Manny and Pie Calayan don't approve of their niece's lesbian relationship but support her anyway

IMAGE 0


"Hindi namin tinu-tolerate ang relasyon nila ni Selina, although we're not against her but the kind of relationship. Alam naman natin na hindi pa ito tanggap sa ating kultura. But we are always here, in full support sa ano mang gagawin ni Lalen na makapagpapasaya sa kanya," says Dr. Manny Calayan (in photo, with wife Dra. Pie) about the relationship of their niece with singer Selina Sevilla. Lalen and Selina made their wedding vows yesterday.


Nandito muli sa Pilipinas si Dra. Pie Calayan mula sa U.S.

Itinaon niya ang kanyang pagbabalik sa launching ni Valerie Concepcion bilang newest celebrity endorser ng Calayan Surgicenter noong December 15. Ito na rin ang nagsilbing Christmas party ng Calayans para sa entertainment press na ginanap sa Bahia Room ng Hotel Intercontinental sa Makati.

Ito ang ikalawang pagba-balikbayan ni Dra. Pie mula nang nagdesisyon siyang i-manage ang Calayan Aesthetic Beauty Center sa Beverly Hills, California.

Ang una ay noong May 2010 elections kung saan sinuportahan nito ang kandidatura ni Doc Manny bilang partylist candidate under AMS Party.

Dumating si Dra. Pie kasama ni Doc Manny noong December 13 para maramdaman muli ang Paskong Pinoy na nami-miss nito mula nang pinili nitong manirahan sa U.S.

Ayon kay Dra. Pie, "Masarap manirahan doon, nag-e-enjoy ako sa aking trabaho doon.

"Nakakatuwa dahil maraming mga kababayan natin ang nagpupunta para magpa-treat. Pero ang higit sa lahat, may mga Kano din kami at ibang lahi.

"We're doing fine there and soon, we are planning to open another branch, we'll tell you."

HUBERT WEBB. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinuhang dermatologist ng mga Webb si Dra. Pie para gamutin si Hubert noong kapapasok pa lamang nito sa kulungan dahil nagkaroon ito ng karamdaman sa balat.

Kuwento ni Dra. Pie, "Kinuha nila ako to treat Hubert na nagkaroon ng skin asthma and this is due sa maruming kapaligiran at hindi masyadong fresh ang air na pumapasok sa kulungan.

"Hindi naman nagtagal din ang gamutan at nalaman ko na lang na inilipat na siya sa Muntinlupa."

Nakalaya na si Hubert Webb pagkatapos niyang ma-acquit ng Supreme Court kaugnay ng Vizconde murder case.

INTRIGANG HIWALAY. In a separate interview, ikinuwento naman ni Doc Manny na kung wala siya sa bansa ay tiyak nasa Los Angeles para serbisyuhan ang mga kliyente nila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang dahilan ay para dalawin ang kanyang pamilya. Maliban kay Dra. Pie ay doon na rin nag-aaral ang kanilang tatlong anak.

"Our kids are doing pretty well sa kanilang pag-aaral doon. Matataas ang kanilang grado kaya nga very proud kami ni Dra. Pie sa kanilang achievements," banggit ni Doc Manny.

"Si Hanna ay enrolled sa UCLA at ang dalawa, sina Bernice at Andrea ay sa Beverly Hills High School.

"Nakapag-adjust na sila doon at masaya na rin sila dahil marami namang Pinoy na kaklase nila."

Isang pagpapatunay lamang ito na hindi totoo ang nabalita noon na hiwalay na ang mag-asawa.

"Sana matigil na ang intrigang hiwalay na kami ni Dra. Pie," sabi ni Doc Manny.

"It never happened. Hindi naman ito totoo.

"Kaya naman may lumabas na ganitong tsismis ay mula nang sumali ako sa Celebrity Duets ng GMA-7 noon, nag-recording ako at kung saan-saan ako nagge-guest na mga show.

"Nasa showbiz na talaga ako dahil iniintriga!" tawa niya.

WEDDING VOWS. Dumalo ang mga-asawang Calayan sa wedding vows ng pamangkin ni Doc Manny na si Lalen Calayan at ng mang-aawit na si Selina Sevilla kahapon, December 20. Ginanap ito sa poolside ng Hotel Intercontenental Manila.

Nilinaw ni Doc Manny na hindi niya tinu-tolerate ang relasyon ng kanyang pamangkin sa kapwa babae. Pero kung ano man ang gagawin nito ay nakasuporta raw sila.

"Hindi dahil dumalo kami ni Dra. Pie ay gusto na namin ang pangyayari. Hindi namin tinu-tolerate ang relasyon nila ni Selina, although we're not against her but the kind of relationship.

"Alam naman natin na hindi pa ito tanggap sa ating kultura. But we are always here, in full support sa ano mang gagawin ni Lalen na makapagpapasaya sa kanya."

May plano rin ba silang magkaroon uli ng wedding vows ni Dra. Pie?

"Why not? There's no reason para hindi namin gagawin 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakikita naman ninyo na we are happy family, it will be a big celebration of our marriage life.

"Our eldest Hanna is now 19 and we have six more years to wait to prepare for that [silver wedding anniversary].

"We have a blessed life, three beatiful children, and my wife Dra. Pie, we're supporting each, we love each other."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN