Iwa Moto on the neverending rumor: "Uulitin ko, hindi po ako kasal, hindi po ako buntis."

IMAGE 0


"Limang taon na rin po akong natsitsismis na buntis, limang taon na rin po akong natsitsismis na drug addict... "Sana magsawa na rin naman yung mga tao sa kakapaniwala sa mga bagay-bagay na yun," says Iwa Moto.


Matagal ding nawala sa sirkulasyon ang sexy actress na si Iwa Moto, at inamin niyang na-miss niya ang magtrabaho o mag-taping.

"Medyo matagal na, miss ko nga, e," sabi ni Iwa sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, December 11.

"Pero ano, I asked for it din naman, e.

"Sabi ko, after Ina, Kasusuklaman Ba Kita, pahinga muna ako ng mga two months para ma-rest naman yung katawan ko.

"Kasi nagkakasakit na ako lately. Tapos after nun, e, humaba nang humaba [ang pahinga].

"May mga prinayoritize muna ako, like magtatayo kasi kami ng mga negosyo ulit.

"So, marami lang akong inasikaso.

"Pero definitely, na-miss ko ito, na-miss ko ang taping."

Sa kanyang pagbabalik, isang contravida role na naman ang kanyang gagampanan. Ito ay bilang si Lucille sa upcoming fantaserye na Dwarfina, kunsaan tampok sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Sa kanyang pagbabalik sa sirkulasyon, muli ring nagbalik ang mga intriga about Iwa, tulad ng diumano ay buntis siya ngayon.

"Limang taon na rin po akong natsitsismis na buntis, limang taon na rin po akong natsitsismis na drug addict.

"Uulitin ko, hindi po ako kasal, hindi po ako buntis. Sana may anak na ako!

"Sana magsawa na rin naman yung mga tao sa kakapaniwala sa mga bagay-bagay na yun.

"Utang na loob, ang haba-haba na ng itinakbo ko, limang taon akong buntis? Dyusko po!" saad ni Iwa.

Hindi kasal at hindi buntis, pero happy raw si Iwa sa kanyang love life.

"About my love life, I'm very happy, very contented!" bulalas ng StarStruck alumna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN