Katrina Halili on court decision in favor of Hayden Kho: "Natulala ako. Tapos kinilabutan ako."

IMAGE 0


When asked if she will still pose nude for FHM, Katrina Halili replies: "Hindi ko naman sinasabing ayoko na, di ba? Pero, actually, meron pa nga akong tinatapos na book. Yung coffee table book. Sexy rin yun, pero, may story naman siya."




Sa Startalk TX yesterday, January 15, hindi ikinaila ni Katrina Halili ang totoong naramdaman niya nang lumabas ang desisyon ng korte sa kasong isinampa niya against Hayden Kho.

Alam na ng lahat na hindi naging favorable kay Katrina ang desisyon ng korte at na-deny ang paghahain nila ng kaso against Hayden.


Pahayag nga ni Katrina sa Startalk TX kahapon, "Oo naman, sobrang na-upset ako. Pero wala, wala e... wala naman tayong magagawa, 'di ba? 'Yun lang, itutuloy pa rin naman po namin ang kaso. Sabi ko nga, natulala ako. Tapos kinilabutan ako."


Saan nanggaling yung pakiramdam niyang kinilabutan siya?


"Kasi, nakikita ko yung mukha niya na tuwang-tuwa siya. Kasi, pinapalabas nila na alam ko yung video na yun, ganyan-ganyan... nakatingin lang ako sa kanya na, alam mo ang totoo, di ba? Wala lang, speechless lang."


Kailan lang nga ay nag-celebrate si Katrina ng kanyang birthday. Ano naman ang naging birthday wish niya at the same time, mga plano niya ngayong 2011?


"Ang wish ko, mag-cruise. Magku-cruise ako. Sana matupad siya."


Dugtong din niya, "Magpupunta ako ng States. Sa kaibigan ng kaibigan ko, kasi, birthday niya. Dadayo ako. Pero mga one week lang naman. Tapos uuwi ako ng Palawan."


Tinanong din si Katrina kung magpo-pose pa rin daw ba siya sa FHM tulad ng dati?


"Hindi ko naman sinasabing ayoko na, di ba? Pero, actually, meron pa nga akong tinatapos na book. Yung coffee table book. Sexy rin yun, pero, may story naman siya."


Pagdating sa lovelife, tahasan niyang sinabi na wala pa raw.


"Wala, wala... at saka, ayoko rin. Baka istorbo. At saka, paano magcha-charity work kung may boyfriend ako. At saka, kahit ma-in love ako ngayon, alam niyo na, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN