Pilipinas Win Na Win! closes its curtains on December 31

IMAGE 0


Hitmakers (from left to right) Marco Sison, Nonoy Zuñiga, Rico J. Puno, and Rey Valera took over the hosting chores on Pilipinas, Win Na Win! after original hosts Robin Padilla and Kris Aquino left the show. But on December 31, they all have to say goodbye to the program. ABS-CBN has decided to end its run.


Ilang linggo na ring usap-usapan na mawawala na sa ere ang noontime show ng ABS-CBN, ang Pilipinas Win na Win!.

At kinumpirma na ito ng Kapamilya network sa pamamagitan ng text message na natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, December 23, mula sa Corporate Communications Department ng ABS-CBN.

Bago matapos ang taon, magpapaalam na ang five-month-old na programa. December 31 ang takdang pag-goodbye ng show. Ang timeslot na maiiwan nito ay pupunan ng talent-search program na Showtime.

Matatandaan na noong July 31, 2010 lamang nang ilunsad ng ABS-CBN ang Pilipinas Win Na Win! bilang kapalit ng Wowowee na halos kalahating dekada rin ang itinagal sa telebisyon. Ang Wowowee ang dating noontime show na hinu-host ni Willie Revillame. (CLICK HERE to read related article.)

Ang unang naging hosts ng Pilipinas Win Na Win! ay sina Kris Aquino at Robin Padilla, kasama ang mga dating Wowowee hosts na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, at Pokwang.

Subalit makaraan lamang ang isang linggo ay magkasunod na nag-file ng indefinite leave sina Robin at Mariel, na nagpakasal daw sa India.

Sumunod naman ay si Kris Aquino, na ayon mismo sa kanya, "I didn't resign or quit. I was asked to leave Win to make room for new male hosts. I'm honest and humble enough to not lie about the situation." (CLICK HERE to read related article.)

Si Kris ay pinalitan ng mga miyembro ng The Hitmakers na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison.

Kasabay nito, ipinakilala rin sa programa ang dating Wowowee host na si Janelle Jamer at baguhang host na si Gee Canlas, ngunit hindi naglaon ay nawala rin sa programa.

Nitong huli, ipinakilala ang komedyanteng si K Brosas bilang bagong host nito.

Ito ang kabuuang statement mula sa pinuno ng Corporate Communication ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pilipinas Win na Win (PWNW) will have its last episode on December 31, 2010. The ABS-CBN management thanks the The Hitmakers, Valerie Concepcion, Kaye Brosas, and Pokwang, the PWNW production group and most important, its viewers for their support to the program.

"In the meantime, Showtime will occupy the slot left by PWNW. With its extended time, Showtime will continue to bring more great fun, and hope to Filipinos worldwide."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN