Mocha Girls member Mae dela Cerna allegedly harassed by drunk men in a bar

IMAGE 0


Mae dela Cerna (left, with Mocha Girls co-members Mocha Uson and Jhane Santaguiel) filed a complaint against three suspects who allegedly harassed her inside a bar on December 18.


Nabastos diumano ng tatlong kalalakihan ang miyembro ng Mocha Girls na si Mae dela Cerna noong Sabado ng madaling-araw, December 18, sa Blue Wave, Macapagal Avenue, Pasay City.

Nangyari raw ang insidente matapos ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers ang Mocha Girls sa Papa J's Wiches 'n Wings hinggil sa katatapos lang na fundraising show nilang Give LOVE and Make LOVE on Christmas Day.

Kasama ni Mae ang kamiyembro niyang si Jhane Santaguiel nang maganap ang insidente.

Base sa video mula sa GMA News, na in-email ng manager ng Mocha Girls na si Byron Cristobal, sinalaysay ni Mae na papasok siya sa comfort room nang makasalubong niya ang mga nakainom na suspek, tapos ay bigla na lang daw siyang hinipuan sa dibdib.

"Nagulat po ako. Kasi, nakayuko po ako and hawak-hawak ko po yung bag ko, tapos bigla pong may sumalubong.

"Ang lakas po ng paghahawak niya, e! Kaya nagulat po ako. Sobrang bastos po!" kuwento ni Mae.

Ayon naman kay Jhane, muntik pang saktan ng mga suspek si Mae na naiiyak na dahil sa nangyari. Dagdag pa niya, galit pa raw ang mga suspek kaya nagkagulo na.

At nang parang sasapakin na raw ng isa sa suspek si Mae ay humarang ang manager nilang si Byron.

Ayon sa pulisya ay sinampahan na nila ng kasong acts of lasciviousness ang mga suspek. Hawak na ngayon ng Women and Children's Desk ng Pasay Police ang inihaing reklamo ni Mae.

Dahil nabastos at napagsalitaan ng masama ay itutuloy raw ni Mae ang naturang kaso.

Ayon kay Byron, mga anak daw ng pulis ang tatlong suspek.

Nilinaw rin ng manager ng Mocha Girls na hindi sila galing sa gimikan, kundi sa pagpe-perform sa Blue Wave at sa interview ng ilang press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN