"A lot!" bulalas niya.

"Pati kami nalulula. Kasi, we are in the process of restructuring our body, the entertainment department. Sa ngayon kasi, medyo kulang sa manpower.

"But we proposed to the management for an expanded organizational structure for the plans and programs for next year.

"Meron isang magandang balita na tie-up, pero hindi ko pa puwedeng i-reveal," aniya.

Ilan sa kanyang mga nabanggit na mga proyekto ay ang nationwide search, national dance contest, cheer dance competition, at bikini open.

"A variety," sabi nga niya.

"Bukas kami sa lahat ng ilalatag sa amin, mga proposals."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon ba ng mga tie-up with the TV networks para sa mga proyektong ito?

"Welcome ang lahat ng K, why not?" tawa ni Bong.

"Kapamilya, Kapatid, Kapuso, ka- welcome ka sa Pagcor!"

Ngunit, isa sa mga idiniin ni Bong ay ang magiging kampanya niya para sa promotion ng OPM.

"Klaro kami sa direksiyon ng entertainment ng Pagcor, which is to promote Philippine arts and culture.

"We gear towards OPM. Mga folk dancers, mga ganun. May fashion night na, thematic pa," sabi ni Bong.

Kahapon, Disyembre 9, ay nagsimula ang "Pamaskong Handog ng PAGCOR."

Sa proyektong ito, na inspired sa "12 days of Christmas," mamimigay ang Pagcor ng mga regalo sa 24 institutions sa loob ng 12 days bago ang Pasko.

"It will touch the lives of 6,000 beneficiaries from 24 institutions for 12 days," nakangiting pahayag ni Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN