Bembol Roco and Tirso Cruz III portray gays in respective TV shows; Bembol enjoys unusual challenge, Tirso feels new respect for gays

IMAGE 0


Veteran actors Tirso Cruz III (left) and Bembol Roco (right) put on wigs and heavy makeup for their roles in separate TV projects—Tirso as a drag queen in I ♥ You Pare and Bembol as a "muherista" in Beauty Queen

.


Dalawang veteran actors ang sumubok na gumawa ng kakaibang role sa TV at walang dudang makakapagsimula sila ng bagong trend in acting for actors of a certain age—sina Bembol Roco at Tirso Cruz III.

Si Bembol ay nakakatanggap ng maraming papuri sa kanyang gay role bilang si Anya, ang "tiyahin" ni Iza Calzado sa primetime drama series ng GMA-7 na Beauty Queen.

Si Tirso naman ay mapapanood bilang drag queen na si Sarsi sa upcoming series ng Kapuso network na I You Pare.

Parehong tinanggap agad ng dalawang award-winning actors ang kanilang gay roles. Pagkakataon daw kasi nilang gumanap sa kakaibang role na malayo sa roles na madalas na ibigay sa kanila, mapa-TV man or telebisyon.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Bembol at Tirso sa magkahiwalay na pagkakataon.

BEMBOL ROCO. Nakilala si Bembol Roco—Rafael Roco Jr. in real life—bilang isang "Lino Brocka baby," na ang ibig sabihin ay hinubog ng yumaong direktor na isa sa itinuturing na pinakamahusay na direktor sa Pilipinas.

Unang nakilala si Bembol sa classic role niya bilang si Julio Madiaga sa pelikulang Maynila Sa Kuko ng Liwanag. Dahil sa pagganap niya rito, napanalunan niya ang kanyang kauna-unahang Best Actor award sa FAMAS noong 1975.

Ilan pa sa mga critically-acclaimed films ni Bembol ay ang mga sumusunod:

Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak; Sakada; Boy Kojak; Tatlong Taong Walang Diyos; Hubad na Bayani; Itim; Sa Piling ng Mga Sugapa; Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo at Tatlo, Dalawa, Isa.

Nariyan din ang Merika; Boy Pana; Pinay: American Style; Minsan May Isang Ina; Babangon Ako't Dudurugin Kita; Gumapang Ka sa Lusak; at Wating.

Kuwento ni Bembol sa PEP, madalas siyang kunin sa pelikula at TV bilang kontrabida dahil na rin sa kanyang signature bald head.

Pero gusto naman niyang makagawa ng ibang role na malayo sa pagkakakilala sa kanya ng maraming baguhang artista ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos lahat naman ng role na ibigay sa akin, bad guy ako," panimula ni Bembol sa panayam namin sa kanya sa set ng Beauty Queen sa Rosario, Batangas.

"I did roles for GMA-7 like Tinik sa Dibdib, Asian Treasures, Ang Iibigin ay Ikaw.

"Sa ABS-CBN naman, I did Maging Sino Ka Man, Sa Piling Mo, Pangarap na Bituin, Komiks.

"One show or the other, parating kontrabida ang role ko."

THE CHALLENGE AS ANYA. Patuloy niya, "Kaya noong i-offer sa akin ni Direk Joel Lamangan ang role na Anya, na isang muherista nga, nagkaroon ako ng interes and it would be something different.

"Kasi never akong gumanap na gay even in the movies. Kaya I took it as a challenge.

"In-explain nila sa akin ang magiging hitsura ko. Naka-wig ako, naka-makeup, mga suot ko ay blouse ng babae, pati sapatos ko pambabae.

"Kaya binigyan ako ng time to prepare for the role of Anya.

"Medyo nahirapan ako noong una kasi dapat may pinanggagayahan kang character, e. Parang inspiration mo lang.

"E, very observant ako. Yung mga gays na nakakatrabaho ko every day sa set, nakukunan ko ng mga kilos at salita.

"Siyempre, si Direk Joel, isa siya sa mga naging modelo ko for Anya."

EFFORTLESS ACTING. Marami naman ang natutuwa sa pagganap ni Bembol bilang Anya sa Beauty Queen dahil effortless daw ang performance niya. Aakalain mo ngang bading talaga ang beteranong aktor.

"E, anufangaba?" natatawang sabi ni Bembol.

"Kapag nag-action na kasi si Direk Joel, doon ko na tine-turn on ang character ko na Anya.

"Hindi na ako si Bembol Roco sa set kundi si Anya na ako.

"Kapag nag-cut naman na si Direk Joel, nawawala naman ang pagiging Anya ko at balik sa normal.

"Pero minsan, masarap makipaglaro sa maraming tao.

"Tulad noong mag-taping kami sa Subic, gusto kong mamasyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang lumabas ako at naka-outfit ako na Anya!

"Tumitingin-tingin ako sa mga tindahan at pinagtitinginan ako ng mga tao.

"Nakakatuwa kasi parang nakikilala nila ako, pero takot silang magtanong o lumapit sa akin.

"Hanggang sa may isang lumapit at tinanong kung ako ba si Bembol Roco. Ang sinagot ko, 'Ako si Anya!'

"Nagtawanan lahat ng tao sa paligid kasi nanonood pala sila ng Beauty Queen."

ROCO TWINS. Ano naman ang reaction ng kambal na anak niyang sina Felix at Dominic Roco sa bago niyang role sa TV?

"Siyempre, shocked sila!" tawa ulit ni Bembol.

"Hindi sila makapaniwala na tatanggap ako ng ganitong klaseng role.

"Kasi nga, nakilala na nila ako bilang kontrabida sa pelikula at TV.

"Kaya medyo naguluhan sila sa akin ngayon.

"Kasi minsan, kapag nag-uusap kami, nagagamit ko ang mga gay lingo sa script ko sa Beauty Queen.

"Napapatanga sila sa akin kasi first time nila akong naririnig magsalita ng tiyenes, tsugi, tsuk-tsak, at kung anu-ano pa.

"Sinabi ko naman sa kanila na malaking gaan sa akin ang gumanap na gay. Kasi noong puro kontrabida ang role ko, masakit sa ulo at sa katawan.

"Kasi kailangan pag-aralan mo ang maging masama, maging tuso, at minsan mamamatay-tao ka pa.

"Minsan nadadala mo ang negative na vibes noong role, which is not very good sa atin.

"Ngayon, as Anya, parang ang gaan-gaan.

"Though may mga heavy drama scenes kami nila Oro [Elizabeth Oropesa] at Iza [Calzado], magaan pa rin sa katawan at isipan.

"Wala nang masyadong effort, ini-enjoy ko na lang ang role ko sa Beauty Queen."

TIRSO CRUZ III. Nakilala naman si Tirso Cruz III bilang isang matinee idol noong late '60s at sa kabuuan ng '70s.

Itinuturing na pinaka-successful love team sa kasaysayan ng Philippine showbiz ang tambalan nila ng Superstar na si Nora Aunor—ang Guy and Pip tandem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang malalaking pelikula ang nagawa ni Pip with Guy hanggang sa nabuwag ito. Pagkatapos nito ay gumawa ng pelikula ang aktor na iba-iba ang leading ladies niya.

Pero muling na-reunite ang Guy and Pip tandem noong early '80s. Ginawa nila ang mga pelikulang Till We Meet Again, Mga Kuwento ni Lola Basyang, I Can't Stop Loving You, Penoy Balot, Sana Mahalin Mo Ako, at Bilangin Mo ang Bituin sa Langit.

Sa huling pelikulang nabanggit, parehong nanalo ng awards sina Guy at Pip.

Nag-shift ng roles si Pip at tumanggap siya ng character roles.

Nagpakita siya ng husay sa pagiging kontrabida sa ilang pelikula at umani siya ng acting nominations sa villain roles niya sa Inagaw Mo ang Lahat sa Akin, Diskarte, Chavit, at Kahit Buhay Ko.

Para sa pagganap niya sa Kahit Buhay Ko, nanalo siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian noong 1993.

Sa TV naman, sari-saring roles din ang ginawa ni Pip.

He did TV dramas for ABS-CBN: It Might Be You, Ikaw Ang Lahat sa Akin, Only You, Nasaan Ka Maruja?, Love Spell.

At sa GMA-7: Sana ay Ikaw na Nga, Etheria, I Luv New York, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Kaputol ng Isang Awit, Lupin, Obra, Paano Ba ang Mangarap?, Ikaw Sana, Panday Kids, at Endless Love.

DRAG QUEEN. Pero ang role na ibinigay sa kanya bilang drag queen sa I You Pare ang pinaka-exciting sa mga ginawa ni Pip. Tampok dito sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes.

"I never played a gay character before kaya first time ito para sa akin," sabi ni Pip nang makausap siya ng PEP sa set ng I You Pare sa PETA Theater in New Manila, Quezon City.

Dagdag niya, "May ginawa ako noon na semi-gay role for a TV show, pero that was during the '70s pa.

"Parang nag-guest lang ako sa isang comedy show na 'yon, pero hindi naman nasundan iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya first time ko to do an all-out gay role. At hindi lang basta gay role, drag queen pa!

"Kaya it's intellectually and physically challenging para sa akin."

NEWFOUND RESPECT. Habang kausap namin si Pip ay nakapang-showgirl outfit siya, complete with makeup, accessories at wig.

Sinabi ng aktor na nagkaroon siya ng mas malaking respeto ngayon sa gays na nagtatrabaho bilang showgirls in drag dahil hindi raw madali ang trabahong ito.

"If you look at it on the outside lang, masaya, e," sabi niya.

"Mga gays naman, hindi nawawalan ng gimik sa buhay. Parating kailangan masaya ang ginagawa nila.

"Pero if you get to talk to some of them, malalaman mo na karamihan sa kanila ay may malungkot na buhay.

"May iba na ginagawa lang ang ganito dahil sa mga personal na rason.

"Glamorosa siya, pero may sad side to it, at yun ang gustong ipakita ng directors namin sa I You Pare na sina Bb. Joyce Bernal at Andoy Ranay."

Bumilib din si Pip sa matinding sakripisyo na ginagawa ng drag queens sa kanilang trabaho.

"Bilib ako sa endurance nila kasi hindi madaling magsuot ng mga ganito.

"Sa sapatos na lang, dyuskopo, sumasakit ang mga legs ko sa ilang minutes pa lang na suot ko yung 2-3 inch heels!

"Yung iba, 4 to 5 inches ang suot nila for hours. Kaya hindi ko kakayanin ang tolerance nila sa pain.

"After an hour, pinapakuha ko na ang tsinelas ko para mapahinga ang mga paa ko.

"Tapos makeup, more than an hour ilagay sa amin.

"Kaya maaga ang call time namin kasi kina-career ang makeup.

"Kung hindi ka sanay sa heavy makeup, doon ka mahirapan.

"Lalo na ang false eyelashes. Pahabaan kami ng pilik-mata sa taping!" sabay tawa niya.

"Tapos yung wig ang pinakamadugo," patuloy niya.

"Okey siya sa first two hours. Pero more than that, parang sinisilaban na ang ulo mo sa init at kinakati na ang anit mo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman namin matanggal kasi dire-diretso ang taping, e."

Sabi pa niya. "Kaya nga puwede kong sabihin na I have a newfound respect for these people.

"Tulad ng iba, trabaho ito at pinagbubutihan nila. Hindi natin sila dapat kutyain or insultuhin.

"Gusto lang nilang magtrabaho and this is one of their great talents na gusto nilang i-share sa maraming tao."

BREAK FROM STEREOTYPE ROLES. Tinanggap daw ni Pip ang role na Sarsi sa I You Pare dahil iba ito sa mga nagawa na niyang mga roles on TV.

Si Sarsi ang isa sa mga kukupkop sa character ni Regine Velasquez.

"Sunud-sunod ang mga drama roles na nagawa na natin, kaya this is a break from those stereo-type characters," sabi ni Pip.

"Ang maganda rito, kahit na may konting drama, may mga funny moments kami ng mga gaganap din na drag queens na sina Joel Saracho, Joey Paras, Peter Serrano, at Boy Alano.

"Makakalaban kasi namin ang mas mga batang drag queens na ang leader nila ay si Paolo Ballesteros.

"'Tsaka aabangan nila dito ang mga malalaking production numbers at, siyempre, ang pagiging drag queen ni Regine."

HIS CHILDREN'S REACTION. Tawang-tawa raw ang mga anak ni Pip sa bago niyang role.

"Nag-pictorial kasi kami the other day at nakita ng mga bata," banggit niya.

"Si Bodie [his eldest], nagulat siya kasi hindi niya ini-expect na magagawa ko ang ganitong klaseng role.

"Sinabi ko naman na magandang opportunity ito to experiment. Para ma-test ang versatility natin as an actor on TV.

"Si Djanin [Tirso's youngest] naman, natuwa siya at gusto niyang bisitahin ako sa taping.

"Gusto niya kapag ang kukunan yung big show para makapanood siya sa audience."

CONVERSATION WITH BEMBOL. Nabanggit din ni Pip sa PEP na nagkakuwentuhan sila ni Bembol Roco kalian lang. Napag-usapan daw nila ang bagong roles nila sa TV bilang mga bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkatawanan lang kaming dalawa. Kung kelan nga nasa ganitong edad na kami, ito pa ang pinagawa sa amin," sabi ni Pip.

"Pero we welcome it. Wala naman kaming dapat na ikahiya, e.

"We enjoy doing the role because we're comfortable with whom we are.

"Matsitsismis pa ba kaming mga bading?" sabay tawa niya.

"Kung maging trend ang ganitong klaseng roles sa mga kaedad namin ni Bembol na mga actors, hindi masama.

"It's good that we are trying these kinds of role at para lang naman ito sa personal fulfillment namin as actors.

"At least, naranasan na namin ang gumanap na gay and we had fun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN