Tween stars Joshua Dionisio, Barbie Forteza, and Jhake Vargas continue their lucky streak

IMAGE 0


(From left) Tween Hearts stars Joshua Dionisio, Barbie Forteza, and Jhake Vargas add spice to one of the MMFF movies thbis year.


Live na nag-guest sa Startalk kahapon, December 11, ang tatlo sa hottest tween stars ngayon na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, at Jhake Vargas.

Unang tinanong si Barbie kung totoong first Christmas nila ng kanyang pamilya this year sa bagong condo unit na nabili niya.

"Hindi po, kasi medyo malungkot po ang Pasko kung doon kami magse-celebrate kasi kami lang apat. Kaya uuwi po kami ng BiƱan para doon mag-celebrate ng Pasko," sagot ng 13-year-old actress.

Ayon naman kay Joshua, hindi raw sila magkasama ni Barbie sa darating na Pasko.

"May sarili rin po kaming lakad sa Pasko, marami po kaming kamag-anak na dadalawin," paliwanag ng young actor, who will turn 16 on December 14.

Kung si Barbie ay may bagong condo, si Jhake naman ay may bagong sasakyan.

"Yes po, nakabili na po ako!" masayang banggit ng 18-year-old actor.

Tinanong ang tatlong bagets kung ano ang ireregalo o Christmas gift nila sa isa't isa, pero naging masekreto si Joshua.

"Kasi hindi po namin puwedeng sabihin, ayaw po naming sabihin sa isa't isa. Surprise po, maaga pa po masyado," sabi niya.

Pero si Barbie ay "bike" na maliit daw ang regalo niya kay Joshua.

Sa kabila ng mainit na pagtanggap sa love team nina Joshua at Barbie, ang JoshBie, nananatali lamang silang magkaibigan, lalo pa nga't bata pa sila.

"Ganun pa rin po, tulad ng dati, magkaibigan kaming lahat," ani Joshua.

Bukod sa show nilang Tween Hearts sa GMA 7, kasama rin sina Joshua, Barbie, at Jhake sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat at si Enteng Kabisote, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla Jr.

Ipinagmamalaki ng tatlo ang partisipasyon nila sa pelikula.

Ano ang pakiramdam nila na bago pa lang silang maituturing sa showbiz ay marami na agad silang fans and supporters?

"Sobrang sarap, sobrang saya sa pakiramdam!" sambit ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi namin akalain na magkakaganito kami.

"Ano po, basta sobrang saya kasi simula Stairway to Heaven hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtitiwala at sumusuporta sa amin.

"Tapos, sa sobrang ganda ng ratings ng Tween Hearts, na-extend pa kami hanggang sa April [2011] kaya super thankful kami sa GMA at sa mga fans."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN