Anne Curtis doesn't want Filipino-French boyfriend Erwan Heussaff to enter showbiz

IMAGE 0


"E, kasi, pakikialaman na naman ng mga press ang love life ko. Gugulo na naman. At least ngayon, ginugulo, pero hindi bongga, di ba? Parang they respect him also, because it's not his world," says Anne Curtis about chances that her boyfriend, Filipino-French model Erwan Heussaff, will enter showbiz.


Ni-launch kahapon, December 14, ang 2011 calendars ni Anne Curtis para sa Ginebra San Miguel.

Limang layout ang ginawa para kay Anne, may kuhang tila sundalo siya, construction worker, piloto, fitness enthusiast, at mekaniko.

Mga kaibigan ni Anne ang nakatrabaho niya para sa mga kalendaryo, tulad ng photographer na si Mark Nicdao, ang stylist na si Liz Uy, at ang makeup artist na si Juan Sarte.

"Lahat talaga alam mong may personal touch, kasi team ko talaga yung gumawa. So, alam nila yung gusto ko," nakangiting pahayag ni Anne nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press sa launching na ginawa sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City.

"As you can see, super classy ang pagkagawa. Lahat sila may mga pegs. So, sobrang happy talaga ako. I love it na, I think this is the first ever Ginebra San Miguel calendar na lahat may themes."

Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff sa kalendaryo niya?

"Maganda raw. Penge raw siyang kopya. [Yung] especially signed," sagot ng Filipino-Australian dalaga.

Kadalasan sa mga artista, hindi maayos na napagsasabay ang love life at career. Pero si Anne, kapansin-pansin na masaya sa itinatakbo ng kanyang career at love life. Paano nga ba ito nagagawa ni Anne?

"I think when you're surrounded with good people, good management, good friends and, generally, just good people around you, it just happens," may pagmamalaking sagot ng aktres.

RESPECT FOR ERWAN. Pumasok na sa showbiz ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff. Wala bang nababanggit o hint man lang si Erwan kay Anne kung may balak na rin itong mag-showbiz?

"Wala... Although may mga kumukuha sa kanya, may mga endorsements ko na kinukuha rin siya...

"Pero right now, I think he's busy rin with some of his endorsements," sabi ng aktres.

Pero kung papasok nga nang tuluyan sa showbiz si Erwan, papayag ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong mag-artista siya, siyempre. But of course, if that's his passion, why not, di ba?"

Bakit ayaw niyang mag-artista si Erwan?

"E, kasi, pakikialaman na naman ng mga press ang love life ko. Gugulo na naman!" natatawang sagot ni Anne.

"At least ngayon, ginugulo, pero hindi bongga, di ba? Parang they respect him also, because it's not his world."

Dagdag pa ni Anne, hindi katulad niyang isang artista na talagang nakaharap sa mga intriga at pagtatanong ng showbiz press, hindi naman puwedeng malagay sa ganun si Erwan.

Bukod sa pagiging part-time model ay employed bilang head of purchasing ng isang integrated service company si Erwan.

Umaasa si Anne na kahit paano, sa pagiging hindi showbiz ni Erwan, hindi na ito gagalawin ng showbiz press.

"So, ang mga media, nire-respect din siya because he's not of our world," sabi pa ni Anne.

Sana nga raw, makasama niya sa darating na Pasko si Erwan. Pero, ani Anne, sa Pampanga muna siya magki-Christmas kasama ang kanyang ama at ang kapatid niyang si Jasmine.

SISTER JASMINE'S KAPATID MOVE. Kamakailan nga ay in-announce na ang pagiging "Kapatid" ni Jasmine dahil sa pagpirma nito sa TV5 (CLICK HERE to read related story).

Bakit nga ba sa TV5 pumirma si Jasmine at hindi sa ABS-CBN, kunsaan nakapirma si Anne?

"First off kasi, they [TV5] were able to give her an offer na ang priorities nga yung studies niya. Big factor yun for me.

"So, I'm just happy na... She's here for school vacation lang, tapos babalik siya dun [Australia] at tanggap yun ng Kapatid.

"Everytime vacation niya [from school] babalik na lang siya dito," sagot ni Anne.

Gusto raw talaga ng mga magulang niya na tapusin muna ni Jasmine ang pag-aaral nito bago mag-full time nang husto sa showbiz.

"After niyang mag-university, puwede na siya. Or kung gusto niya, mag-one year muna siya, bago mag-full time sa showbiz, or take [school] units muna. Pero kung gusto na niya talaga and that [showbiz] is her passion, di sige.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta mahalaga lang muna sa akin at sa mga magulang namin na tapusin niya muna ang pag-aaral niya," dagdag pa ni Anne.

Ano naman ang mga ina-advise niya kay Jasmine sa pagpasok nito sa showbiz?

"Sabi ko humanda siya sa pagpupuyat. Tulad ngayon, segue siya ng taping for Pidol's [Wonderland], 4 a.m.

"Sabi ko, 'Humanda ka na, ganun talaga ang lifestyle dito.' Tapos antok na antok na siya. Tapos sabi ko, 'Baby, just think you can do it. Just do it wholeheartedly."

Sa tingin daw ni Anne, wala pa kay Jasmine yung stress na dulot ng pagpupuyat dahil nae-excite pa ito't sobrang saya sa ginagawa.

"Basta sabi ko, just have a lot of patience because you'll really need it. Kasi ang hahaba ng waiting hours."

In-explain niya raw sa nakababatang kapatid na habaan ang pasensiya lalo na pag nagpupuyat na sa taping at napapagod na.

"Kasi all of that, pinagdaanan ko na," sambit ni Anne.

NO COMMENT ON HOT TWITTER ISSUE. Ilang araw na ang nakalipas nang uminit sa Twitter ang pag-aalburoto ni Cristine Reyes. Marami ang nagsasabi na si Sarah Geronimo ang dahilan ng pag-aalburotong ito ni Cristine dahil sa hindi nito nagustuhang komento sa rehearsal ng ASAP XV. (CLICK HERE for related story)

Bilang kapwa Viva Artists Agency talent, ano ang komento niya sa away na ito nina Cristine at Sarah.

"No comment!" sagot agad ni Anne.

Hindi ba niya pinapayuhan ang mga ito?

"Hindi ko sila tinatanong about it. Pag mga ganyan, hindi na ako nagtatanong. Unless they open up to me, and so far, hindi ko pa sila nakikita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN