Freddie Webb plans to sue Jessica Alfaro for giving false testimony; wants her to feel how hard it is to live behind bars

IMAGE 0


Freddie Webb (main photo) says that Jessica Alfaro (inset), the star witness in the Vizconde massacre case, gave false testimony that resulted in the incarceration of his son Hubert Webb.


Nagpaunlak ng panayam si Freddie Webb at ang anak niyang si Hubert kaninang umaga, December 15, sa programang Headstart ng ANC, ang ABS-CBN News Channel.

Sa nasabing programa na hinu-host ni Karen Davila, inilahad ng mag-ama kung ano ang kanilang saloobin sa desisyon ng Supreme Court na i-acquit si Hubert at ang iba pa niyang mga kasama na na-convict sa Vizconde murder case.

Mahigit 15 taon nakulong sina Hubert matapos maiturong mga pangunahing suspek sa massacre sa mag-iinang Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde noong 1991.

Ang prime witness na nag-akusa kay Hubert ay si Jessica Alfaro, na nagsabing nakita niya umano ang ginawa ni Hubert.

Kahapon, Disyembre 14, ay binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals at ng isang Parañaque court na nagbigay ng life sentence kay Webb at sa iba pa.

Ayon sa mataas na hukuman, hindi isang credible na witness si Jessica dahil may inconsistencies ang sworn statements nito.

THE INTERVIEW. Kalmado ang mag-amang Webb habang kinakapanayam sa Headstart. Masaya ang tono ng boses ni Hubert, na maya't maya ay nagpahayag ng pasasalamat sa kanyang pamilya at sa Panginoon.

May isang pagkakataon sa panayam kung saan pinag-usapan nina Karen at Hubert ang Biblia. Hanga raw si Karen kay Hubert dahil aniya, maganda ang disposisyon ni Hubert dahil hindi nagbunga ng galit ang mga nangyari sa kanya.

Dagdag pa ni Karen, normal lamang na reaksiyon ng isang mayamang taong nakulong ng matagal na sabihing "magbabakasyon muna sa Amerika o sa Europe" matapos makalaya.

Ngunit iba si Hubert. "What will I gain from that?" saad niya. Sabi ni Hubert, mas maganda kung masasabi niya sa Diyos na naging "humbled" siya dahil makakatulong siya sa tao.

Nasabi kasi ni Hubert na gusto niyang makatulong sa depressed areas kung saan may mga kabataang nahaharap na makulong.

Tinanong din ni Karen kung ano ang mga dinarasal ni Hubert sa kulungan. Sagot ni Hubert, naging malalim ang mga dasal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawa raw ng kanyang mga dasal ay ang pagpapasalamat dahil hindi nagkasakit o naaksidente ang sinuman sa kanyang pamilya sa loob ng 15 taon na nasa kulungan siya.

"You speak like a preacher!" komento ni Karen.

Bilib daw siyang naiisip pa ni Hubert ang mga ganitong mga bagay.

Nagulat naman si Freddie sa pagiging relihiyoso ng kanyang anak. Aniya, alam niyang nagbabasa ng Biblia si Hubert sa kulungan, pero hindi niya alam na ganito na ang kanyang disposisyon.

PERJURY CASE. Hindi umano iniisip ni Hubert na balikan ang mga taong nakagawa sa kanya ng masama.

Ayon sa kanya, ang Panginoon na lang ang bahala sa mga taong ito, lalong-lalo na sa star witness na si Jessica Alfaro, na siyang dahilan ng pagkakadiin niya sa kaso.

Samantala, inilahad naman ni former senator Freddie Webb ang plano niyang kasuhan si Jessica.

Tinanong siya ni Karen kung bakit iba ang posisyon niya sa kanyang anak.

"Kasi, magkaiba kami ng perspective, ideas," sagot niya,

"Masakit man sabihin, and surprisingly, he [Hubert] is so forgiving, I'm not. I'm a little on the line of [seeking justice]."

Pagpapatuloy ng dating senador, nais niyang maramdaman ni Jessica kung ano ang pakiramdam ng makulong.

"We're looking at the possibility to sue her, not for money or anything. To sue her so that at least she will know how to live behind bars. She will know how hard it is," saad niya.

Samantala, napabalitang hinahanda na ng mga Webb ang kasong "perjury" laban kay Jessica dahil sa pagsisinungaling umano nito sa kanyang mga sworn testimony habang nililitis ang kaso.

JESSICA AS A WITNESS. Naganap ang massacre noong June 30, 1991. Brutal na pinaslang ang pamilya ni Lauro Vizconde: ang asawa niyang si Estrellita, 47, at ang mga anak niyang sina Carmela, 18, at Jennifer, 7.

Matapos ang apat na taon, lumutang na star witness si Jessica Alfaro, na nagsabing inuusig na siya ng kanyang konsensiya kaya siya tetestigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuro niyang pangunahing salarin si Hubert Webb.

Ayon sa kanya, kasama raw niya ang grupo ni Hubert noong araw ng massacre. Nasaksihan din daw niya ang ginawang panghahalay sa biktimang si Carmela.

Ayon sa Supreme Court decision na inilabas kahapon, hindi credible ang sworn testimony ni Jessica.

Ayon sa mataas na hukuman, si Jessica ay isang asset ng National Bureau of Investigation (NBI); isa siyang taong ang hanapbuhay ay makipagkaibigan sa mga kriminal para ipahuli ito sa NBI.

Samakatuwid, hindi lang siya ordinaryong babae na lumutang para tumestigo sa kaso.

Malabo rin daw na maalaala ni Jessica ang detalye ng krimen dahil sinabi niyang lulong siya sa droga habang nangyayari umano ang pagpatay.

Nagtataka rin ang Supreme Court kung bakit sumama si Jessica kina Hubert noong gabing 'yon kahit hindi naman niya ito kilala.

Samantala, binanggit din ng Supreme Court na hindi dapat binalewala ng korte ng Parañaque at ng Court of Appeals ang alibi ni Hubert na nasa Amerika siya nang mangyari ang krimen.

Sa Headstart interview, tinanong ni Karen kay Freddie at Hubert kung bakit kaya lumutang na star witness si Jessica.

Sagot ni Hubert, maaaring dahil ito sa salapi na natanggap ni Jessica nang malagay siya sa pangangalaga ng Witness Protection Program.

Dagdag naman ni Freddie, nagkaroon din ng isang pelikula si Jessica dahil sa kanyang pagiging star witness—ito ang Jessica Alfaro Story na ipinalabas noong 1995 at pinagbidahan ni Alice Dixson.

Ayon naman kay Aries Rufo ng Newsbreak, isang online publication, in-enjoy raw ni Jessica ang kanyang "celebrity status." Si Aries ay dating reporter ng The Manila Times na tumutok sa kaso noon.

"She flouted the rules set by the Witness Protection Program and partied all night. Because of this, she invited envy from other crime witnesses. While witnesses in the Kuratong Baleleng case stayed in cramped quarters and lived on tight budget, she stayed in the comfort of air-conditioned rooms and binged on takeout meals," saad ni Aries sa isang artikulong inilathala kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JESSICA IN HIDING. Ayon naman sa ilang mga ulat, hindi na raw mahagilap ang kinaroroonan ni Jessica ngayon.

Ayon sa isang kapitbahay niya sa U.S., nawala raw si Jessica sa kanyang tinitirhan matapos ilabas ng Supreme Court ang decision para i-acquit si Hubert Webb.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN