Jolina Magdangal spends her second Christmas with boyfriend Mark Escueta

IMAGE 0


"Masasabi ko na this is one of my best Christmases. Iba ang feeling, e. Ilang Pasko rin ang dumaan noon na loveless ako, di ba? Ngayon, nakakadalawang Pasko na ako na may bonggang love life. Sino naman ang hindi magiging happy, di ba?" says Jolina Magdangal.


Hindi maipagkakailang sobra ang saya ni Jolina Magdangal ngayon. Bukod kasi sa magandang takbo ng kanyang career, maganda rin ang takbo ng kanyang buhay pag-ibig.

Masasabi nga ni Jolina na "sobrang merry" ang kanyang Christmas this year dahil nandiyan ang kanyang boyfriend na si Mark Escueta, na dalawang Pasko na niyang nakakasama.

Sa taping ng Grazilda sa Sta. Mesa, Manila, last week, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina kung ano ang plano nila ni Mark ngayong Pasko. Balak ba nilang mag-celebrate ng Pasko sa Pilipinas or sa ibang bansa?

"So far, wala kaming mga plano," sagot ng multi-media star.

"Kasi nga, this month, maraming gigs ang banda niya [Rivermaya].

"Tapos ako rin naman, may mga raket din ako sa kunsaan-saan, di ba?

"Kaya wala kaming ginagawang plano ni Mark.

"Kasi baka maunsyami lang, sayang ang effort namin na magplano, di ba?

"Kaya ang drama namin ngayon ay live for the moment.

"Kung ano ang mangyari sa araw na ito, or sa mga susunod pang mga araw, yun ang bigay ni Lord sa amin ni Mark.

"Ayaw naming pangunahan ang mga gusto Niya sa amin.

"Sabi nga sa Bible, 'Thy will be done,' di ba?

"Kaya kung ano ang dumating, pasasalamatan naming dalawa."

FAMILY DINNER. Last Christmas kasi ay pumunta sina Jolina at Mark sa bahay ng kani-kanilang mga pamilya para magsalo-salo. Feeling ni Jolina ay mangyayari ulit iyon this Christmas.

"Tradition na kasi 'yan ng parehong pamilya namin, e," sabi niya.

"Gusto namin na sama-sama sa Pasko at walang umaalis ng bansa hangga't maaari.

"Last Christmas, yun ang unang Pasko namin ni Mark.

"Masaya kasi nakilala ko ang buong family niya, tapos ipinakilala ko rin siya sa family ko.

"Ngayon, second Christmas naming dalawa.

"Masasabi ko na this is one of my best Christmases. Iba ang feeling, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang Pasko rin ang dumaan noon na loveless ako, di ba?

"Ngayon, nakakadalawang Pasko na ako na may bonggang love life.

"Sino naman ang hindi magiging happy, di ba?

"Hindi lang naman ako ang masaya kundi pati ang pamilya ko.

"Masaya sila sa nakikita nila sa akin ngayon.

"Tsaka mahal nila si Mark at parte na siya ng pamilya namin talaga."

GIFTS FOR EACH OTHER. May nabili na ba siyang Christmas gift para kay Mark?

"Pinag-iisipan ko pa kung ano talaga ang gusto niya, e. Marami kasi siyang hilig.

"Hindi ko alam kung ano ang pinakagusto niya, kaya careful ako.

"Gusto ko siyempre na regalo na pinag-isipan kong ibigay. Hindi yung basta nagbigay ka lang.

"Anyway, maiisip ko rin kung ano ang gusto niya.

"Pakikiramdaman ko na lang para tama ako!" natatawang sabi ni Jolens.

Alam na rin kaya ni Mark kung ano ang ireregalo sa kanya?

"Siguro naman!" tawa niya ulit.

"Sa totoo lang, nasa edad na tayo na we don't expect so much kung ano ang ireregalo sa atin.

"Mas concerned ka sa kung ano ang maibibigay mo, di ba?

"Kahit na isang Christmas card lang 'yan, basta alam mong galing sa puso niya ang pagbigay no'n, bonggang gift na 'yon sa akin.

"Siguro, kahit sabihin nilang corny, tama na yung magkasama kaming dalawa sa Pasko.

"Enough na 'yon for me."

FAIRY GODMOTHER. Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Jolina ay ang kanyang role bilang Fairy Godmother sa GMA-7 telefantasya na Grazilda. Lumaki na kasi ang role niya sa naturang show at nagkaroon na ng sariling istorya.

"Natuwa naman ako na pinag-isipan nila nang husto na gawan ng ibang story si Fairy Godmother," sabi niya.

"Akala kasi ng iba na pasulput-sulpot na lang ako sa show, pero ayan, nabigyan ako ng kalaban sa katauhan ni Fabiola [played by Sheryl Cruz].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako mismo nagulat nang magkaroon ng ganitong kuwento si Fairy Godmother.

"Itinago pa nila sa akin noong una, e.

"Noong mabasa ko ang script na kasama na si Fabiola, na-excite ako.

"Kasi, ibang side ito ni Fairy Godmother at makikipaglaban siya.

"Kaya kahit saan ako magpunta, yung mga bata, sinasabi nila sa akin na kakampi nila si Fairy Godmother at talunin ko na raw si Fabiola.

"Di ba, nakakatuwa kasi pinapanood nila ang Grazilda?"

SHERYL CRUZ. Inamin ni Jolina na nai-starstruck siya kay Sheryl Cruz kapag nakakaeksena niya ito sa Grazilda.

Isa pang nagustuhan niya kay Sheryl ay ang pagiging mabait nito sa kahit sino sa kanilang set.

"Kasi isa si Ate Sheryl sa mga napapanood ko noon sa TV at sa pelikula," sabi ni Jolina.

"Sikat na sikat ang loveteam nila ni Romnick Sarmenta, di ba?

"Siya yung masasabi mong artista talaga ang dating.

"E, first time ko siyang makatrabaho talaga.

"Nagkikita na kami noon pa kapag may guestings, pero hindi kami nakakapagkuwentuhan.

"Ngayon at magkasama kami sa Grazilda, may pagkakataon kaming magkuwentuhan sa loob ng tent namin kapag wala pa kaming take.

"Ang maganda kay Ate Sheryl," patuloy niya, "kapag kausap mo siya, ang sweet-sweet niya at ang lambing magsalita. Tsaka masayahin siyang tao.

"Kapag nasa set 'yan, palabati siya sa lahat ng tao.

"Artistang-artista talaga ang dating niya.

"Pero kapag nag-take na kami, in character na siya as Fabiola.

"Ibang-iba na ang dating niya pati ang boses niya naiiba. So, ang galing, di ba?

"Then, pag-cut na ang eksena, balik na naman siya sa pagiging malambing.

"Iba talaga ang naging training nila sa pag-arte kasi mabilis nilang napaghihiwalay.

"Bilib ako talaga kaya naman pala maraming fans si Ate Sheryl.

"Mabait na siya at magaling pang umarte. Naging instant fan tuloy ako!" ngiti ni Jolina.

NEW ALBUM. Samantala, sisimulan na ni Jolina ang kanyang bagong album sa 2011 na ilu-launch sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagga-gather pa raw sila ng mga magagandang materials para bumagay sa concept ng kanyang bagong album na ipo-produce ng Viva Records.

May nag-suggest nga na subukan na niyang magsulat ng sarili niyang songs.

"Kahit si Mark, suggestion niya na subukan ko na sumulat ng songs," banggit ni Jolina.

"Madali lang naman daw at tutulungan niya ako.

"Kasi raw, marami na akong experiences sa buhay at puwede kong gamitin 'yon to make music.

"Before kasi, sinubukan ko na ang sumulat ng isa sa first album ko.

"Pero batang-bata pa kasi ako noon kaya siguro hindi pa ako experienced enough para mabuo ko ang isang song.

"Noong pinaareglo namin sa studio, iba ang ginawa nilang areglo. Binagayan lang daw nila ang image ko noon.

"Doon ko naisip na kulang pa ang experiences ko.

"Mas concerned sila noon sa image ko kaya ganitong song ang bagay sa akin.

"Siguro ngayon, puwede na, di ba? Makaka-create na ako ng mga songs ko at tutulungan naman ako ni Mark.

"Sabi nga nila, inspired ako ngayon at masaya. Yun ang music na gawin ko.

"I will give it a try at sana nga, sa tulong ni Lord, ay mabuo ko nang bonggang-bongga," saad ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN