Gwen Zamora denies dating Aljur Abrenica; says dating is out of the question, for now

IMAGE 0


"For now, dating is out of the question. Older or younger, wala talaga akong plans for dating...for now," says Gwen Zamora.


Maganda ang simula sa showbiz ng baguhang si Gwen Zamora.

Ngayong taon lang siya ipinakilala bilang bagong contract star ng GMA-7, pero mahahalagang roles na agad ang ipinagkakatiwala sa kanya.

Una, bilang Cinderella sa fantaserye na Grazilda. At pangalawa, bilang bagong Faye sa first movie niya, Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Excited na nga raw si Gwen sa first movie niya na entry pa sa Metro Manila Film Festival this year.

"I can't wait to see it!" sambit niya.

"We've been working for it for too long, di ba? Ang daming presscons, mall shows... Hopefully, it gets better as it is shown.

"I am excited because it's my first time being in a movie, especially Metro Manila Filmfest. So, doon ako nae-excite, ang ganda."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa huling press conference ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote last Friday, December 17, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Nakahanda na siyang mahusgahan sa kanyang first movie?

"Yes," nakangiti niyang sabi.

"Hopefully, it's all good. Knock on wood. Kasi, I really did give my best."

BOSSING VIC. Bilang baguhan, nakuha rin ni Gwen ang paghanga ng kanyang leading man sa movie na si Vic Sotto. Puro magagandang comments ang binitawan ng ace comedian tungkol sa kanya sa isa sa mga press conference ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

"Talaga? Walang bad? Sure?" tila hindi naman makapaniwalang sabi ni Gwen.

"It really feels good because I really did my best talaga.

"Kapag nasa work talaga ako, as in todo focus. Maganda ang feeling na nakita niya na I'm working harder.

"It's hard, pero pinagsumikapan ko talaga at maganda ang feeling na nakita niya talaga yun."

Kumusta naman ang experience niya working with Vic?

"It's a great experience talaga. There's no word to explain how good it is," sagot ni Gwen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami akong natutunan from acting, directing... Kasi, bago pa lang ako sa showbiz. Tapos, ito na yung pinasukan ko.

"Marami talaga akong natutunan na dinala ko sa ibang projects."

Aware si Gwen na may playboy or chickboy image ni "Bossing"—bansag kay Vic. Pero aniya, hindi naman niya nakita yun habang ginagawa nila ang pelikula.

"Honestly, in person, he's not like that, e," sabi ni Gwen.

"He's really, very helpful. Kasi, for me ha, I'm new, so I'm asking so many questions. And he answers professionally and he acts professionally."

Wala rin naman daw extra attention na ibinigay sa kanya si Vic.

"No talaga, he treats everyone the same talaga."

NO TIME FOR DATING. In love, naniniwala si Gwen that age does not matter.

"For me, age doesn't matter talaga. Kasi, hindi yun ang importante.

"Ang importante talaga is the connection.

"But for now, dating is out of the question. Older or younger, wala talaga akong plans for dating...for now."

Pero kahit sinasabi ni Gwen na wala siyang time for dating, may balitang nakita raw sila ni Aljur Abrenica na magka-date.

Ayon kay Gwen, hindi naman daw date na matatawag yun.

Paliwanag niya, "It's just so happens that we're both free and we saw each other in GMA. So, yun.

"Kakatapos lang niyang mag-workshop. Tapos ako, sa Bubble Gang, tapos na rin.

"So, nandoon na lang kami. Hindi yun planned."

A BETTER 2011. Dahil maganda naman ang masasabing simula niya sa showbiz sa taong ito, ano naman ang expectations niya for 2011?

"Hopefully, I'll climb higher pa. Hopefully, I'll stay long in the business kasi I like it. Hopefully," sambit niya.

May kaibahan ba ang Pasko niya ngayong nasa showbiz na siya?

"It's my first Christmas in the Philippines after a long time. Kasi, palagi akong abroad. Tapos, nandito pa ang grandparents ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's gonna be a typical Pinoy Christmas. And I'm looking forward to that. Pati yung putukan sa bahay, I'm looking forward to that," sabi ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN